'chapter 35'-

322 12 3
                                    



THIRD PERSON'S POV

Nagkakagulo ang buong paligid. Takbo dito. Takbo doon. Sigaw dito. Sigaw doon. Iyak dito at iyak doon. Hindi rin sila tumitigil sa pag takbo. Hindi pa rin tumitigil ang bomba sa pag sabog. Nasusunog na rin ang ibang bahay.

Lahat ng tao sa paligid nag papanic. Walang makalabas na sasakyan dahil may hole ang labas ng gate.

"Everyone go to the gymnasium."-sabi ng boses na nag mumula sa speaker.

"tara, pumunta tayo dun."-sabi ni lyka.

"No. were not going there."-sabi ni Lawrence.

"pero pinapapunta tayo dun."-protesta nya.

"hindi, hindi pa rin tayo safe dun."

"kung hindi tayo safe dun? Saan tayo safe? Dito sa labas?!"-sigaw ni yulisis.

"guys! Wag kayo mag sigawan!"-sabi ni rena.

"pero ikaw naman ang sumisigaw."-sabi ni ian. Namula naman si rena.

"meron akong alam na safe place."-sabay na sabi ni ian at Lawrence. Nag katinginan naman ang dalawa.

"saan?"-tanong ni lyka.

"basta."-sagot ni Lawrence. "lets go."

"mas safe tayo dun sa lugar na alam ko."-sabi naman ni ian.

"no! mas safe dun sa lugar na alam ko."-sagot naman ni Lawrence.

"dude! Kung gusto mo ikaw ang pumunta sa safe place mo, at dun kami sa place na sinasabi ko."-galit na sabi ni ian.

"hindi ikaw ang masusunod dito!"-sabi ni Lawrence na nakatikom ang mga kamay.

"at hindi rin ikaw ang masusunod dito!"-sagot naman ni ian.

"guys enough!"-sigaw ni lyka. "kung gusto nyo, pumunta kayo sa safe place na alam nyong dalawa at kami pupunta kami sa gymnasium."

"NO!"-sabay na sigaw ni ian at Lawrence.

Hindi maintindihan ni ian kung bakit ganun na lamang ang pag aalala nya kay lyka, kung pano sya mag alala para kay rena ay ganon din sya mag alala para dito.

"sasama ako kay ian."-sagot ni rena. Napatingin naman sa kanya si lyka. Ano nga ba naman ang inexpect nya? Malamang dito talaga ito sasama dahil pag kakataon na nitong masolo ang taong mahal nya. At sya naman iniisip nya kung kanino sya sasama. Sa kaibigan nya ba o kay Lawrence.

"tara na. "-sabi ni Lawrence.

Hawak-hawak parin ni Lawrence ang kamay ni lyka. Habang patakbo silang nag lalakad papunta sa safe place nilang sinasabi.

"akala ko ba pupunta kayo sa safe place nyo? Bakit nakasunod kayo samin?"-tanong ni Lawrence.

"dude! Ito ang daan pa punta sa lugar na sinasabi ko."-sagot ni ian.

Habang patakbo silang naglalakad, narirnig pa rin nila ang pag sabog ng mga bomba. Hindi nila iniinda ang sakit kahit nadadapa na sila. Ang mga sanga ng kahoy na tumatama sa kanila. Basta ang alam nila, kailangan nilang makalayo sa lugar na iyon.

"sandali."-humihingal na sabi ni lyka. "tumigil tayo."-sabi nya. "kailangan kong bumalik."

"what? Are you crazy?!"-tanong ni yulisis. "alam mong delekado na sa lugar nayun, babalik ka pa!"

"kailangan kong kunin yung teddy bear na ibinigay sakin ni mommy!"

"hindi tayo babalik dun hanggat hindi nagiging ok ang lahat."-hinila na sya ni rena para tumakbo. Pero nag pupumiglas pa din sya.

"ang sabi sakin ni mommy kahit na anong mangyari kailangan lagi kong dala ang teddy bear ko."-naiiyak nyang sabi.

"mas importante pa ba ang teddy bear nayun kesa sa buhay mo ha?!"-galit na sigaw ni rena.

Hindi na sya nakapagsalita pa. tama ito. Mas importante ang buhay nya kesa teddy bear nayun. Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito? Sino ang may kagagawan ng bagay na to? May kaaway ba ang may ari ng school nila?

"were here."-sabi ni Lawrence at ian. Nag katinginan ang dalawa.

"how did you know this place?"-sabay na tanong nila sa isa't isa. Hinawi ni ian ang damong nakaharang sa may pinto at nag type ng password.

"cool."-manghang sabi ni yulisis. Bumukas ang pinto sabay ng pag bukas ng ilaw.

Ang mga dating gamit ay nandun pa din. Ang motorsiklo na ginamit ng dating may ari ng cave ay nandun pa rin.

"sinong may ari nito?"-curios na tanong ni rena.

"si dad."-sagot ni ian. "how did you know this place Lawrence?"

"nakita ko lang to."-sagot ni Lawrence habang chinicheck ang mga gamit. Si lyka tahimik na naupo sa sofa. Iniisip nya pa rin ang kanyang teddy bear.

"anak. Kahit na anong mangyari lagi mo lang itong ilalagay sa tabi mo ha. Wag na wag mo itong iwawala."-sabi sa kanya ng mommy. Regalo yun sa kanya ng mommy at daddy nya nung 7 years old sya. Minsan kasi na nag lalaro sya naiwan nya ito sa play ground. At talaga namang pinagalitan sya ng todo. Hindi nya alam kung bakit ganon na lamang ka importante ang teddy bear nayun sa parents nya.

"lyka."-sabi ni Lawrence. Tumabi ito sa kanya, pero lumayo sya ng konti. Itinaas nya yung dalawa nyang paa at niyakap.

"hindi ko alam kung anong meron sa teddy bear ko, at ganun na lang yun ka importante kila mommy at daddy."

Watch Your Word CLUMSY and TALKATIVE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon