'chapter 21'-his pov

608 28 3
                                    

YULISIS POV

Hay! San na ba nag punta yung babaeng yun? dito ko lang sya iniwan. ang sabi ko wag aalis umalis naman. basang basa na rin ako. ang hirap pala manghuli ng isda.

yeah. nanghuli ako ng isda dahil wala namang isda dun sa may tabi ng pond.

"hoy! yulisis! bakit basang basa ka at may dala ka pang isda? nangisda ka ba?"-sabi ni marvin. tropa ko at classmate ko din kasama ko sa bahay.

"LOL!"-sabi ko.

"pre lansa mo!"-sabay takip sa ilong na akala moy nakaamoy ng malansang isda. pwe! isda nga pala dala ko. sya naman si edwin same kay marwin.

"bibig mo lang yun boy!"-sabi ko.

"asa! ikaw yun eh!"-edwin.

"sino bang hinahanap mo? nag hahanap ka ba ng bibili nyan?"-marwin.

"ang dami dami mong pera nag bebenta ka pa ng isda."-andy boy . same kay marwin at edwin.

"oh? pre san ka naman nanggaling?"-tanong ni edwin kay andy boy.

"dyan lang sa tabi-tabi."-andy boy.

" i know, nang chicks ka na naman."- marwin.

"hehe."- tawa na lang si andy boy.

see? nang chicks nga. kaya ayaw kong ipakilala dyan kapatid ko eh! sigurado akong mabibingwit nya yun.

bakit ba mabibingwit? ano yun isda?

pwe!

"nakita nyo ba si miss isda? i mean si mela?"-putol ko sa mga usapan nila.

"sinong mela pare? nililigawan mo?"-edwin.

"tapos isda ang ibibigay mo?"-marwin.

"pare. mahiya ka naman. bakit isda pa?"-andy boy.

“at amoy isda ka din.”-dagdag pa ni Edwin.

"putik! mag si tigil nga kayo! ang dami nyo na kaagad sinabi!"-bulyaw ko sa kanila.

"kalma kalma."-sabay akbay sakin ni marwin. kaso bigla din bumitaw."lansa mo pre. ligo ka na muna."

"GAGO!”

"sino ba kasi yang mela na yan pre?"-edwin.

"wala!"-iuuwi ko na nga lang tong isda na to. hindi ko na yun makikita dahil unti-unti na din dumidilim. umuwi na siguro yun. hahanapin ko na lang sya bukas.

___________________________

"hay! bakit ba hindi ko sya makita?"-sabi ko sa sarili ko.

"pre ? sinong kausap mo?"

"oopps opss opss. masyado ka namang hot dud!"-hawak-hawak ni marwin yung kamao ko.

oo. kamao dahil muntik na syang mataman ng suntok ko. tss. nanggugulat eh.

"sino ba hinahanap mo? yung miss isda- este mela pala ba yun ha?"-ang dami nyang tanong. napapagud ako mag salita kaya umalis na ko.

"bat nga pala hindi ka pumasok kanina?"-isa pa to si edwin bigla bigla na lang sumusulpot sa dinadaanan ko.

"ano ba! paisa isa kayo sumusulpot di naman kayo ang hinahanap ko!"-irita kong sabi.

"yung pagbibigyan ba ng isda ang hinahanap mo?"-edwin.

"......"

"ano ba kasi itsura? sabihin mo sakin. para maidrawing ko."-marunong nga pala sya mag drawing.

"oh ito na."-matapos idrawing ni edwin yung mukha ni mela biglang humagalpak ng tawa. hindi ko alam kung nagawa nya ba talaga yung sinasabi ko dahil ayaw nyang ipakita sakin kanina.

"WHAT THE?"- gusto ko rin sana humagalpak ng tawa kaso pinigilan ko.

"oh? bakit? panget ba? maganda naman ah. mukha syang dyosa."-edwin.

"kelan pa naging dyosa ang serena ha? at bakit may bilog na koronang bulaklak sa ulo? at bakit may hawak pang isda?"-takteng buhay to. naiinis ako na natatawa. puro kalokohan talaga.” At isa pa di ko naman sinabing serena.”

“eh kasi pare. Hehe. Wala lang….  awwwttts-“- batukan ko nga. Puro kalokohan.

Nakita ko naman si andy boy na may akbay-akbay na namang babae. Napaka play boy talaga ng lalaking yun.

Lakad ako ng lakad para hanapin yung si mela. Naikot ko na ang buong school at na silip ko na lahat ng classroom pero di ko pa rin sya nakikita. Inabot na ako ng lunch time sa pag hahanap sa kanya. Hindi pa rin ako nag memeryenda.

Nung nakita ko sya kahapon at nginitian nya ko para akong nahipnotismo. May kakaiba sa mga ngiti nya . para syang bata na nawawala na hindi mo pwedeng hindi tutulungan.

Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa.

Lyka: punta ka dito. Bilisan mo!

Isa pa yung isang yun! Astig din eh! Bigla din akong naging instant slave. Di ko magawang mag reklamo kapag inuutusan. Napakamot na lang ako sa batok.di ko alam na mag papa under ako sa isang- hindi dalawang babae at di ko pa girlfriend.

binasa ko ulit yung text nya sakin. saan naman kayang "dito"? malay ko ba kung nasaan sya ngayon.

me: nasaan ka ba? di ko alam eh.

lyka:likod.

ang tipid mag text. kung per word lang binabayaran sa load malamang matagal maubos ang load nito.

pag karating ko sa likod ng school isang estudyante lang ang nakita kong nakaupo sa may puno ng mahogany. alam na kahit nakatalikod.

"hi maam lyka."-ang lapad ng ngiti ko sa kanya. pero di manlang ako tiningnan . sayang yung ngiti ko.

"ibili mo ko ng pag kain.bilisan mo nagugutom ako."-utos nya na nakatuon ang pansin sa binabasa nyang libro. ano kaya binabasa nya?

romance?

action?

humor?

horror o baka naman patayan?

tama. sigurado akong patayan ang binabasa nya. dahil hindi naman sa kanya bagay mag basa ng romance o ng humor story eh. di bagay!

"bakit ganyan ang itsura mo? nag iimagine ka ba?"-tanong nya . pero di parin sya tumitingin sakin."bilisan mo dahil gutom na ako."-lumakas na yung boses nya kaya napatayo agad ako.

"aye sir!"-nag salute pa ko sa kanya.

"kelan pa ko naging lalaki?"-taas kilay nyang tanong sakin at ang sama din ng tingin.

"ahh.. hehe. mukhang lalaki."

"anong sabi mo?"-hala! ang lakas na ng boses.

“ahh/. Hehe, wala . sige alis na ko. Di ba gutom ka na.”-buti naman at nakalayo na ko sa kanya.

“bakit ang dami nitong pagkain? Anong akala mo sakin matakaw? At nasaan ang sukli ko ha?”-grabe! Akala ko pa naman keep the change . no choice ako kundi iabot sa kanya ang sukli.

“akala ko keep the change “-sabi ko.

“akala mo lang yun pero hindi. Slave kang walang sweldo. Gets?”-grabe! Ang saklap ng kapalaran ko.

“sandali akin to”-agaw ko sa kanya nung chicken.

“eh di sayo na.”-bigla nyang binitawan yung chicken muntik ng malaglag sa lupa. Buti na lang at nasalo ko.

Habang kumakain kami pasimple ko syang tinitingnan kumain. Mahinhin sya kumain. Halatang galing sa maayos na pamilya nanggaling. I mean mayaman.

“may kilala ka bang mela.”-bigla syang himinto sa pag kain. At tiningnan ako ng masama.

Napalunok naman ako ng wala sa oras. Di ko pa nangunguya yung chicken .

takte!

Watch Your Word CLUMSY and TALKATIVE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon