'chapter 25'-broken hearted

480 25 0
                                    

LYKA'S POV

"thank you for today."-malungkot nyang sabi. "and sorry. akala ko kasi gusto kita. hindi pala."-pagkatapos sumakay na sya sa sasakyan nya.

pag kasabi nya nun parang bigla na lang gumuho yung mundo ko. ewan. kanina. ang saya-saya ko kasi kasama ko sya. sya yung first date ko, first boyfriend ,first holding hands at una din nag sabi na ang bango ng buhok ko at nakakataba ng puso na sabihan ng ganun.

kanina nung may ka text sya nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. bigla na lang kasing nag bago yung mood nya. tapos kung tumingin pa sya sakin para akong nakakadiri. at ang sakit sakit na ganun ang maging tingin sayo, pero mas may sasakit pa pala sa bagay na yun. ang sabihin nya sakin na hindi nya ko gusto. narealise nya siguro habang mag kasama kami at ang tanga ko naman kasi masyado akong napalagay na magugustuhan nya talaga ako.

at sa isiping yun. hindi ko na mapigilan ang sarili kong mga luha. kusa na lang silang nag landas sa mukha ko. hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto mula kanina nung bumaba ako sa sasakyan nya. hindi ko kasi alam kung pano ako mag lalakad. nanghihina ako.

naalala ko naman yung mga sinabi nya sakin lalo na nung una naming pag kikita as mela.

“gusto ko ang mga katulad mo. Mahinhin, laging nasa loob ng bahay at hindi lumalabas.” ang sarap sa pakiramdam na sabihan ka ng ganun ng taong gusto mo.

“kasi gusto kita lagi nakikita.”

“mas gumaganda ka kapag ngumingiti ka.”

tapos naalala ko din yung nag sabuyan kami ng tubig.

akala ko lahat ng sinabi nya totoo. hindi pala.

Umasa ko namgugustuhan nya ko dahil maganda ko.

Hindi pala.

Na realize nya siguro kanina habang mag kasama kami na hindi nya ko gusto at hindi sya Masaya na kasama ako.

Watch Your Word CLUMSY and TALKATIVE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon