Chapter 5

381 13 21
                                    

Third Person's Pov
"Saan ka galing Earl?" Tanong ng isang babae nang maupo si Earl sa pwesto nya.


 Umurong ng kaunti si Vince at tumingin rin dito. "Kapag ba sinabi kong SM, maniniwala kayo?" Seryosong sabi ni Earl sa'kanila.

 Nagtaka naman agad yung babae at si Vince. "Hindi syempre. Layo-layo kaya nun" sabi ni Vince.

 "Kaya don't you ever ask kung saan ako galing." Sabi ni Earl.

 Napaisip si Vince sa mga sinabi ni Earl.

Dumukdok nalang si Earl kaya di na magawang tanungin ni Vince si Earl kung ano ba talaga.

 Humarap nalang si Vince sa babae sa likod nya. "Ano daw?!"

 "Wala. Ewan ko ba dyan." Sabi nung babae. Lumapit yung babae kay Earl.

"Alam kong di ka sa restroom nagpunta. I'm pretty sure na nagskip ka ng class." Sabi nung babae. Napatingin naman sakanya si Earl.


 "Sinundan mo ba'ko?" Tanong ni Earl.

Mabilis na umiling ang babae at tumayo at pumunta sa harapan ni Earl.

  Mabuti na'lang at di na nakatingin si Vince sakanilang dalawa. "I know your secrets Mr. Delos Reyes." Sabi nung babae at nagsmirk.

  Napakunot-noo si Earl. "What are you saying?  What secrets? Sa pagkakaalam ko you are just freaking transferee na di ko kilala" sabi ni Earl.

Napatawa naman yung babae sa sinabi ni Earl at bumalik ito sa upuan nya.

"Dami mong sabat Earl." Sabi nung babae.

"Malalaman mo rin naman. Wag kang excited." Malalaman mo kapag nakaharap ko na yang Bianca na 'yan. --Sabi ng babae sa isip-isip nya.

--

Bianca's Pov
 Nang makabalik na ako dito sa room namin.

Nagsisiingayan nanaman sila tapos mga nagsisiwalaan.

 Mas gusto ko pa yung tahimik sila e.  Napagdesisyunan ko na dumukdok na muna dahil inaantay nalang namin ang uwian.

"Kilala nyo ba yung transferee?" Tanong ni Chrizel samin.

 Napalingon naman agad ako sakanya. Pagdating talaga sa chismis, si Chrizel maasahan nyo dyan eh.

"Oh? E august na may humahabol pa. Aba matinde." Sabi ni Ann.

 "Saan mo naman nalaman yan?" Tanong ko kay Chrizel. "Sa taga-kabilang section nakita ko e. Buti di natin kaklase kasi Japanese daw." Sabi ni Chrizel.


Japanese? Talaga?. Sino naman kaya ito? Na-curious tuloy ako bigla. "Lalaki o babae?" Tanong ng isang namin kaklase.

Bakit parang wala akong napapansin na mukhang Japanese ngayon?

 "Lalaki no. Medyo may itsura sya. Pero ang cute nya. Haha. Hindi naman sya mukang Japanese eh. Sa mata lang" sabi ni Chrizel.

Tahimik lang ako nakikinig sa bawat detalye.


 "Galing mo Girl!" Biro ko habang pumapalakpak pa.

"Tse! Haha" natawa naman ako sa naging reaction nya.


 Para tuloy gusto kong makita kung sino yung transferee na'yun. Saka hindi ko makakalimutan ang pangalan kanina sa Music Room. Winter... What a cute name.


You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now