Chapter 27

96 2 0
                                    

Napahiga ako sa kama ko dahil sa sobrang pagod. Pagod sa kakaisip ng kung anu-ano.

Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung anong pakay ni Kiel kung bakit nya ito ginagawa sa akin?

Napabuga nalang ako ng hangin at ipinikit ko ang mga mata ko. Biglang pumasok sa isip 'ko yung nangyari kanina sa Chem class. Dapat nagdiriwang ako ngayon at hindi namomroblema, hindi nasstress.

Napaupo nalang ako at nakita ko phone ko at binuksan ko facebook ko. Tutal matagal-tagal ko na rin hindi nabubuksan yon.

Pagkabukas na pagkabukas ko, ang daming messages. Sa groupchat naming magkakaibihan. Groupchat naming magkaklase. Groupchat, walang personal message.

Napaismid nalang ako. Hindi talaga ako mahalaga sakanila. Hays. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko ngayon.

Ayoko maging malungkot dahil lang don.

Sunod kong tiningnan yung mismong facebook 'ko. Napaismid nalang ulit ako sa nakita 'ko.

Picture nila Earl at Red. Silang dalawa lang. Binasa ko caption nya,

"It's good to be back. Start your day right." Ang emoji pa ay may puso puso pa.

Nawalan ako ng gana magfacebook. Sana hindi nalang pala ako nagfacebook kung ganon lang din makikita ko.

Tiningnan ko naman yung twitter 'ko, scroll down lang. Wala lang, nag-eenjoy ako kahit ganito lang.

Nang wala naman akong makita nakakainteresado, ini-loading ko ito at napag-isipan na magtweet.

"Im so tired." Tweet 'ko. Wala akong pake kung ano iisipin nila sa tweet ko.

Tired of being so unhappy. Tired of thinking someone who can't be mine.

Kasabay ng pag-tweet ko ay ang pagtweet nya.

"Be mine again." Ilang segundo ko din pinagmasdan tweet nya.

Ano ibig sabihin nya don? Kinagat ko labi ko upang pigilin ko mga luha ko na gusto makawala.

Pero hindi ko kaya. Trinaydor ako ng sarili ko. Umiyak pa din ako. Nasaktan pa din ako.

Siguro, si Red na nga ang bago nya. Hindi na ako--- eh kailan ba ako naging sakanya? Tumawa ako ng mapait dahil napagtanto ko na walang kwenta pala iyak ko.

Dahil laro lang pala ang nabuo sa aming dalawa.

Laruan lang ako sa'kanya.

Napahinto ako nang mag-ring phone ko kaya agad kong ipinunas luha ko as if namang makikita nya ako.

"B-bakit?" Tanong ko. Nag-hello naman sya sakin sa sobrang lakas ay halos mabingi ako.

Mas malala pala to kesa kay Mary.

"Gusto ko lang kamustahin ka, kamusta Chemistry mo kanina? Uy grabe! Nawindang ako sa formula. Pero si Papa Pogi, tinulungan naman nya ko. Hihi." kwento nya. Harot naman ng isang 'to.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now