Chapter 25

103 5 0
                                    

Vince's POV

Kanina ko pa hinahagilap si Bianca pero di ko siya nakikita sa campus simula kahapon.

Ano na kayang nangyari dun? Psh.

Pinuntahan ko naman sa room nila kaso wala sya dun, pambihirang babae. Don't tell me absent yun. Tch.

Bakit ngayon ka pa absent, Bianca? Susko, wala akong makausap. I felt lonely at this time.

Mismong si Kiel, hindi ako pinapansin non, ewan ko ba busy sa babae nya ngayon.

Nabalitaan ko kasi na may girlfriend siya, aba at di nako pinapansin. Napakaisip-bata ng mokong na yun.

Mwehehez.

Napadaan ako sa library at naabutan ko dun si Winter kalalabas lang.

Ay, kaibigan to ni Bianca diba? Agad na pumasok sa isip ko kaya agad akong lumapit sa'kanya.

"Winter!" Tawag ko dito, agad naman syang tumingin na nakataas ang kilay.


Nakapoker-face lang ako sakanya habang inaayos ko sasabihin ko sa isip-isip ko. "Nakita mo ba si Bianca ngayon?"

Napaatras naman sya at halatang gulat na gulat na siya kaso napalitan ito ng ngisi.

"Oh wow, I'd never thought na pati ikaw vince mahuhumaling kay Bianca." Sabi niya habang nakapameywang to.


Lumayo ako sa'kanya ng kaunti, at parang tiningnan siya ng masama. "Hindi naman. Kaibigan ko lang yun. Dumi ng utak naman nito" Sabi ko sakanya. Tinaas nya pa kilay niya lalo.


Burahin ko kaya kilay ng baklang 'to? Baka pag ginawa ko 'yun wala na syang maitaas dyan. Pfft. "O-kay. Whatever... Hindi ko pa siya nakikita ngayon, I've heard nag-rereview daw." Sabi niya.


Akmang paalis na siya nang lumabas naman si Ann. Nanlaki naman mata niya nanh makita kami---ako? Ah, basta.

"Uy, beshie!" Akmang yayakapin na siya ni Winter kaso napaubo ako as in hindi sadya kasi may umano sa lalamunan ko kaya napatingin silag dalawa sa akin.

"Ay, sorry Bins, sige tanungin natin si Ann, uy nakita mo si Bianca?" Tanong ni Winter sakanya.

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa, kailangan kong malaman kung nasaan si Bianca. Bago matapos tong lunch break.

May dapat din pala akong sabihin sa'kanya--- kay Bianca.

"Uhm, pumasok siya ngayon but I don't know where she is. Kasi at this moment, nagrereview sya sa Chemistry. Di niya sinabi kung saan" Ayun lang binigay na sagot ni Ann.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now