Chapter 12

248 12 2
                                    

Tumatakbo pa rin kami para hindi kami mahabol nun. Pero basta ako hinila ni Earl somewhere kaya di na kami nahabol nun at mukhang si Rics ang biktima ng mga 'yun.

Habang naglalakad kami sa gubat ay hindi ko maiwasang mapahawak sa tyan ko dahil sa sobrang gutom.

"gutom ka na?" Tanong ni Earl. Tumango ako at nakasimangot. Tumigil kami dito baba ng puno at pinaypayan sarili ko.

"Dyan ka lang. Maghahanap lang ako ng pagkain" sabi nya. Pinigilan ko sya at pinaupo sa tabi ko pero agaf rin syang tumayo.

"Wag mo kong iwan dito!" Pagpipigil ko sakanya. Ilang segundo rin bago sya ngumiti at ginulo buhok ko.

"Kala ko ba gutom ka? Baka mahimatay ka dyan bigla e." Hawak-hawak ko pa rin yung wrist nya para hindi sya makaalis.

"Titiisin ko lahat,wag ka lang umalis.." narealize ko yung sinabi ko kaya natawa ako. Hugot ba ito? "O di kaya sasama ako" sabi ko sakanya.

Pero sa totoo lang masakit na ang paa ko dahil siguro sa kakalakad. Ilang oras rin kaming naglakad no!

Humanda talaga sakin yung school at ipapamassacre ko sila. :(

"Ito may pagkain pa dito sa bag ko. Kainin mo nalang 'yan" sabay bigay ng tinapay sakin..pero nakaplastik pa ito.

Inamoy-amoy ko pa ito. At mukhang hindi pa sira kaya kinain ko ito agad.

Nahuli ko pa syang nakatingin sakin so inalok ko sya pero tinanggihan nya agad ito. "Ikaw nagbigay nito. Tapos hindi ka kakain? Nakakahiya naman" sabi ko sakanya.

Hindi rin nagtagal ay kumagat rin sya dito. "Kitams. Gutom ka pala e. Aarte pa" biro ko.

Pagkatapos kong kumain ay humiga ako at ginawang unan ang bag ko. Kahit madumi, ayos lang. Marumi na rin naman damit ko tapos aarte pa ako? Tch.

Inaantok ako. "Wag mo kong iwan ha." Sabi ko sakanya. Ngumiti lang ito saakin at nagthumbs up.

Bakit ganun. Biglang bumait yata si Earl? Epekto ng Gubat? Taong nature ba ito?

Pansin ko lang kasi. Saka simula nung nagkwentuhan kami dun sa may apoy.. Totoo kaya yun?

Pero ayokong isipin na totoo yun. Mahirap nang magtiwala ngayon at masasaktan lang ako.

Ipinikit ko mata ko pero naisip ko bigla ang paggamot nya sa sugat ko pero naisip ko rin si Winter.

Teka. Bakit si Winter? Kaya agad ako napabangon.

"Akala ko ba matutulog ka?" Bungad na tanong sakin ni Earl.

"hindi nga ako makatulog. Nakakainis kasi si Winter" hindi ko sinsadya na masabi yun kaya napatakip ako ng bibig.

Nakita ko namang napakunot-noo sya. "Si winter?"

"W-wala.."

"Do you like Winter?" Tanong nya. Nagulat naman ako sa tanong nya.

Tanga mo kasi Bianca, bakit mo kasi nasabi? Ano ba'yan! >__<

"Matutulog na ako" sabi ko sakanya at nahiga. Buti nalang at hindi na nya ako kinulit.

Something changed about him..really.

--

Minulat mata ko at nakarinig ng katahimik. Tunog gubat sa paligid.

Una kong hinanap si Earl, ay wala sya sa tabi ko kaya bumangon ako. "Earl? Earl? Saan ka na? Earl.." hinanap ko sya sa buong paligid.

Hapon pa naman rin kaso akala ko ba hindi nya ko iiwan. Hinanap ko sya pero wala talaga sya kaya nainis na ako at naupo nalang sa isang tabi.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now