Chapter 13

261 11 0
                                    

"Tara mag uno muna tayo!" suggest ni Mae habang nilabas yung cards. Ito kasi ang huling araw ng practice para sa Acapella.

Balik normal ulit. Jusme, mas bet ko pa sa gubat kami. Atleast nakakaenjoy.

Pumayag kami sa naisip na laro ni Mae para hindi naman maboring tong vacant time na'to.

(Author's Note: Siguro alam nyo naman yung UNO Cards na laro? Diba? :))

Sumali na'rin sila Kiel tutal wala rin silang ginagawa rin kaya nakisali sila samin.

"Kung sino matalo, gagawa ng dare!" Suggest ni Kiel.

Napataas kilay ko sa sinabi nya. Gagawa ng dare? Wtf.

"Sakin tong card kaya manahimik ka dyan Kiel" pagsusungit ni Mae sakanya. Nagpout naman si Kiel kaya bigla akong nandiri sa ginawa nya

"Edi sana nagtruth or dare nalang tayo." -Chrizel. Natawa naman ako sa mga naging reaksyon nila Mae at Chrizel about Kiel's idea.

"Hindi yan! Kung sino panalo ay magdedare sa talo. Para may thrill" may nakakalokong ngiti si Kiel kaya bigla akong kinilabutan sa sinabi nya.

Kahit kailan talaga, iba mag-isip tong isang to! Wala na kaming nagawa kundi pumayag, mukang push na push nya yung idea nya.

Nainis ako dahil sobrang bilis ni Earl, nanalo agad sya. Abaa, playing safe tong isang to

Nilapag ko ang 4 with yellow color na card. "Thank you Biancaaa!" Biglang sigaw ni Vince

Sabay nilapag yung +2 na kulay yellow rin. Mabuti nalang at hindi ako kasunod ni Vince kundi malilintekan talaga sakin tong isang to.

Pero nanlaki mata ko nang sunod-sunod sila na ganon. Napalunok ako dahil ako na ang kasunod. "ANG DADAYA NYO! Kaibigan pa naman din turing ko sainyo" duro 'ko kila Chrizel at Mae

Mukhang napagtripan ako ng mga to! T.T Malas na yellow yan! Dapat pala hindi nalang yon, kaloka!

"So add 10 cards." Tuwang-tuwa sabi ni Kiel sakin habang nakangisi sya.

"Alam mo naman kapag sa uno, walang kaibigan dito. Hahahaha!" Asar ni Mae. Napasimangot nalang ako sakanila.

Hanggang sa kaming dalawa ni Vince ang naglalaro. So it means... alanganin buhay ko.

Dalawang cards nalang meron ako. Napatingin ako yung isa 6 red color at yung isa 8 blue color.

Kinakabahan na tuloy ako baka kasi ako ang talo, papagtripan nanaman ako ni Earl nito.

Nilapag ni Vince yung card nyang red kaya nagliwanag mata ko at nilapag ang red na card ko.

So isa nalaaaang!

"Uno"

Natahimik ako sa sinabi ni Vince habang nakaturo sa card ko. Napasapo ako sa noo nang marealize ko ang ginawa nya.

"Paksh*t ka Vince!!" Bulyaw ko dito. Tumawa lang ang loko. Kaya nadagdagan ang cards ko.

In the end, ako ang talo! "Ang dadaya nyo!"

"Wala na e. Talo ka na bianca, tanggapin mo na!" Asar pa lalo ng baboy na to. I rolled my eyes at napatingin kay Earl na nakangisi.

May nase-sense akong hindi maganda. Myghad! Sumasakit nanaman ulo ko sa kakaisip na kung ano ang pwede nyang gawin.

Sana naman hindi to mala-wattpad, na magiging slave, or date, or whatever it is. Gasgas na sa buhay iyan, mabago-bago naman. Jusme!

Pero bumukas ang pinto at nakita ko 'yung teacher namin sa P.E at nakapiggy back sakanya si Winter na nakangiti.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now