Chapter 6

347 18 20
                                    

   

           "Oh ano guys, ilibre nyo ko ng pamasahe ha!" Sabi ni Vince kay Patrick.

  

      "Kapal ng mukha mo baboy!" Pambabara ni Ann. Natawa nalang ako sakanila.

       Sumakay na kami sa Jeep. Bago mag7pm ay dapat nasa bahay na'ko. Mabuti nalang at nag-aya sila Mary na samahan ko daw sila sa Birthday Party ng isang estudyante sa school namin.

        Pauwi na nga kami e. Nang may nakaparadang jeep dun. "OH CALUMPIT. CALUMPIT. CALUMPIT!! LIMA PA." Tiningnan namin yung jeep kung kasya pa ba ang lima kaso punong-puno naman.

          "Tangina. Wag kami" Earl's murmured. Kasama sya. Kaloka nga e, magkikita pa kami mamaya.

         Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Earl. "lahat na yata ng tao sa mundo, manloloko na" sabi ni Ann.

           "Nagpapaloko ka kasi" sabi ko.

   

    Nang makasakay na kami sa jeep ay naisipan namin na si Vince magbabayad. Wala lang, daya naman kasi sya na nga ililibre. =w= Galawang baboy. "manong bayad ho" -Vince.

        "Saan galing?" -Kuyang Driver.

         "Dun sa Birthday party, inimbita kasi kami" -Vince na mukang inosente. Pfft. Lumingon ako kila Mary at Mae na nagpipigil ng tawa.

             Kaya sinuntok ko si Earl. "Bwisit si Vince. Kunyari di natin kilala yan" bulong ko kay Earl. Tumingin kami s bintana at hindi pinansin si Vince.

        Marami pa namang din tao dito kaya yung iba nagpipigil rin ng tawa. "Saan galing itong 100?!" Iritadong tanong ni Kuya.

        "Sa wallet ko po" -Vince. BOSET KA VINCE. Di ko kinaya at natawa ako sa katangahan ni Vince. "Dyan lang Alido." Sabat ni Earl. Nairita na siguro.

        "Ilan tong 100?" -Kuya Manong.

     "Isa lang po kuya. Bakit?" -Vince. Napatingin ako kay Kuya na mukang iritang-irita na kay Vince. "Lima lang po" sabat ko.

     "Saan tong 100?" Daming tanong ni Kuya. =_____= Kainis! "Kuya dami nyong tanong. Sa pagkakaalam ko jeep tong sinakyan namin at hindi ikaw si Boy Abunda at Kris"-Vince. Napahagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi ni Vince.

       Shete kasi e. "HAHAHAHAHA!" Tawa ng nakasakay dito kasama na kami.

--

      Time Check: 7:03 pm

    This is it. This is really is it. Ito na'yung sinasabi nilang family date.

    Medyo kinakabahan but still kaya ko to. Im wearing a formal dress which is di ko to keri, wearing high heels is not my thing.

      Nang may nagbiglang magtext sakin. Kaya binasa ko agad ito.

      Fr: Earl Unggoy
   Im already here...

   Oh shocks. Kinuha ko bag ko at bumaba na sa hagdan. Naabutan ko pa mama ko nanunuod ng News. "Ma alis na po ako. Nagtext na si Chrizel e." Palusot ko.

      Alam ng mama ko na sila Mary pupuntahan ko. Pero aware sila na sinali ko sila sa kalokohan ko at sabi ko naman na para sa isang friend ko itong party.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now