Chapter 10

345 11 0
                                    

Mahigit one hour rin bago kami nakarating sa mismong campsite. Thanks God, nagdala si Jane at Governor ng malaking tent.

Which is napagplanuhan namin na yung isa for girls at yung isa is for boys. How exciting!

I don't know bakit ako naeexcite sa mga posibleng mangyayari but there again, hindi mawawala rito yung pagkainis ng ilan. "Bakit ba kasi hinayaan tayo ng school na ganto? Marami namang pwedeng ipunishment satin, bakit ganito pa?!" Inis na sabi ni Marie.

We are trying to calm her. Kanina pa sya ganyan. Psh. Alam ko namang nasangkot rin sya pero sana naman wag na syang dumagdag sa pagod namin.

Kaya inilagay namin gamit namin sa isang tabi at inayos yung tent. "Just be thankful na may extra akong nadalang pagkain" sabi ni Ann.

Yung iba naman gumagawa ng apoy, pagabi na rin naman kasi. Kaya iyon nalang magsisilbing ilaw.

"Thankful for what? We are in this dangerous place. Na maaring may ahas, lions or tigers or whatever na ikakapahamak natin. Walang magbabantay, walang expert pagdating dito. Anytime we could die here for pete's sake!" She muttered. Mary rolled her eyes at her at hindi nalang pinansin si Marie.

"Easy ka lang!" Sigaw ni Winter sakanya. Pero di sya pinansin ni Marie. Nang matapos namin ayusin ang tent ay humarap ako sa'kanya.

"Stop murmuring non-sense things Marie. I know you're tired, I know you're mad at them but could you please shut up. Hmm" I said. Natahimik naman sya bigla at pumasok nalang sa tent.

Sumasakit tuloy ulo ko dahil sa kanya. Oo, hindi kasi sya sanay sa mga ganito kaya ganyan umasta. Masyadong minamaliit ang sarili. "Uy, Bianca. Samahan mo mga ako. Ihing-ihi na talaga ako" sabi ni Chrizel at hinila na'lang ako.

Napatingin naman ako sa paligid at madilim na pala talaga. Kaya nakakatakot rin, "wait I'll get the flashlight!" Sabi ko kay Chrizel.

Kinuha ko sa bag yung flashlight. "Saan kayo pupunta?" Winter asked us.

"Maghahanap kung saan yung cr" sabi ko. Tumango si Winter. At lumapit naman basta ni Mary. "Delikado rito. Baka mapano pa kayo, samahan mo sila winter!" Utos ni Mary kay Winter.


"Ano?! Iihi nga ako, magsasama pa ng lalaki!" Hindi makapaniwalang sabi ni Chrizel.

"Wag mo silang sisilipan ha. Kundi malilintekan ka sakin." Sabi ni Mary. Wala na kaming nagawa kung hindi sumunod nalang.

Dito kami sa puro puno at habang naglalakad ay nagkekwentuhan kami ng kung anu-ano para mawala takot namin. Minsan nagiisip na'lang kami ng kalokohan.

Hindi naman kami mawawala kasi kitang-kita naman na yung apoy sa may camp site.

Bumalik kami ka'agad at may pagkain na nakahanda. Hindi ito karamihan, siguro eksakto lang para sa'amin. Makikita mo sakanila na they are all so tired. We are not used to it pa naman.

Nakakapanibago lahat ng to, in my life. I never expect this one.

Nakapalibot kami sa apoy at nagkwentuhan about sa love, life or kahit ano. Si Marie? Medyo huminahon na sya unlike kanina na sobrang init ng ulo.

"Tiis-tiis muna tayo! Makakauwi rin tayo after 3 days guys!" Sigaw ni Governor kaya nagsigawan nalang kami sa tuwa.

Uwing-uwi na kaya ako! Namimiss ko na pagkain samin, lalo na yung bahay namin. Jusko.

"Di ako nainform na malamig pala talaga dito" sabi ko habang yakap-yakap sarili ko.


"Nakaharap ka na nga sa apoy, nilalamig ka pa rin" pambabara ni Kiel. Marami rin kasing puno dito kaya ayan, malamig yung simoy ng hangin.

You're my Secret GirlfriendWhere stories live. Discover now