Hello!
Matutulog na kasi ako ngayong hapon.. haha para tumangkad ! anyways this is the characters..! Enjoy the story!
------- Start na po!
May 13, 2015
Ngayong araw ang pinakahihintay ko sa lahat.. may bertdey..
sa totoo lang.. di ako mayaman, di rin may kaya lang, .. isa akong hamak na pulubi lang.. nakaupo dito sa lansangan.. nakatingin sa mga mata ng taong dumadaan at umaasang bibigyan ako ng pagkain..
Ang paborito kong tambayan ay ito tindahan ng damit ni ate Arriane.. Mabait sya sa akin at lagi akong binibigyan ng pagkain.. Nung pinanganak ako ng nanay ko, magkaibigan na daw sila ni mama kahit anim na taon lng sya nun..
"Jessi! Oh kumain ka na..!" -Ate Arriane..
"Wow! spaggeti! Teka ate ano toh?!" -Ako. Tinutukoy ko ung nasa boks (box) na kulay pula na may ribon.
"Cake yan.. alam kong ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakain ka nyan.. kaya pinagiponan ko yan! Happy 23rd Birthday Jessi!" -Ate Arriane.
Nagsimulang uminit ang mata ko at napaiyak.. Simula bata di ko pa naranasang kumain man lng ng keyk o mag selebreyt (celebrate) ng aking bertdey..
"Salamat ate Arriane.. Kung nabubuhay si nanay siguro ansaya nating tatlo na kumakain nito..! " -Ako. Sinagot nya lng ako ng ngiti at tawa habang kinakain ko ang spaggeti at keyk.
"Nga pala Jessi.. may gusto akong ipakilala sa iyo.." -Ate Arriane..
"Sino po? boypren mo?" -Ako
"Oyt! Hindi noh! Pero pinsan mo sila..!" -Ate Arriane.
"Pinsan?! Diba wala na kaming kamag-anak ni nanay? Pano naman ako nagkaroon bigla ng pinsan? " -Ako.
"Hindi ko din alam Jessi pero pinakita nya sa kin ang family picture nyo at.. teka tatawagin ko sila.." -Umalis si ate Arriane at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Dumating si ate Arriane na may kasamang mga lalake.
"Jessi,, sila daw ang mga pinsan mo.. si Xiu Min.. at ang kapatid nya si Lay.." -Ate Arriane.
Ngumiti sa akin ung mukang kuya at nagsalita naman ung mas bata,,
"Ate Mei Lee! Sya ba talaga si Ate Mei Lee?" -ung mas bata..
"Siguro Lay.. *tingin kay ate Arriane* meron ba kayong patunay na ang nanay nya ay si Tita Xi Pian?" -ung mas nakakatanda..
"Oo.. nasa kanya ung litrato ng nanay nya.." -Ate Arriane.
Ipinakita ko ang litrato ni nanay na kasama si Ate Arriane nung anim na taon pa lng sya tapos ako buhat ni nanay. Ipinaliwanag ni ate Arriane na sya ung batang babae na nasa gilid ni nanay at ako naman ung baybi na buhat ni nanay. Nakiusap ang dalawang lalake na kung pwede ba ako sumama sa kanila. Di ako sumasama sa di ko kilala kaya sumama si ate Arriane.
pagkatapos ng ilang minuto.
Nakarating kami sa isang napakagandang bahay! isang bahay na makinang..!
Hinatak ako nung nakababatangg lalake kanina. Hinatak ko ang kamay ko dahil di ko naman sya kilala..
"Wag ka matakot ate Mei Lee.. Ako si Lay. Pinsan mo ako kay Mama Cheng! " -Lay daw. Hayan na nga! Hinayaan ko syang hatakin ako papasok dun sa makinang at mapulang bahay.
Sa loob ng bahay bumungad sa amin ang isang pamilya na nagsasaya. Madaming pagkain, mga taong nakapula, at magagarang gamit. Hindi ko mai-alis ang ang mata sa paligid..
"Da Ma! ate Mei Lee is here!" -sigaw ni Lay.. tumahimik ang lahat at nawala ang mga ngiti sa labi ng bawat isa..
Pumasok ung mukang kuya kanina.
BINABASA MO ANG
EXO MIX~
Любовные романыSino ang mas cute? Sino ang mas pogi? At saka nga pala sino ang baliw? Dangerous dangerous They are dangerous Si Suho na pandak, may sampung mga anak Pero kasama niya si Kris baba Exodus exodus it's my exodus =Kanta ng EXO-L hahahaxD= Hi people! T...