The Way You Look At Me

2 0 0
                                    

XxxJoylynXSuhoxxX

Joylyn's POV

Hello everyone! My name is Joylyn Park. 22 years young hahaha syempre *smiles*. Nakatira sa gitna ng Busan, as in sa kalsada! Joke basta somewhere in Busan. An employee of Moon Engineering Corp. and actually architech ako dito pero.. under ako ng isang senior. Intern ganun. Oo baguhan lang ako dito kaya under ako ni Mr. Kim. But you know what?! GWAPO SYA AT MAPUTI *0* and.. SINGLE SYA *0* but then.. PANDAK SYA! XD Oh well kahit na medyo pantay na yung height namin, hahaha crush ko pa rin sya *0*

Ngayon papunta kaming construction site. Latest project ito ng Moon Engineering Corp. eh kaya si Mr. Kim ang namamahala dito.

"Joylyn, akin na yung blue print. Ako muna maghahawak.." -ani ni

Agad ko namang hinatak yung mahabang lalagyan sa likod ko. Nang maihatak ko na at mailagay sa harap.. OMG 0.0. Shems ang clumsy ko! Nalaglag ko lang naman sa baba. Hahaha. Pupulutin ko na sana nang... humawak sa kamay ko si Mr. Kim. Hindi nya yata intensyong hawakan yung blue print copy. Yung mismong kamay ko talaga ang gusto nya yatang hawakan hahahaa

KYAAAAAAAAAH~~~~

"Ah eh Mr. Kim, ayan na po yung blue print." -sabi ko sabay abot at may pakailang kay Mr. Kim.

"Ah yeah, btw pag dating natin dun diretcho tayo sa temporary room. Doon naghihintay si Mr. Do"

Mr. Do? Siya yung cliente namin na nagpagawa ng bahay dati ah. Don't tell me siya ang cliente ulit namin ngayon? High Class Restau kasi itong itinatayo namin at ako nagdesign nito! Buti nga at nagustuhan ni Sir Client eh kaya nagkaopurtunidad si Mr. Kim na magkaroon ng project.

Nakarating na kami sa main site. Hindi pa siya tapos, halos interior masses pa lang ng building yung nabuo kaya aabutin pa ng ilang buwan bago matapos. Dumiretcho na kami sa temporary room at naabutan dun si Mr. Do. Di ako nagkakamali, siya nga ito! At may kasama siyang babae at dalwang bata, family niya ata.

(a/n: remember the I swear story of Kyungsoo and Seulrin? yan po yung couple na yun at may babies na sila ^_^)

"Eomma! Pupunta lang po kami ni Eunri Hyung sa labas para maglaro!" -sabi ng batang cute.

"Oh sige Sulee, pero promise me na di niyo huhubarin helmets niyo!" -sabi ni Mrs. Do.

"Opo mommy!"

Sinundan ko ng tingin ang paglabas ng mga bata. Lumapit na kami kila Mr. Do at nakipagkamay kami.

"I personally liked your work Ms. Park pero mas nagustuhan ng asawa ko yun dahil katukayo daw kayo" -aniya sabay tawa ng businessman. lam nyo na yung tawang yun no.

"Maraming salamat po! Naappreciate ko po yun. Ikinararangal ko po ang pagtitiwala niyo sa amin kung kaya't salamat po talaga!" -sabi ko sabay bow.

Nagkaroon pa ng kaunting usap chika chika sila Mr. Kim at Mr. Do nang may tumawag sakin. Nag-excuse naman ako para sagutin ang tawag sa labas. Kapwa ko intern lang yung tumawag hinahanap daw si Mr. Kim. Papasok na sana ko para sabihan si Mr. Kim na may naghahanap sa kaniya nang mapalingon ako sa mga bata. Ang ku-cute talaga nila eh.

Napatingin ako sa taas pata tignan ang magandang langit. Nang mapansin kong na-uga yung stante na kinatatayuan ng mga workers!! Hala yung mga bata ay nasa ilalim nito!! Agad akong tumalima at kumaripas ng takbo papunta sa mga bata. Hinatak ko yung dalawang bata at tumakbo kami papalayo pero sumabit yung damit ko sa bakal.

"TAKBO!!" -sigaw ko sa mga bata na nagpatakbo naman sa kanila.

Naririnig ko na ang pagkalas ng mga bakal at naaninag ko sa periphial vision ko na may nalaglag na na manggagawa! Pinanatili ko ang sarili kong kalmado habang ang lahat ay nagiingay at natataranta ang iba sa kanila. Hindi ko pa rin matanggal yung damit ko sa bakal!! Kakailanganin ko ng gunting!! Napatingin ako sa taas at malapit na akong bagsakan ng stante. Wala na susuko na ko. Hindi na ko makakaalis pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO MIX~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon