Unang Yugto
Alone."Asia!" sigaw ni Shantyl sa akin habang hinahabol ako. Ako naman, patuloy lang sa paglalakad at hindi siya pinansin.
"Anastasia!" sigaw niya ulit at napapikit nalang ako nang naramdaman ko ang kamay niyang madiin na nakahawak sa braso ko. Agad ko siyang hinarap at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Nasaan ba naman ang puso mo, Asia? Nagmukhang tanga si Justis doon kanina!" singhal niya. "Shan, hindi ko gusto si Justis-" saad ko na agad niyang pinutol
"Tangina naman, Asia! Kahit bigyan mo lang ng respeto 'yong effort niya!" Sigaw niya.
"Shan naman, ayaw ko siyang umasa." sambit ko at ngumiwi siya "Ayaw mong umasa pero pinahihiya mosa harap ng maraming tao? Putangina!" sigaw niya at tinalikuran na ako. Napa buntong hininga nalang ako.
Bakit ba ako pinipilit ni Shantyl sa mga lalaki? Ayoko pang mag jowa. Ayoko pang masaktan. Sa tingin ko mas mabuti nalang ang ideyang tanggihan sila kaagad kaysa bigyan sila ng false hope.
Nais kong makapagtapos muna at makahanap ng trabaho bago mag nobyo. Para kung masaktan man ako ay mataas ang posibilidad na maiaahon ko ang sarili. Hindi ako magiging katulad ni Mama na inaasa lahat sa lalaki.
Kaya noong ipinagpalit kami ni Papa sa ibang babae ay wala siyang ideya kung paano magsimula ulit. Dahil buong buhay niya, buong atensyon at buong lakas ay binigay niya kay Papa.
Bumuntong hininga ulit ako bago naglakad patungo sa soccer field ng Unibersidad. Kapag may problema ako sa school ay doon ako nag ta tambay o di kaya'y sa rooftop ng UETDC.
Galing sa malayo ay namataan ko na agad ang mga malalaking poster na nakasampay sa bleachers ng soccer field.
University of El Trinidad De Cebu, soccer field.
Halos walang tao sa soccer field. May namataan pa nga akong magkasintahan sa di kalayuan na nakaupo sa bleachers at mukhang naglalandian. Wala namang practice ang soccer team ng UETDC ngayon kaya wala talagang tao.
Tulad 'dun sa rooftop, malakas din ang simoy ng hangin dito. Open field kasi at di katulad ng gym na enclosed. May mga bali balita rin kasing may mga kababalaghan rin dito pero hindi naman ako naniniwala. Gawa gawa lang 'yun.
Sa laki ba naman ng space dito. At tsaka damuhan ang halos lahat ng espasyo. Umupo ako sa pinakamababang bleachers at tumingin sa kabuuan ng soccer field.
Patuloy akong nanaghoy at iniisip ang mga nangyari kanina. Nanligaw kasi si Justis sa akin kanina sa cafeteria pagkatapos ng dismissal sa harap ng maraming tao. Hindi ko naman alam kung paano siya tanggihan kaya nag walk out nalang ako.
Sanay naman ako kapag nagagalit si Shantyl sa akin. Halos isang buwan na rin kasi ang nakalipas 'nung huli siyang nagtampo sa akin dahil tinanggihan ko 'yung senior na nag aya sa akin ng date.
Nang dumungaw ako sa relos ko ay napag alaman kong alas cuatro pa pala ng hapon. Dalawa lang kasi ang subject namin ngayong hapon. Ayoko ring umuwi dahil ayokong mas lumungkot. Mag-isa lang kasi ako sa apartment.
Sa Alegria, Cebu south kasi yung hometown ko at sa Mandaue itong UETDC kaya kinailangan kong mag renta ng apartment. Umuuwi naman ako sa Alegria kapag week ends at bumabalik sa Linggo.
Nabali ang pananaghoy ko nang may biglang tumikhim sa aking harapan. Ngayon ko lang rin napagtantong kanina pa pala ako tulala.
Nag angat ako ng tingin at ganun nalang ang gulat ko nang makita si Justis sa aking harapan. Namumula ang kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako patayo. Namilog ang mga mata ko sa kanyang ginawa.
"Ano bang gagawin ko para sagutin mo ako, Asia, huh?" galit niyang tanong at mas idiniin ang pagkahawak ng kamay niya sa braso ko.
"J-Justis, nasasaktan a-ako," naluluha kong sabi. "Talaga lang!" sigaw niya at idiniin ang sarili niya sa akin. Kumalabog ang puso ko sa kanyang ginawa.
Hinawakan niya ng mariin ang mukha ko at idiniin sa kanyang mukha habang ako ay pilit na umaangal.
Ang kanyang isang kamay ay malakas na nakahawak sa aking likuran upang ikulong ang katawan ko habang ang isa naman ay nakahawak sa mukha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at tumulo na ang luha sa aking pisngi.
"Justis!" sigaw ko pero mas lalo lang niyang idiniin ang mukha ko patungo sa kanya. Magtatapat na sana ang labi namin nang bigla siyang lumagapak sa damuhan.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha sa aking harapan. Kilalang kilala ko 'yung mukha niya pero hindi ko matandaan kung anong pangalan niya.
"Bakit ka ba nangengealam!" sigaw ni Justis at agad na bumangon para atakihin 'yung lalaki. Pero bago pa tumama ang kamao niya sa mukha ng lalaki ay agad nitong nasalo ang kamay niya at sinuntok si Justis sa tiyan dahilan kung bakit humandusay ulit ito sa damuhan.
"Umalis ka dito, Saavedra at huwag na huwag ka ng lumapit sa babaeng ito kung di mo gustong ma expel." sabi 'nung lalaki habang nakatingin kay Justis ng walang bahid na ekspresyon.
Bumangon si Justis at pinahiran ang sugat sa gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki. Matalim niyang tiningnan ang lalaki at tumalikod na.
Saglit akong tumanganga, hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Hinarap ko ang lalaking nag salba sa akin. Sumimangot ako nang makita ko siyang naglalakad palayo sa akin.
"Teka lang!" sigaw ko pero hindi siya lumingon kaya tumakbo na ako para habulin siya.
"Teka, teka." sabi ko nang mahawakan ang kanyang braso. Humarap siya sa akin at natigilan ako nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha.
Napaka amo ng kanyang pagmumukha! Tinaasan niya ako ng kilay pero walang ekspresyon ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha.
"S-Salamat," nauutal kong sabi sa kanya. "Next time you shouldn't stay in this place alone," sabi nito gamit ang matigas na ingles at inalis na ang braso sa pagkakahawak ko.
Muli niya akong tinalikuran at naglakad palayo habang ako ay nakatunganga lang habang nakatingin sa kanyang makisig na likuran.
Pagkauwi ko sa apartment ay halos hindi ako mapakali. Ni log in ko pa ang facebook account ko pero hindi ko naman alam kung ano ang i se search dahil hindi ko naman alam kung ano ang pangalan ng lalaking 'yun.
Binisita ko halos lahat accounts ng kakilala ko sa UETDC, nag ba basakaling mahanap ko ang lalaking 'yon at mag PM ng speech para magpasalamat, ngunit wala talaga eh. Kaya sa huli ay napag desisyunan kong sumuko nalang at matulog na.
Pasado alas diyez y media narin at may pasok pa akong alas otso bukas. Pinilit kong matulog kahit hindi na ako mapakaling malaman ang pangalan ng lalaking 'yun na may maamong mukha.
Bukas, Asia, makikilala mo siya.
BINABASA MO ANG
Some Love
General FictionThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...