Ikaapat na yugto
Rotten.Imbes na magalit ako at sampalin siya o ano, naramdaman ko pa ang pagtalon ng puso ko. Nasiraan na ata ako ng bait? Hanggang ngayon ay hindi parin ma wala wala sa labi ko ang ngiti. Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang mga labi niya sa akin.
Bakit niya kaya ako hinalikan? At anong ibig sabihin nung sinabi niyang gusto niya akong halikan? Gusto niya kaya ako?
Nakatulog ako sa gitna ng pag iisip, nang maggising ako sa sumunod na araw ay hindi parin mawala wala ang malapad na ngiti sa aking mga labi. Hindi ko rin maalam alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Ay, inspired si ate!" Salubong ni Entice sa akin habang makahulugan na ngumisi. "May nangyari siguro sa kanila..." Sabi nito kay Shantyl na para bang pinaparinggan ako. "Wala, 'no!" Agad kong sabi at umiling iling si En.
Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi habang nagpipigil ako ng ngiti. "Oh, diba! Wala daw'ng nangyari pero kung makangiti halos mapunit ang mukha!" Sabi ni Entice at mariin akong tiningnan na para bang sinusuri ako.
"Wala nga," umirap ako pero nakangiti parin. Hay, naloka na siguro ako, 'no? "Deny pa, te. Si Fafa Fire kaya ang kasama mo kahapon..." Ani Entice na nakaagaw sa tahimik na si Shan. "Talaga?" Tanong niya at bumungisngis si Entice at makahulugan na tumingin sa akin. "Talagang talaga!" Sabi niya.
"Tara na nga," pagpuputol ko sa kanila at kinaladkad na sila papunta sa room. Habang naglalakad kami sa corridor ay napansin ko ang tiliian ng iilang estudyanteng babae. Ano kayang meron?
Nadatnan ko na may sinisilip yung mga estudyanteng babae habang nagtitilian. Naglakad kaming tartlo patungo sa pinankukumpulan ng mga estudyante. "Gosh, I'm so happy for Cindy! After so many uears, nakuha na niyang mag confess!" Rinig kong sabi 'nung isang senior sa kaibigan niya habang naglalakad ako patungo sa crowd.
Kumunot ang noo ko, ano bang nangyayari? Hindi ko na napigilan ang sarili at iniwan na sina Entice at madaling sumilip sa gulo. May nakatayong magandang babae sa harap ni Fire Torreabella at agad kong naramdaman ang panghihina ko.
Malaki ang ngiti ni Fire habang nagsasalita ang babae. Pero tila ba'y tumigil ang mundo ko nang hinalikan ni Fire ang babae, kasunod 'nun ay ang hiyaw ng ibang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Hindi ako makagalaw.
Habang hinalikan niya ang babae ay naglakbay ang kanyang tingin at sa akin ito napadpad. Agad kong nakita ang pamimilog ng mata niya at ang pagbitaw niya halik. May narinig akong sumigaw ng "Anong nangyayari dito?!" na sa tingin ko'y isa sa mga guro at kasunod 'nun ay may naramdaman akong humila sa akin.
Yun lang yun? Wala lang yung halik na binigay niya sa akin?
Tulala ako buong klase, mali pala na umasa akong gusto niya ako. Baka ganoon talaga ang mga lalaki, gumagawa ng empty move. Yung move na parang ego trip lang para umasa yung babae na may sparks pero actually, wala lang yun para sa mga lalaki. Baka ganun siya, after all, heart throb naman siya kaya most probably...
Sumisikip ang dibdib ko pero hindi ko alam kung bakit, parang may galit na namumuo sa aking sistema. Para kay Fire? Para sa babae? Para sa halik? Para sa akin? Kasi umasa ako? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
Kaya imbes na seryosohin ay binaling ko nalang sa ibang bagay ang atensyon ko. Halik lang naman yun, what's the big deal? At 'tsaka crush ko lang naman siya, kaya dapat ay hindi ako naaapektuhan.
"Mall tayo mamaya?" Pagyayaya ni Shan habang kumakain kami ng snacks sa cafeteria. "Go ako jan! Tamang tama, kakakuha ko lang ng allowance," humagikhik ni Entice. Tumingin silang dalawa sa akin at nagkibit balikat lang ako. Wala ako sa mood.
Halos buong hapon nila akong kinulit na sumama sa kanila at manood ng sine kaya't nagpasya nalang ako na sumama. Lutang ako buong maghapon at walang pumapasok sa loob ng kokote ko.
Kakaring lang ng bell at nagpapahiwatig yung tapos na ang araw para sa aming tatlo. "Tara na!" Excited na sabi ni Shan habang inaayos namin ang mga gamit. "Ano ba kasing panunuorin natin?" Inip kong tanong habang naglalakad kami patungo sa pintuan ng room.
Halos mapatalon kaming tatlo nang may marinig na tikhim galing sa pintuan at agad na bumilis ang kalabog ng puso ko nang nakita si Fire doon, nakasandal sa pintuan habang ang kamay ay nasa bulsa.
Nagtama ang aming paningin at tinaasan niya ako ng kilay, agad akong nag iwas. Siniko ko si Entice na para bang may pinahihiwatig sa kanya. Nilagpasan ko si Fire at nag aktong hindi ko siya nakita.
"Asia," agad kong narinig ang malalim ngunit cold niyang boses. "Ah, Fire! Sa amin pala sasama si Asia, kung okay lang sayo?" Dispensa ni Entice, ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa lupa ngunit ramdam ko ang matatalas niyang tingin.
"Hindi," napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin si Entice at Shan na laglag ang panga at si Fire na nakatiim ang bagang habang nakatingin sa akin. "Sa kanila ako sasama-" sabi ko na agad niyang pinutol. "Hindi," ani Fire, malamig parin ang boses at mariin na hinawakan ang palusupuhan ko at hinigit papunta sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.
Kinaladkad niya ako patungo sa parking lot ng UETDC nang hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi ako nagsalita. Kahit nung pinagbuksan niya ako ng pintuan ay hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin, and even I don't know why I'm acting like this.
Tahimik kaming dalawa habang nagmamaneho siya, his jaw clenched every now and then habang ang atensyon ay nasa daan. "I missed you today, where were you?" tanong niya, this time, he reduced the coldness of his voice.
Hindi ko siya sinagot. Ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang kanta galing sa radyo ng sasakyan niya. Suminghap siya ngunit hindi ako tinantanan. Hindi ko sana ulit yun sasagutin pero napaisip ako bigla, sino ba ako? Hindi niya naman ako girlfriend, diba? Hindi ako dapat nagtatampo. "Ayos lang naman," sagot ko.
Hindi na ulit siya nagsalita pa, pagkatapos ng ilang minuto ay kita ko na ang angel's burger. "Dito na lang," sabi ko at agad niyang pinarada ang sasakyan sa tapat ng angel's burger.
Tumingin ako sa kanya. "Salamat pala, ingat sa pag uwi." Sabi ko at binuksan ang sasakyan, pero bago pa ako makalabas ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, napa buntong hininga ako.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid, kaya ko na ang sarili ko... 'tsaka, hindi narin naman ako ginugulo ni Justis," sabi ko at narinig ko ang malutang na mura niya. Kumunot ang noo ko. May sinabi ba akong mali?
"Listen up, Asia." Sabi niya at mas hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. "I fancy you..." aniya "I fancy you rotten,"

BINABASA MO ANG
Some Love
Narrativa generaleThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...