Ikatlong Yugto
So bad.Hindi ko alam kung paano ko nakuhang um-oo sa offer ng taong hindi ko na man lubos na kilala. Pero naisip ko rin, para lamang ito sa aking kaligtasan.
Kinabukasan ay nagkaayos na kami ni Shantyl. Masaya ako dahil kahit pa paano ay kompleto na kami ngayon. Papunta kami sa gym ng UETDC.
May basketball practice na magaganap ngayon kaya naisipan naming manood. Tapos narin kasi ang klase namin. Hinati lang ni Coach De Luna ang UETDC Knights sa dalawang grupo para mag laban laban.
"Ang gwapo talaga ni De Chavez, ano?" Kinikilig na sabi ni Shan habang nakatingin sa banda ni Axcel De Chavez na nakasuot na ng jersey.
Tagaktag na ang pawis nito kahit hindi pa nagsisimula ang game. Naglakad kami papunta sa pinakamalapit na bleacher at pumuwesto na roon.
"Oh my shocks? Fafa Thunder!" Mahinang tili ni Entice nang marealize kung sino ang nakatayo sa gitna ng court.
Nakapamewang si Thunder Del Sol habang nakatingin sa ring. "Nanditow pala Knight in rusty armor mow.." malanding bulong ni Entice sa akin.
Hindi ko alam pero kusa nalang bumilos ang tibok ng puso ko. Inirapan ko si Entice at luminga linga para hanapin si Fire Torreabella. Hindi nagtagal ay nadatnan ko siyang nakahalukipkip sa gilid ng court habang naka suot ng jersey.
Natigilan ako sa nakita. Masasabi ko talagang napakaamo ng pagmumukha ng Torreabella'ng ito. Grabe, wala sigurong babaeng aayaw sa charms niya.
Kahit ikaw, Asia? Hindi ka aayaw sa dakilang kagwapuhan ng lalaking ito? Tanong ko sa sarili.
Syempre hindi.
Nanatili akong nakatulala sa kanya. Kaya noong lumingon siya sa banda ko ay halos mapatalon ako. Sigurado akong nakatingin siya sa akin dahil nagtagpo ang mga mata namin.
Kumunot ang noo ni Fire Torreabella at agad siyang nag iwas ng tingin. Galing sa kanyang puwesto ay naglakad siya patungo sa gitna ng basketball court.
Nagtungo narin doon sa puwesto ni Fire sina Thunder Del Sol, Axcel De Chavez, Travis Tesaluna na isa sa mga sikat sa UETDC at ang ibang teammates nila.
Sa kabilang team naman sina Ynigo De Franco at Gavin Tiuseco at ang ibang players ng UETDC na ngayon ko lang napansin.
"Ang gwapo rin ng nakababatang Del Sol, ano?" biglang sabi ni Entice. Kumunot naman ang noo ko. Sinong nakababatang Del Sol? Tumingin si Entice sa akin at ngumuso.
"H'wag mong sabihing di mo kilala ang nakababatang kapatid ni Thunder Del Sol?" tinaasan ako ng kilay ni Entice. Umiling ako bilang sagot at ang bruha, inirapan ako!
"Yan oh," sabay nguso niya sa gitna ng court. Sinundan ko ang nguso niya at doon ko nakita ang lalaking parang si Thunder Del Sol lang.
"Storm Del Sol, why so handsome?" buntong hininga ni Shan. Tiningnan ko lang ang lalaki. Mataas din ito pero mas mataas ng kaunti si Thunder. Habang nagsasalita sa katabi niyang si Ynigo ay kitang kita ko ang paglabas ng dimple niya sa kanang pisngi.
Bumalik lang ako sa pandama ng pumito ang referee hudyat na magsisimula na ang practice. Umayos ako ng upo para masilayang mabuti si Fire Torreabella. Tumalikod ito sa akin at nakita ko sa likod ng jersey niyang may nakatatak na 'Torreabella' number 28
Sa simula palang ng game, nag iinitan na ang laban. Paano ba naman kasi, parehong magaling ang dalawang team. Pero nangunguna parin ang team nina Fire. Pulos kasi sila matatangkad.
Umalingawngaw ang tili sa buong gym ng UETDC. Grabe! May sumisigaw ng De Franco, may Del Sol, may Tesaluna pero mas nangingibabaw ang Torreabella. Dahil doon ay nagsitindigan lahat ng balahibo sa katawan ko.

BINABASA MO ANG
Some Love
Fiction généraleThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...