Simula
Simula sa aking kabataan ay namulat na ako sa Pag-ibig. Nakita ko kung paano umiyak ang Mama noong iniwan siya ng Papa.
Nadatnan ko kung paano siya gumapang sa putikan nang iwanan siya ng lalaking minahal niya. At nakita ko rin kung paano siya bumangon galing sa kanyang pagkakahulog.
Nakita ko kung gaano kasaya ang ate ko noong unang nagka syota at ganoon narin ang pagkahapis nang iniwan siya nito.
Halos araw araw siyang umiiyak nang dahil 'dun. At nakita ko rin kung paano siya umahon galing sa kanyang pagkakalunod at ang ang pagmahal niya ng iba.
Simula pagkabata ay nakita ko na ang lahat na dapat makita. May mga pag-ibig na napupunta sa matinding emosyon. At ang mga emosyon na 'yon mismo ang kumakain sa atin ng buhay.
Sa ibang dako, may mga pag-ibig naman na siyang bumibigay ng kulay sa ating mundo. 'Yung feeling na kapag kasama mo siya ay ramdam mong buo ka.
"Atty. Fontanillo, you have an appointment with Mr. Torreabella at exactly three PM." Saad ni Karmela at tumango ako.
"Saan ba 'yun, Karm?" Tanong ko kay Karm."In Torreabella group of Companies, Ma'am." Sambit nito at ngumiwi ako.
"Alright, sabihin mong papunta na 'ko." Sabi ko at tumango siya. Mabilis akong umalis sa office at dumiretso na sa sasakyan ko. Agad ko itong pinahurot.
Sinalubong ako ng gwardya ng malaking buliding ng TGOC. Ngumiti ako dito bago naglakad papasok sa reception area.
Mahahalata naman sigurong pormal ako sa suot kong pencil skirt at isang blouse para sa pan itaas. Naka black heels rin ako at malinis na nakalugay ang buhok ko.
I have never met Mr. Torreabella but I bet he's young. He's the newest CEO of TGOC. Ipinasa raw kasi ito ng owner ng TGOC sa kanya. The new CEO whom I will be working with may be the owner's son.
As a lawyer, It's my job to know the background of this company before I work with the CEO.
And as far as I know, TGOC is one of the biggest, most successful and best companies in the Philippines for over two decades.
But that's not necessary since pinapaayos lang naman ni Mr. Torreabella ang annulment niya. Why would he prefer annulment kung mas madali lang ang divorce?
Annulment papers sure are slow. Baka inlove pa siya sa asawa niya.Maybe it was his wife's idea to process an annulment.
Baka ay curious lang talaga ako sa company na ito. The surname Torreabella is very nostalgic to me. Minsan akong nagmahal ng isang Torreabella. At minsan naring nasaktan.
"A pleasant afternoon, Ma'am,"nabali ang pag iisip ko nang biglang nagsalita ang receptionist. "Good afternoon." Pormal kong sabi at tumango "Do you have an appointment, Ma'am?" tanong nito at tumango muli ako.
"Yes, I have an appointment with the CEO. 3 pm? Can you please check?" Utos ko at bumaba ang tingin niya sa log book. "Atty. Fontanillo?" tanong nito at tumango ako.
"Please proceed to the 30th floor, Ma'am. Doon ho ang office ni Mr. Torreabella." sabi niya at tipid akong ngumiti bago dumiretso sa elevator.
Tumunog ang elevator hudyat na narating ko na ang 40th floor. Dalawa lang ang pintuan dito. Naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga bago lumabas.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng isang babae na hula ko'y sekretarya ng CEO. "This way, Attorney." ngiti niya at binuksan ang ikalawang pinto.Tinanguan ko siya at pumasok na sa loob. Agad akong sinalubong ng napakalaking kwarto na may glass windows.
Makikita mula rito ang kabuuan ng Cebu. Malamig dito at masasabi mo talagang lalaki ang nagdadala dahil napaka manly ng aura ng office.
Sa aking harapan ay isang mesa at swivel chair na nakatalikod sa akin. Tumikhim ako para maging aware ang CEO sa presensya ko.
Humarap ito sa akin at ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga. Galing sa pagiging kalmado ay bumilis ang pinting ng puso ko. "We meet again," utas niya
No, no, no. This can't be...
"Take a seat Attorney Anastasia Fontanillo," makahulugan itong ngumisi sa akin. "F-Fire.." nanginginig kong sambit.
"That's Mr. Zephyr Torreabella for you now, Attorney." pagpapatuloy niya at tinaasan ako ng kilay.
Fuck.

BINABASA MO ANG
Some Love
Ficción GeneralThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...