Ikaanim na Yugto
Chase you."Right, babe?" Aniya. Ang cold niyang boses ay may kaunting saya at nakangiti rin siya ng kaunti, hindi ko mapigilang humanga. Nag aalinlangan akong tumango at nang bumaling ako kina Shan, Entice at sa lalaking nakatayo sa harap ng mesa nila, nadatnan ko ang pagkalaglag ng kanilang panga. Mabuti narin to para wala nang manliligaw sa akin at para hindi narin magtampo si Shan sa akin.
Halatang kakagaling lang ni Fire sa basketball practice. Naka jogging pants siya at naka white t-shirt na may tatak na University of El Trinidad De Cebu gamit ang kulay blue na font. Klarong klaro ang kanyang kakisigan, kitang kita ko ang biceps niyang sakto lang at napakagandang tingnan. Kahit na medyo basa pa ang buhok niya ay na maintain niya ang gulo nito.
"K-Kayo na, Asia?" Tanong ni En nang makabawi sa pagkalaglag ng panga. I faked a smile and nodded. "Uh, sorry..." Sabi nung lalaki at tinalikuran na kami. Nang bumaling ako kay Fire ay nawala na ang ngiti niya at nakasimangot habang nakatingin sa table 'nung mga lalaking naghalakhakan kanina. Inalis narin niya ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Is it a sin if I wanted his arms draped on my shoulder in a longer span of time? Damn.
Nang mapansin niya ang mga tingin ko ay bumaling siya sa akin, agad na nagtama ang aming paningin. Tinaasan niya ako ng kilay, para bang nagyayabang. Kung normal na araw lang ito ay nag iwas na ako ng tingin, pero ngayon ay nasa mood akong makipagtitigan sa kanya.
Tinaasan ko rin siya ng kilay, nanghahamon. Wala na akong pakielam kung anong reaksyon nina Shan, I'm too caught up in the damned moment. A cocky smile plastered on his lips and shook his head, ibinaling niya ang atensyon sa pagkaing nasa mesa. Hindi ko alam pero medyo na disappoint ako 'dun.
"U-Uh, Asia... mauna na kami?" Awkward na pagpapaalam nina Shan, at dahil alam ko na si Fire ang maghahatid sa akin pauwi, pinauna ko nalang sila. Ilang minuto lang kaming nakaupo doon, walang nagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness at nang hindi na ito kinayanan ay inaya ko na siyang umuwi. He looked so surprised sa pag aaya ko, pero tinabunan niya agad ito ng isang ngiting nakapag init sa puso ko.
"P-Pwede ka nang huminto sa paghatid sakin, F-Fire. Hindi narin naman ako inaabala ni Justis at siguro ay wala nang tatangkang manligaw sa akin-" bago ko pa matapos 'yun ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin, agad akong napapikit. Mainit ang mga labi niya at ito lang ang nakakapag init sa katawan ko sa malamig na sasakyan niya, ninamnam ko ang bawat haplos ng kanyang labi sa akin. Ganito ba ang pakiramdam pag nahalikan mo ang isang Fire Torreabella, ni ayaw mo nang tumigil?
Naglakbay ang mga kamay ko sa kanyang batok upang idiin ang halik. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para gawin 'yun. My sanity probably left me by now. Ramdam ko ang kamay niyang humahaplos sa leeg ko. Pero mali itong ginagawa ko, maling mali. Kinailangan ko pang ipaalala sa aking sarili na isa akong babaeng prinsipyado bago ko magawang bumitaw sa halik. Pareho kaming naghahabol ng hininga. "Fucking shit," pagmumura niya.
"S-Sorry," sabi ko, ramdam ang pamumula ng pisngi ko. "You shouldn't be, it's normal for couples to share a kiss..." Sabi niya gamit ang husky na boses at napatigil ako doon. Couples? Kami? Nagtataka ko siyang tiningnan habang unti unting gumapang ang isang ngiti sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ko, ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang ngumiti!
"You're my girlfriend now, right?" tanong nito at halos mabilaukan ako, ano raw? I heard his chuckle at ramdam kong tila may kamay na humaplos sa aking puso nang marinig 'yun, ang buo ng tawa niya.
"So, you prefer old school, eh? I'll do it, then..." Aniya at tinaasan ako ng kilay na para bang kaaway niya ako at hindi niya inuurungan 'yung challenge ko. "I will chase you, Asia..." Sabi niya gamit ang boses na sapat na upang matunaw ang puso ko. Inilapit niya ang ulo sa akin, awtomatiko akong napapikit.
Narinig ko ang halakhak niya at naramdaman ang pag init ng pisngi ko nang napagtantong hindi niya pala ako hahalikan, kinalas niya ang seatbelt ko. Ramdam na ramdam ko ang unti unting pagapang ng hiya sa aking sistema. Ano yun?
"Uh, sorry..." Sabi ko "Una na ako," pagpapatuloy ko at lumabas na. Ngayo'y mas pula pa sa kamatis ang mukha ko! Dahil sa matinding kahihiyan ay hindi ko magawang lumingon sa sasakyan niya. Pakiramdam ko'y pinagtatawanan niya ako.
Halos hindi ako makapag concentrate sa pag aaral dahil walang ibang laman ang isip ko kundi si Fire Torreabella, ang kanyang mga halik, ang bawat pagbigkas niya ng mga salitang naging dahilan kung bakit nangangatog ang paa ko, ang pagtiim ng kanyang bagang, ang bawat galaw niya...
"Shit naman po!" Mura ko at ginulo ang buhok ko nang lumipas na ang isang oras pero wala paring pumapasok sa utak ko. Kailangan kong i maintain ang grades ko para hindi mawala ang scholarship ko. Nagulat ako nang biglang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at kumunot ang noo nang mabasa kung anong nakasulat doon.
Unknown number:
I changed my mind. I ain't gonna chase you, Asia. From now on, you're my girlfriend. Are we clear?Worth it ba, Asia? Babagsak ata ako sa quiz bukas, eh. Shit po.
BINABASA MO ANG
Some Love
Ficção GeralThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...