Ikalawang Yugto
Ulan."FIRE TORREABELLA?" Halos mailuwa ni Entice ang iniinom na coke nang ikwenento ko sa kanya ang itsura ng lalaking sumuntok kay Justis kahapon. At katulad ng coke niya, halos mailuwa niya narin 'yung mata niya sa sobrang gulat.
Nandito kaming dalawa sa cafeteria ng UETDC. Nagpasama kasi siya sa akin. Kakatapos lang rin ng 10 AM subject namin. "Sigurado ka bang Fire Torreabella ang pangalan 'nun?" tanong ko at tumago tango siya.
"Mataas, makisig ang pangangatawan, medyo magulo at may pagka brown 'yung buhok, tas malalim 'yung mga mata, matangos 'yung ilong at may pagka mestizo, then cold? Eh, si Fire Torreabella lang yata 'yung kilala kong ganun." sabi nito at tumango ako.
Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon ni Entice dahil nagtatampo parin si Shantyl sa akin. Hindi pa kasi ako nagpaliwang sa kanya.
"So Knight in shining armor mo ngayon si Fire Torreabella?" natatawang tanong nito at umiling iling nalang ako habang mahinang humalakhak.
"Hoy, Asia, magtatampo na iyang burger mo, hindi mo pinapansin." pagpapatuloy niya at bumaba ang titig sa burger kong nakalapag sa mesa. Kinuha ko ito para kumain.
Kakagat na sana ako ng burger nang biglang may pumasok na isang grupo ng lalaki. Kusa nalang bumilis ng takbo ang puso ko.
"O, nariyan na pala ang Knight in shining armor mo.." sabi ni Entice habang ako ay maiging tumitingin kay Fire Torreabella. Maamo talaga ang mukha niya!
"Ay, Knight in rusty armor nalang pala, mahal kasi 'yung bakal."Humalakhak si Entice at inirapan ko siya.Napansin kong halos lahat ng atensyon sa cafeteria ay naagaw simula nang pumasok ang apat na makikisig na lalaki.Sa totoo lang, ngayon ko lang sila napansin.
"Shet, ang gwapo talaga ni Fafa Thunder." sabi niya habang mahinang tumitili. Kunot noo akong napabaling sa kanya at napatingin narin siya sa akin.
"Jusko, Anastasia, huwag mong sabihing hindi mo sila kilala?" tanong niya at umiling ako. Napa facepalm nalang siya.
"Ano ka ba, inday! Mga heartthrob kaya 'yan dito sa UETDC!" umiirap niyang sabi habang nakatingin sa apat na lalaking nayon ay nakaupo na.
''Yang chinitong maputi, si Gavin Tiuseco. 'Yan namang medyo mestizo si Ynigo De Franco. Tas 'yang may ear ring sa kanang tenga, si Thunder Del Sol 'yan. Si Thunder 'yung akin, ah?" sabi niya na para bang binabakuran ang isang Fictional Character.
"Tas 'yan naman Knight in rusty armor mo, 'yung pinakamayabang ay si Fire Torreabella," Sabi nito at ngumiwi ako.
"Ay putangina, nakita ko lang si Fafa Thunder naiihi na ako ng rainbow. Restroom break lang ako, ah? Wag kang aalis d'yan kundi papainumin talaga kita ng rainbow na ihi!" maingay na sabi nito at sabay kaming humalakhak. "'Yun pa naman specialty ko," sabi niya at malakas na tumawa.
Madali siyang tumayo at naglakad papuntang restroom na nasa kanang bahagi lang ng cafeteria at sinundan ko pa siya ng tingin hanggang makapasok siya sa restroom.
Dahil wala naman akong gagawin ay ibinuklat ko nalang ang libro ko at nagsimulang basahin ang topic na magiging laman ng quiz namin ngayon.
Habang nagbabasa ay may naramdaman akong matang tumitingin sa akin. Parang nakakatusok 'yung mga tigin na 'yon kaya hinanap ko 'yon.
Luminga linga ako at laking gulat nalang nang mahagip ko ang seryosong titig ni Fire Torreabella sa akin galing sa kanyang kinauupuan.
Nagtama ang aming paningin at napili kong mag iwas ng tingin. Hindi talaga ako kumportable sa kanyang mga nakakatagos na tingin.
Ano ba itong nararamdaman ko? Eksakto namang nakita kong palapit na si Entice kaya agad kong sinarado ang libro at nagligpit ng gamit.
"Tara na?" pagyaya ni Entice at tumayo na ako. Inayos ko muna ang uniporme ko bago naglakad palayo. Kahit na nakatalikod ako sa buong cafeteria ay ramdam ko parin ang mga nakakatusok na tingin ng mga matang nakakatagos kahit na wala itong bahid na ekspresyon.
"UUWI na 'ko mga ets," pagpapaalam ni Entice sa amin ni Shantyl pagkatapos ng huling subject namin para sa araw na 'yon. "Sabay na tayo, Tice." cold na sabi ni Shantyl at naunang naglakad palabas ng Unibersidad nang hindi man lang hinintay ang pag oo ni Entice. Nagkibit balikat lang si Entice sa akin at nakipag beso.
"Ako nalang ang bahalang magpaliwanag sa kanya tungkol sa ginawa ni Justis nang magka ayos na kayong dalawa," sabi niya at nagpaalam mulibago lumabas ng Unibersidad.
Naghintay muna ako ng isang oras bago umuwi. Tutal ay alas Cuatro pa naman. Kumain muna ako ng panhimagas sa Cafeteria at naglakad lakad sa buong Unibersidad dahil marami pa naman ang estudyante.
Four fifty two nang napagdesisyunan ko ng umuwi. May assignment kasi ako at kailangan kong mag aral para sa long quiz na ibibigay ng Propesor bukas.
Pagkalabas at pagkalabas ko sa gate ng UETDC ay nagsimulang pumatak ang ulan. Unti unti itong lumakas kaya napag desisyunan kong maghintay nalang sa waiting shed malapit sa gate ng UETDC.
Gagabihin na siguro ako dahil parang walang tapos ang ulan na ito. Wala rin akong payong at wala akong dalang cellphone kaya wala talaga akong ibang choice. Halos mapatalon ako nang meron akong naramdamang tumabi sa akin. Kumalabog ang puso ko nang makita si Justis.
"Asia.." sabi niya at lumayo ako ng kaunti. Kung sakali mang maulit ang nangyari kahapon ay tatakbo talaga ako. Bahala na kung mabasa ang mga libro ko.
"Hihingi sana ako ng depensa sa nagawa ko sayo kahapon-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil may biglang bumusina sa harapan ng waiting shed.
Bumaba ang salamin ng kotse at tumambad doon ang seryoso na si Fire Torreabella. Walang ekspresyon itong tumingin sa akin."Sakay," walang emosyon pero puno ng awtoridad nitong sabi. Tuloy parin ang pag-agos ng ulan.
"Pero-" angal ko na agad niyang pinutol "Anastasia Fontanillo, sakay." maawtoridad niyang sabi at natigilan ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Agad namang tumaas ang salamin ng kotse. Wala naman akong ibang choice, alangan naman magpapa rape ako dito, kaya humakbang na ako papasok sa front seat ng sasakyan niya.
Pagpasok ko ay agad akong yinakap ng panlalaking amoy. Hindi man ako pamilyar sa amoy na ito ay nagustuhan ko 'yon. Pinunasan ko muna ang pan itaas kong uniform bago humalukipkip. Hindi ko namalayang pinaandar niya na pala ang sasakyan.
"P-Pasensya ka na sa abala-" pagbabasag ko sa katahimikan na agad niyang pinutol. "Kasintahan mo ba si Saavedra? Kung oo ay hindi na ako magdadalawang isip na ibalik ka doon." sabi niya
"H-hindi ko siya boyfriend. Manliligaw ko 'yon. Hindi ko naman inasahan ang ginawa niya kahapon dahil mabuti naman siyang lalaki," sagot ko at tumango lamang siya.
"Binasted mo?" tanong niya habang ang buong atensyon ay nasa daan. Dahan dahan akong tumango "Oo, kaya siya nagalit at pinagsamantalahan ako." sabi ko.
"Diyan mo lang ako i drop sa may kanto. Humihina na rin naman ang ulan." sabi ko at agad niyang pinarada ang sasakyan sa tapat ng Angel's burger.
"S-Salamat ulit," sabi ko at akmang bubuksan ang pintuan nang naramdaman ang kamay niya na humawak sa braso ko. Umawang ang bibig ko sa ginawa niya. Agad ko siyang hinarap dahil sa gulat ngunit ang kanyang atensyon ay nasa daan lang.
"Susunduin kita hangga't sa lulubayan ka ng gago na 'yun," saad niya at bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Some Love
General FictionThere are different kinds of Love. There is some Love that hurt us. Some Love that makes us strong. Some Love that change who we are. Some Love that makes us whole. Some Love that makes us alive. Some love that we can't fathom. Some Love we can't l...