Ikalimang Yugto

16 4 0
                                    

Ikalimang Yugto
Girlfriend.

Ano? I mentally slapped myself because I can't understand anything! He fancies me rotten? He likes me so much? Ay, ewan ko ba!

"Anak, kumusta?" rinig ko ang gentle na boses ni Mama galing sa kabilang linya, rinig na rinig ko rin ang boses ng Ate ko sa back ground. Nakauwi na pala siya "Ayos lang naman, Ma. Kayo ba?" tanong ko at hindi napigilang ngumiti nang narinig ko ang sermon ni Ate.

"Nakaka bwiset talaga ang lalaking 'yun! Ni hindi alam kung paano mag prito ng isda, tubig ang ginamit pam prito! Can you imagine that, ma? Tubig! Paano niya ba ipi prito yung isda gamit ang tubig!?" napahalakhak na ako nang marinig ang frustration niya,

"Hay, ewan ko sayo, Leia." sabi ni Mama na mahinang tumatawa. "Skype tayo, Ma!" sabi ko at agad naman siyang um-oo bago binaba ang tawag. Ilang minuto pa ang lumipas bago may tumawag sa skype ko.

"Mas lalo kang pumayat, 'te." sabi ko kay Ate at ngumuso lang siya. "'Yung boss ko kase, eh. Kung gaano ka gwapo, yun rin ang kabobohan!" sabi niya. Personal assistant si Ate ng isang tanyag na aktor at model sa Pilipinas na si Theo Del Sol, ewan ko ba kung paano niya nakuha 'yung trabaho.

"Hmmm," panunukso ko na sinuklian niya ng irap. "May crush ka sa kanya, 'no?" pagpapatuloy ko and she snorted. "Susmaryosep!" ani ate at sabay kaming lumagapak, agad naman siyang sinuway ni Mama na nasa likod lang at nakikinig sa pinag uusapan namin ni Ate.

Halos magkamukha lang kami ng ate ko. Galing sa maganda at makurbang katawan, mataas na tayo at kahit sa mukha. Pareho rin kaming maputi, namana namin kay Papa at namumula ang mga pisngi, na namana namin kay Mama'ng may lahing kastila.

Bukod sa hugis ng mukha, aura at mata ay wala nang masyadong kaibahan sa amin ni Ate Leia. Tatlong taon ang tanda niya sa akin at hindi ko amipagkakailang matured mag isip itong si Ate kesa sa akin, tulad ko ay hindi siya namamalagi sa Alegria, sa Manila kasi siya naka base. Mas madalas ang uwi ko sa Alegria kesa kay ate, pamasahe ng bus lang kasi ang tanging gastos ko. Pero pag si Ate ang umuwi, matagal siyang namamalagi, ang pinakatagal ay dalawang buwan. Ako naman ay isang linggo lang ang pinakatagal.

"Siya nga pala, dito na tayo magpalipas ng pasko. Tutal, wala ka namang gagawin dyaan," Rinig kong sabi ni mama sa background at agad akong tumango. "Pwede ngang dyan ako magpalipas ng sem break, eh." Sabi ko na agad naman kinontrahan ni Ate. "Huwag na, Asia. Mag aaksaya ka lang ng pamasahe, 'tsaka uuwi ka pa ulit diyan pagkatapos ng sem break, edi doble na 'yung gastos?" Aniya na sinuklian ko ng irap. "Nagsalita," sabi ko.

Pagkatapos kong makipag skype kina Mama ay agad na bumalik ang alaala ni Fire. Pinigil ko ang aking ulo at inabala ang sarili sa mga assignments, I'm taking Pol. Sci. If destiny approves, I'd like to be a lawyer. I wanna bestow justice to those wives who have been hurt because their husbands commit adultery, just like what happened to my mother. I took this course because I wanted something that I could use in the future. Hindi katulad ni Ate na accounting ang kinuha, personal assistant yung bagsak.

The next day turned out to be really normal, aside from me occassionally throwing glances everywhere, looking for the guy I wanted to see. Paulit ulit akong dudungaw sa paligid, kahit sa room ay madalas akong tumitingin sa labas ng pintuan, hoping he'd pass by.

Note to self: Madalas lang siya lumabas, you're lucky if you see him, kahit sa isang pagkakataon lang.

"Alright, let's call this a day. Dismiss everyone." Rinig ko ang sabay na buntong hininga ni Shan at Entice nang sinabi 'yun ng history prof namin. "Gods, feel na feel kong ako ang ibong adarnang nakalabas sa hawla!" Ani Shan at hinawi ang bangs. Tumatawa kaming tatlo at lumabas na.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita, cheesy man pakinggan pero pakiramdam ko'y hindi buo ang araw ko. Gusto mo na ba siya, Asia? panunukso ng utak ko na agad ko namang pinigilan. It may be hard to concede, and hard to deny... but I think I'm starting to like him...

"Cafeteria tayo, what do you say?" Pagyayaya ni Shan na agad ko namang tinanguan, gutom ako, tsaka... hay, tumigil ka nga, Asia. "Aight," sabi naman ni Entice na babad sa cellphone. Naglakad kami papuntang cafeteria.

Nang nakarating kami ay wala nang masyadong estudyante, pasado alas cinco narin kasi ng hapon, naupo kaming tatlo malapit sa canteen. "Ako na manlilibre!" Sabi ni Entice at dinukot ang isang daang nasa bag niya. "Oh, ako na ang mag o order..." Ani Shan na mukhang nasisiyahan sa pag libre ni Entice na babad parin sa cellphone hanggang ngayon.

At dahil busy si En, ibinaling ko nalang ang atensyon sa Pol. Sci. book na may mga articles na kailangan naming pag aralan, dapat kasi naming i recite ang first fifty sa Lunes. Hindi nagtagal ay bumlik narin si Shan na may dalang burger at soft drinks na agad naming nilantakan.

Habang kumakain ay ramdam ko ang siko ng Shan sa akin, napatingin ako sa kanya at nakitang nakanguso siya. Sinundan ko ang kanyang nguso at nakita ko ang isang lalaking sa palagay ko ay senior na malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko, ano bang kailangan neto? "Hi, ikaw si Asia, diba?" Aniya. Gwapo ito, makisig at mataas. Mas lalong kumunot ang mukha ko, bakit niya ako kilala? "Oo, siya nga!" Ani Shan. Napalunok ako, hindi maganda ang magiging epekto nito. Kung hindi ko i e entertain ang lalaking ito ay tiyak na magtatampo na naman si Shan!

"Uh, kase... ano," humalakhak ang lalaki at kinamot ang ulo na para bang may gusto siyang sabihin ngunit di niya masabi. Tumaas ang kilay ko. "Kasi, yung kaibigan ko may gusto sayo..." Sabi niya at tinuro ang table na hindi kalayuan sa table namin. Tumingin ako dun at nadatnan ang nagtatawanang grupo ng lalaki at isa sa mga lalaking yun ay namumula at nakatingin sa akin.

Tinapunan ko lang ng tingin yung namumulang lalaki at binaling ang tingin sa lalaking nakatayo parin sa harap ng table namin. "Uh, pinapatanong niya kung pwede ba siyang manligaw sayo?" humalakhak ang lalaki at kinamot muli ang ulo.

Bago pa ako makasagot ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko at umakbay sa akin. Hindi ko na kailangang lumingon pa dahil sa amoy niya palang ay kilalang kilala ko na. Agad na kumalabog ang puso ko. Tig hirap ng oxygen kapag nahahagip ko ang presensya niya.

"She's off limits, bro. She's my girlfriend..." Sabi ni Fire gamit ang matigas na tono at bago pa ako makapag react ay naramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa aking pisngi, nanlaki ang aking mga mata. It was just a peck but my system was on turmoil. "Right, babe?" Aniya.

Some LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon