xChapter 1x
xxxMegan's POVxxx
Dear Diary,
Kahit na patapos na ang pagiging sophomore, enjoy parin ang sophomore year ko! First month palang na Principal's Office, tapos naglinis pa ako! At least, taga hawak lang ako ng sako. Si Jonathan yung nagwawalis... hehehe... Buti nga nagkabati na kami ng BBF(Boy Best Friend) ko. Siya pa yung nagsorry! Hay naku, kawawa naman si Kuya kasi hanggang ngayon nanliligaw parin siya kay Tori. Ang strict kasi ng parents niya! Ok lang unica hija(tama ba spelling ko?)! Over-protective ang parents, eh ako??? LWP! Laging Walang Parents! Ok lang kasi I know they're busy and I have my FREEDOM! Ang rami ko na palang librong babasahin, nag rami kasing pinahiram ni Pam! Si Pam at Caroline ang top 1.5 namin. Ako? Top 4! Hahaha! Anu ba yon?!? Ang gulo ng utak ko! Teka?!? 8:30 na pala! Lagot ako kay NatNat(Btw, si Jonathan yan).
XOXO,
Megan Torres
Bigla akong napa-stretch. Grabe ah! Kapag inspired ka nga namang magsulat sa diary, ang rami mong masusulat. Teka lang tignan ko... WTF(What The Fhudge!!!)!!! One month na pala akong di nakakapagsulat ng entry! hehehe... Katamad kaya!
Oo nga pala! Kailangan ko nang umalis! 8:00a.m. usapan namin ni Jonathan! 8:30 na! Waaaahhhh!!! Lagot! Lagot! Lagot! 30 minutes late!
nagmadi akong kunin yung bag ko at lumabas ng kwarto. Sakto nakita ko si Kuya Christoph. "Kuya! Aalis na ako ahh!"
"Sige!"
Sabay baba ng hagdanan. laki kasi ng bahay namin! Katamad maglakad!
Lakad, lakad, lakad... Si Nathan pamo di marunong maghintay. Si Jonathan also known as Nathan A.K.A. Nate or NatNat-- grabe di ba? Raming nicknames-- Best Friend ko yan since grade 1 pero nag-away kami nung first year kami. Paano ba naman, siya may barkada na, ako nag-iisa??? Buti nalang nandiyan si Claire, siya naman ang BFF ko (siguro naman alam niyo meaning non). Minsan pag ako nagsasalita o nag-iisip, biglang magiiba yung topic. Ganun naman pag de-dayream di ba? Ewan ko ba marami akong iniisip. Bagal kong maglakad! Tapat lang naman bahay nila Nathan ah... marami ang tawag ko kay Jonathan, base rin yan sa emotion ko. Pag naiinis ako, "NatNat". Pag galit ako, "Jonathan!". Pero pag konti nalang sasabog na ko, sisigaw ako ng "Keith Jonathan Rivera!". Pero Nathan talaga tawag ko sakanya. Speaking of Nathan, nasa gate na pala siya!
Hinahagis-hagis niya yung susi tapos nakita niya ako, bigla siyang sumigaw "Megan Torres! Anong oras na!" Hahaha... Inis na inis siya. XD
"8:30" sabi ko sakanya. Nanginis pa talaga... Hehehe... Pikon kasi yung lalaking yun. "Ano aalis pa tayo?"
"Ayaw mo nang umalis?" tanong nya. "sayang! Lilibre pa naman sana kita."
"Tara na! Libre mo ko ah!"
"oo na... Kung sanang dumating ka ng mas maaga, ang rami ko na sanang nalibre sayo."
Sasakay na kami sa sasakyan niya. Papunta kami sa mall kasi birthday niya! Hong Mercedes Benz yung regalo ng parents niya sa kanya. Yaman diba? Bigla siyang pumasok sa driver's seat.
"Ikaw magddrive??!!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi, ikaw kasi nasa passenger's seat ko. Natural ako!"
*_* Nambara pa yung bwiset!! "Pero 15 ka pa lang diba? At kafi-15 mo pa lang!!!"
"So?!"
"Hindi pa legal! Pag ako namatay!"
"OA mo! Tinuruan din naman ako, so siguro PRO na niyan ako."
"Siguro?!?! Di ka pa sigurado!"
"Ok! PRO ako! Sus! dami pang reklamo! Ikaw na nga lang nakikisakay. Tska dadating din naman License ko next year."
Next year pa! Hay naku! Bahala na nga lang si Nathan basta nakasalalay precious life ko sa kanya.
"May seatbelt ka." Sabi niya
"Opo, ayaw ko pa pong mamatay"
"Tss...." yun na lang ang nasabi niya.
Nagsimula na siyang magdrive. Grabe ang bilis niyang magdrive!!! Pero kahit mabilis, smooth ang pag-ddrive niya. Siya nang magaling magdrive! After siguro 3-5 mins? Nasa mall na kami.
"Tara bili tayo ng snacks" Sabi niya, pagkababa namin ng sasakyan.
"Snacks??? Para saan???!"
"Para may kainin tayo sa sine."
"Sine????!"
"Oo, bakit ayaw mong manuod ng sine?"
"Hindi,... Gusto ko. Basta libre mo."
Nung naglakad na kami sa loob ng mall, napatigil ako sa may Sturbucks.
"Bakit tayo tumigil?" tanong ni Nathan.
Hinawakan ko breaso niya at inalogalog "Gusto ko ng coffee..." lambing ko sa kanya "Birthday mo naman eh..."
"Sige na nga! Tara!"
Dalawang Grande inorder ko para sa amin. Hahahahaha! Ang mahal! Siya naman gagastos. Mayaman naman siya eh... Tapos pumunta kami sa may grocery. Bumili kami ng snacks. Puro Lays, Cheetos, Doritos ang mga binili namin. Gastos ko noh? Halos 1,500php nagastos niya sa snacks. Pumunta kami sa may second floor at nanuod na kami ng sine. Di ko alam ano bang papanuorin namin. Doon kami sa pinakalikod para kitang-kita namin yung screen. Tapos nilagay ni Nathan yung kamay niya sa may likod ko nung umupo na kami, parang nakaakbay lang. Ano to?!?! Mag BF-GF?!! Sus! Wala lang yan. Magbestfriends nga diba? Walang malisya sa amin yun. Pero minsan nakakashock pa rin.
Nagstart na yung movie, ano ba'to ang drama! Di ko na pansin tuloy-tuloy na yung mga luha ko sa mata ko. TT.TT Nakakaiyak! Huhuhuhuhuhu. Hanggang sa paglabas ng sinehan umiiyak pa ako. Napakaemotional ko kasi. Hindi pa din ako makaget-over. TT_TT
