Friendship over Love or Love over Friendship? Chapter 2

23 2 0
                                    

(A/N: Yeaaaah! Natapos nanamin ang Chapter 1 dahil tapos na ang aming Periodical Test! Siyempre tumakas kame! Hahaha. Bait namin noh? Si @simplytricia ang nagtype ng ending ng Chapter 1) 

xChapter 2x 

XxxJonathan'sxxX

     Ang drama nitong babaeng 'to! Umiiyak pa rin hanggang ngayon. Hinimas-himas ko likod niya. "Uy! Megan! Tumigil kana nga diyan!"

"Ihhh...(humagulgol pa rin) Nakakaiyak kase... Ikaw may kasalanan nito! huhuhu"

    Ako pa may kasalanan?!? Ako na ngang nanlibre! Halos Php2,000 na nga nagastos ko! Buti nalang si Meggy ko 'to. Hay naku, umiiyak parin hanggang ngayon, may pagka-emotional kc si Megan. "Pumunta ka nga sa CR baka akala pa nila pinaiyak pa kita!" Tinanggal ko pagka-akbay ko sakanya at hinayaan siyang umalis. Pulang-pula na kasi muka niya.

    Ang tagal niya sa CR! Kanina pa ako naghihintay! Kahit kailang ang bagal nitong babaeng 'to! Bigla ko nalang siyang nakitang lumabas ng banyo habang nakasandal ako sa may pader katabi ng mga payphones at kanina pa naghihintay. Hindi na siya masyadong namumulapero halata paring kaiiyak niya kase namumula pa ilong niya. Nawala pagkainis ko. Hehehe... pulang ilong... red nose... "Uy! Rudolph!" tawag ko sakanya "Kamusta?" *tawa* *tawa*

    Bigla niya nalang akong hinampas."Aray!" Ang bigat ng kamay para sa taong hindi naman mataba.

    "Tara na nga!" sabi nya. Tapos tinakpan niya nalang ang ilong niya ng panyo habang naglalakad.

    Naglakad kami at bigla niyang hinawaka kamay ko. HOY! Wag kayong magisip ng kung ano-ano! Best Friend ko yan. Naramdaman ko nalang na may humihila sa kwelyo ko."Nathan" sabi ni Megan  "ang gwapo nung guy na yun oh..." *turo*

   Bigla akong napaharap sa tinuturo niya. Gwapo?!? Mas gwapo pa nga ako dun ah! "Ang pangit lang!" sabi ko sakanya at bigla siyang nagpout. "Ang pogi kaya! Mas pogi pa sayo!"

   Wew?!? Mas pogi pa daw sakin?!? "Kailangan mo na atang magsalamin ah, hindi mo na makita kung sino ang gwapo at pangit."

   "Psh..bakla kasi"

   "Ako bakala?!?!" sabay lapit ko sakanya ng husto "Gusto mong patunayan kong hindi ako bakla?!?" napasandal na siya sa wall. Nagbush siya at bigla niya akong tinulak.

"Gusto mong mahulog from 2nd floor to 1st flor?!?!"

"Ikaw naman, binibiro lang kita" sabay akbay ko sakanya. "Ano pala ragalo mo sakin??? Nilibre na kita. Ako naman."

Ano ba gusto ko??? Sana...

"Gusto mo KISSes?!?" sabi niya.

"Ano?!?" kiss daw?!?

"Kisses, yung chocolate, bakit ayaw mo?"

"Ahh...kisses...chocolate....akala ko kasi-" Bigla akong napatingin sa ibang direksyon.

"Bakit??? anong akala mo? KISS?!?"

"Hindi ah! Masyado kang assuming! Wala yon."

"Tsk. Ayaw pa kasing sabihin"

"Gusto mo kain nalang tayo?"

"Kain nanaman?!? Di ba kumain na tayo sa sinehan?"

Snacks lang kaya yun! "Gutom pa ko eh..."

"Takaw mo!" Sigaw niya sakin at hinila ako sa may escalator.

    Ako pang matakaw?! Sino bang nakaubos ng mga chichirya???! Tapos naglakad na lang kame. Nakita ko yung Tutti Fruti, "Ice cream na lang tayo!"

"Sige ba, ikaw magbabayad?" Hay nako nagpapacute nanaman si Megan.

"Bakit ako? Di ba ikaw naman?"

"Kisses kaya yung regalo ko... Tsaka one thou lang dala ko eh..." nagpout nanaman siya.

"Tsh... Sige na nga!" Nagrequest naman siya. Miss ko na nga tong si Megay. One school year din kaming hindi nagusap ng maayos.

*FlashBack*

(1st week ng Freshmen year)

"Sabay tayong maglunch mamaya Nathan ah." Sabi ni Megan nung 3rd day namin.

"Sige, hintayin na lang kita sa canteen mamaya"

=LUNCHTIME= Hindi ako sumipot sa usapan

=Dismissal=

"Nathan! Hindi kita nakita kanina! Hindi tuloy ako nakapag Lunch!"

"Kasalanan ko ba yon?!?!" Sigaw ko sa kany, "Pag hindi mo ako nakita, ibig sabihin non di na ako sisipot!"

    Tapos maluha-luha na siya "Sorry po" sigaw niya, na parang naiiyak. tae! bakit ko ba sinabi yon. Bigla nalang siyang nag walk out habang pinupunasan niya ang mukha niya. *End of Flashback*

Gago ko diba? Simula noon di na kami nagkasama ni Megan. Kasama ko na sila Zac, Leo at Cristoph habang siya si Claire ang kasam niya. Tapos nagkabati na kami nung July. At ngayon March na kaya nagkaayos na kami at bumalik na rin yang dati. Magkakilala kami since Grade 1. Isipin niyo yon Magjujuniors na kami after 2 months! So mga ... kinder, prep, 1.2.3.4.5.6,1st 2nd and 3rd... May 10 years narin! Mage-eleven years na kaming magkakilala at mag nanine years na kaming mag-bestfriend.

Friendship over Love or Love over Friendship? (O N G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon