EPILOGUE

76 5 3
                                    

The Final Chapter

WIVINE

I took a deep sigh before I looked at them. I saw Mintaro bitting his nails like a kid that seems obviously cannot take hiding secrets anymore about Hidre. I don't know how did he find out that he's sick because I know Riyota didn't tell him. They're not always talking normally. If they'll talk, Riyota will just scare him.

Napunta agad ang tingin ko kay Rhya na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin na parang sinasabi ay, sabihin na namin kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari. Kapag sinabi ko sa kaniya ang lahat, hindi ko alam kung susugurin niya na si Hidre o ako na makakatanggap ng sampal. Pero huwag naman ang makinis kong mukha. Inaalagan ko rin ang mukha ko katulad ng pag-aalaga ko kay Min.

Noong sinabi ni Riyota na puwede na raw ako mag-asawa, parang gusto ko siyang tamaan sa kaniyang batok. Bukod sa nakakaasar siya, wala rin saysay ang mga pinagsasabi niya. Talaga namang siraulo ang lalaking iyon. Si Riyota ngayon ay napakaseryoso at ito ang unang beses na nakita ko siyang hindi nagbibiro.

"Mauna na tayo," basag ko sa katahimikan ngunit kumunot lamang ang noo ni Rhya sa akin na parang may ipinapahiwatig.

"Ano ang ibig sabihin niyon, Wayn?" she asked that made me sigh. "Ano ang gusto nila kay Hidre? Ano ba talaga ang nangyayari? Can you please tell it now? I know three of you are keeping something. Kahit si Prai ay hindi rin alam ang nangyayari."

Mintaro looked at his tablet device. He's like tracking someone until now.

"Hidre is sick, Rhya," I quickly answered without any hesitation. "He's suffering since he was born. We just found it out after Solast incident," I added without looking at her.

Napansin ko siyang napasinghap sa inis. "Bakit hindi ninyo sinabi? Ano ang sakit ni Hidre?"

"Abnormal ability cells. The old man Themin injected a vein inside him to balance the cells. Pero sa katunayan, ang ginawa niyang iyon ay napakadelikado. Kaya pala nawawala ang isang vein." Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Riyota habang siya ay nakapamulsa.

"Hidre has two category of ability," I muttered. "Kaya lang, ang paraan na iyon ang magdadala sa kaniya sa kapahamakan. Maari siyang mamatay, maarin rin na mag-iba ang sarili niya. Hindi natin alam. Kaya nagbibigay si Riyota ng gamot para hindi ito tuluyang umatake sa kaniya."

Agad napunta ang tingin namin kay Mintaro nang mabitawan niya ang kaniyang tablet device at tumindi ang panginginig ng mga kamay niya na parang may nakuha siyang hindi inaasahang impormasyon. Si Mintaro ay sobrang nanginginig. Ano ang kaniyang nakuha?

"Mintaro, what is it?" I asked seriously. Lalong sumama ang mukha ni Riyota sa kaniyang nakita. Hindi iyon dahil sa kapatid niya. Dahil iyon sa nalaman ng kapatid niya.

"You're tracking Hidre, aren't you?"

Ano ang ibig sabihin nito? Lumapit agad ako kay Mintaro at kinuha ang nalaglag na tablet device. Bahagyang kumunot ang aking noo dahil nakita ko ang mukha ni Hidre sa gilid at nakalagay na,

The person tracked is in danger.

Napunta ang aking tingin kay Mintaro at seryoso siyang tinignan.

"Mintaro, what's happening?"

He nervously looked at me. "H-Hidre... Hidre-sama is near at the bridge of Forsake sea. W-we have to save him. Someone is following them-it was... Korvinous. W-we have to talk to Mister Madrigal," he stuttered. Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam kami ng kaba. Agad kong hinila ang braso ni Mintaro upang siya ay makatayo at kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa.

Themis Corporation: Pandora 1 (Will Under Editing)Where stories live. Discover now