CHAPTER 6

378 11 0
                                        

Irene's POV:

Di kami makapaniwala—si Mr. Chua pala ang traydor sa kumpanya! Ilang taon na siyang nandito, ngayon pa siya nagtaksil. Ang tanong, paano nalaman ni Sam na siya ang traydor? At ano ang koneksyon niya sa misteryosong Top 1 sa business industry? Pero ang napansin ko kanina, namumutla si Sam. Napapaisip tuloy ako kung nagpapahinga pa ba tong batang 'to. Sa nangyari kanina, hindi pa rin nakakabawi sa gulat ang mga tao sa meeting room. Kahit ako, nagulat din. Pero mas nag-aalala ako para kay Sam—baka balikan siya ni Mr. Chua. Mukhang hindi rin maganda ang pakiramdam niya; halata sa kilos niya na pilit niyang kinakaya ang lahat.

"Meeting dismissed," biglang sabi ni Sam, sabay talikod papalabas ng meeting room. Pero bago pa siya makalabas, bigla na lang siyang natumba. Agad kaming nataranta, buti na lang nasalo ko siya.

"Sam!/Ms. Buenavista!/Samantha!" sunod-sunod na sigaw ng mga tao sa loob, halatang gulat na gulat.

"Sam, anak! Gising! Wake up!" taranta kong sabi habang tinatapik ang pisngi niya. Pero hindi siya nagigising.

"Greggy, ihanda mo ang sasakyan! Bilisan mo!" sigaw ko kay Greggy, halos nanginginig sa takot.

"Sige, sige!" sagot niya sabay takbo palabas, halos magtatatalon sa taranta.

"Sam, wake up! Ate's here, please wake up!" umiiyak na sabi ni Xandra habang yakap siya ni Luis. Maya-maya dumating si Greggy. Binuhat niya si Sam papasok sa sasakyan. Sumunod kami nila Xandra, Luis, Mr. John, at ang secretary ni Sam. Binilisan ni Greggy ang pagmamaneho hanggang makarating kami sa ospital. Pagdating doon, sinalubong kami ng mga doktor. Agad nilang inasikaso si Sam. Nang makita siya ng isang doktor, parang nagulat ito, at agad niya kaming inasikaso.

Sa labas ng emergency room:
Habang naghihintay kami, tahimik pero mabigat ang pakiramdam ng paligid. Maya-maya nagsalita si Xandra, umiiyak.

"Ate Irene, ano bang nangyayari kay Sam? Bakit siya hinimatay? Kanina pa siya mukhang matamlay, pero hindi mo man lang sinabi sa amin?" galit na tanong niya, nanginginig ang boses.

"Nung bago kami umalis, sabi niya medyo masama ang pakiramdam niya. Sinabi ko na ako na lang ang pupunta sa meeting, pero ang sabi niya, kaya naman daw niya. Pinabayaan ko na lang. Pero naalala ko, hindi pa pala siya kumain bago umalis. Sabi niya kakain daw siya sa opisina, pero mukhang nakalimutan niya. Simula nung dumating kami dito sa Pilipinas, halos wala pa siyang pahinga," mahabang paliwanag ko habang nag-aalala rin.

Biglang dumating sina Kuya Bonget, Manang, Liza, at ang mga bata.

"Irene, kumusta si Sam?" tanong ni Kuya Bonget, puno ng pag-aalala.

"Di pa namin alam, Kuya. Wala pang update ang doktor," sagot ko.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Manang. "Nabalitaan na lang namin biglang sinugod si Sam dito."

"Ewan ko rin! Pagkatapos niya i-dismiss ang meeting, palabas na siya ng bigla siyang nawalan ng malay," sagot ko.

"Sana okay lang siya," sabi ni Sandro na halatang apektado.
"Magiging okay din siya. Magdasal tayo," sabi ni Liza. Tumango lang ako, pilit na pinapalakas ang loob.

Paglabas ng doktor:
"Doc, kumusta si Sam?" agad kong tanong.

"For now, wala kayong dapat ikabahala. She's stable, pero kailangan niya ng pahinga. Bawal ang stress at dapat regular ang kain niya. Mukhang hindi siya kumakain, tapos overworked pa. Hintayin na lang natin siyang magising para ma-assess ulit," paliwanag ng doktor.

"Thank you, Doc," sagot ko, sobrang gumaan ang pakiramdam ko.

Sam's POV:

Pagmulat ng mata ko, puting kisame ang una kong nakita. Nasaan ako? Nang tumingin ako sa paligid, nasa hospital ako. Tapos nakita ko si Tita Irene, hawak ang kamay ko, habang nakayuko. Gusto ko sanang bumangon pero bigla siyang nagising.

"Sam, gising ka na! Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba?" tanong niya agad, puno ng pag-aalala.

"I'm okay po. Pagod lang siguro," sagot ko, pilit na ngumiti. Maya-maya, lumapit ang iba. Si Kuya Luis ang tinawag ni Tita Irene para ipaalam sa doktor na gising na ako.

Sandro's POV:

Tahimik lang akong nakikinig habang nag-uusap si Sam at ang doktor niya. Gamit nila ang Spanish kaya naintindihan ko ang lahat. Ilang taon din akong nanirahan sa Spain kaya gets ko ang sinasabi nila. Halatang may iniinda si Sam na ayaw niyang ipaalam sa kahit sino.

Pag wala nang tao, kakausapin ko siya. Gusto kong malaman kung ano ang tinatago niya at bakit ayaw niyang malaman ng ate niya.

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now