Ngayon, Pangatlong araw na namin ng pasukan. Pangatlong araw na ng pasukan pero ang dadaldal na ng mga kaklase ko.
"Hoy! Bat ba ang ingay nyo? Magsitigil nga kayo!" sigaw ko sa kanila.
"Walang pakealamam! Inggit kalang!" sabi nung isa kong kaklase na babae.
Wews. Feeling pretty hindi naman pretty. Ang chaka nya!
"Hoy Chaka! Hindi kita kinakausap!"
Tigil naman sya eh. Natakot ata. Tss. Yung itsura nya parang nang-aamong aso. Kung tutuusin mas maitsura pa nga yung aso kesa sa kanya. De joke lang. Hehe. Mabait kaya ako.
Biglang nagtahimikan ang room nung dumating si sir.
"Okay class, May bago kayong classmates. Meet Candy and Nicole"
"Hi classmates!" sabi ni Candy.
"Hi din classmates!" sabi naman ni Nicole.
Aba. Nasa kabilang room sila diba? Bat kaya sila lumipat?
"Hi bestie! Pwede kaming umupo sa tabi mo?" sabi ni candy.
"Sure! Teka, Bat nga pala kayo lumipat ng room?"
"Syempre! Para magkakasama tayo." sabi ni nicole.
"Hays. Ang sweet nyo talaga sakin kahit kailan."
"Syempre. Tayo tayo din lang naman ang magkakaibigan kaya dapat One For All, All For One!" sabi ni candy.
"Hi fans!" sabi nung isa kong kaklase na lalaki habang wala si sir.
"Wow! Feeling famous!" parinig ko sa kanya.
"Psst! Sikat yan sa buong school! Heartthrob pa." sabi nung nasa likuran ko na babae.
"Ah ganun ba?"
Tss. Ang yabang nya.
Bigla kong nakita na pinalilibutan sya ng mga kaklase kong mga babae at nagpapapicture pati nagpapa-autograph. Nagulat nalang ako nung nakita ko yung mukha nya. Aba? Diba sya yung lalaking bumangga sakin kahapon? Hayts. Bakit nandito sya? Ugghh! Kung bakit ko pa daw kasi naging kaklase yun. Hayts.
Bigla akong tumayo at tsaka pinuntahan yung lalaking yun. Dahil ang dami ngang nakapalibot sa kanya, Pinaghihigit ko yung mga uniform nung mga babaeng nakapalibot. Yung iba nga napahiga na nga sa sahig dahil sa todong pagkahila ko. Yung iba nauntog sa upuan. Nagdugo pa ulo.
"Hoy! Yabang!" sabi ko sa kanya.
"Bakit miss? Magpapapicture ka ba?" sabi nya.
"Hindi ko kailangan ng picture mo! Tss. Halika nga!" saka bigla kong hinawakan yung tenga nya at hinigit palabas.
"Aray! Bakit ba?"
"Ako lang naman yung binunggo mo kahapon at napagalitan ni sir!"
"Ah ganun ba? Ok."
"Hindi ka man lang magsosorry??!"
"Hindi." sala umalis at pumunta na sa upuan nya.
Wow? At talagang hindi pa nagsorry ha? Hayts! Kainis ee! Sarap batuhin ng wrecking ball ni Miley Cyrus!
Nung pagkabalik ko ng upuan ko...
"Uy bestie! Anong ginawa mo sa kanya?" sabi ni candy.
"Ah. Wala. Kinausap ko lang."
"Ah. Sige."
Nung bumalik na ang teacher namin....
"Class, Meron kayong project. Magpapaprint kayo ng magandang lyrics at saka kantahin ito sa unahan ng klase. Understand?"
"Yes. Sir." sabi naming lahat.
"Okay. Class Dismissed."
Nauna na akong lumabas dahil nagiinit na ang ulo ko dun sa loob. Sunod ng lumabas sina Candy at Nicole.
"Oh bestie? Bat ka nakasimangot?" sabi ni candy.
"Ah. Wala."
"Weeeh? Meron eh?!" sabi naman ni nicole.
"Tss. Oo na meron na."
"Sabi na! Ano bang dahilan ha?" sabi ni nicole.
"Yung lalaki kasi kanina sya yung dahilan kung bakit ako pinagalitan ni sir kahapon."
"Huh? Bat di mo sinabi agad? Upakan natin ano?!!" sabi ni candy.
"Tss. Wag na. Basagulero ka talaga." sabi ko kay Candy.
Biglang sumimangot mukha ni candy.
"Hehe. Joke lang. Sumimangot naman agad to! Di bagay sayo mukha kang sugpo."
"Bestie naman eh!" biglang tumawa si nicole sa sinabi ko at saka sa itsura ni candy.
"Haha! Joke lang ulit!"
To be continued....
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Lover
RandomNaranasan mo na bang ma-inlove sa Enemy mo?? Kung oo. Makakarelate kayo dito. Vote,Read,Share!