Chapter 7

14 0 0
                                    

Alliah's POV

"Uy Alli! Wait lang!" sabi ni Aj habang hinahabol ako. Binilisan ko nalang yung lakad ko para hindi nya ko mahuli. Pero kahit nagmamadali na ko sa paglalakad naabutan nya parin ako.

"Huy! Ano ba? Bat ka naman biglang umalis??!" sabi ni Aj habang nakahawak sa braso ko.

"Aray! Bitiwan mo nga ako!" lalo pa nyang hinigpitan yung pagkakahawak nya sa braso ko.

"Bitiwan mo na nga ako! Ang sakit na!" binitawan din naman agad ni Aj yung braso ko at saka tiningnan yung braso kong pulang-pula.

"Tsk. Tingnan mo ginawa mo sa braso ko. Tss."

"Ay. Sorry na po. Dalhin nalang kita sa clinic." bigla nya nalang hinawakan yung kamay ko at hinila papunta sa clinic.

---

"Ano po bang nangyari dyan miss?" sabi ng nurse na nandito sa clinic.

"Ah.. Ano po...."

"Naipit lang po sa nalaglag na mga gamit kanina." pamumutol ni Aj sa sasabihin ko. Tsk. Tsaka ano daw?! Naipit?! Wow ha!

"Eh nurse! Hindi naman po ito nai...." bigla nalang tinakpan ni Aj yung bibig ko at nagsalita.

"Ano po iyon miss?" sabi nung nurse.

"Wala nurse.. Wag mo nalang pansinin to. Hehe." sabi ni Aj sa nurse.

Bigla kong inalis yung kamay ni Aj sa bibig ko at nagsalita.

"Hoy! Ano ba yang pinagsasabi mo ah?" bulong ko sa kanya.

"Tss. Wala ka na dun."

Tsk. Yabang talaga. Kakainis sya huh.

"Miss akin na yung kamay mo. Gagamutin na natin." sabi nung nurse.

Nagulat nalang ako sa ginawa ni Aj saakin. Bigla nyang inilagay yung kamay nya sa balikat ko. Yung akbay. Ganun.

"Wag mong papabayaan yung girlfriend ko nurse ha."

Muntikan na akong masamid dahil sa sinabi nya. Wow! At kelan pa nya ko niligawan? Girlfriend daw ah?!

Siniko ko nalang si Aj at bigla syang napatingin saakin at biglang ngumisi ng nakakaloko.

Hindi ko nalang sya pinansin at inirapan ko nalang.

Nakalabas na kami ng clinic at may nagtsi-tsismisan nanamang mga babae. Malamang tsini-tsismis nila kung bakit kasama ko si Aj. Tsk.

"My god! Magkasama sila Aj at Alliah oh!"

"Girls! Look! Kasama ni Aj si Alliah. I can't believe this!"

"Gosh! Bakit sila magkasama?!"

Pssh! Hindi na nagsitigil mga bunganga ng mga Chamosa na yun.

"Wag nyo ngang pag-usapan yung girlfriend ko okay?"

Muntikan na akong matumba dahil sa narinig ko. Nasisiraan na ba sya ng ulo? Bakit ba nya sinabi yun? Tss. Napatingin nalang ako bigla sa mga Chamosa na yun. Lahat sila nakanganga dahil sa sinabi ni Aj. Yung iba nahimatay pa ng wala sa oras. Lanjo.

"Tara na girlfriend."

Saluhin nyo ko please! Parang awa nyo na!

"Anung girlfriend?! Kelan ka pa nanligaw? Kelan pa kita sinagot huh?!" sabi ko na pataray.

"Ngayon."

"Huh?!"

"Wala. Sabi ko pumasok na tayo."

---

Nakapunta na kami ni Aj sa room. At bigla akong napatingin kay Nicole nung pagpasok namin ng room. Aba. Naka demonyong ngisi. Ano kaya iniisip neto?!

"Anong ngiting yan ha?" tanong ko kay nicole.

"Hehehe. Wala."

"Ano nga kasi?!"

"Nagdate ba kayo? Ayie!"

"Anong nagdate? Ruur. Hindi ah. Sabay lang kaming naglunch no."

Hindi nalang ako pinansin ni Nicole at bigla nanamang ngumisi. Wala yung teacher namin ngayong oras nato. May inaasikaso daw. Kaya pwede ng free time muna. Free time kaya yung mga kaklase ko nagsipuntahan nanaman sa Papa Aj nila. Psh. Nagpapapicture at nagpapa-autograph. Ano sya? Artista? Tss.

Kasama na din si Chaka na nakapila sa magpapapicture at magpapa-autograph. Ano bang meron sa lalaking yun? Tss.

Dalawang oras na ang nakalipas pero wala pading nadating na mga teacher. Mga busy daw. Kaya maaga kaming pinaawas ngayon. Ang saya-saya ko kasi maaga kaming umawas. Dumeretso agad kami ni Nicole sa canteen. Umupo na agad kami sa bakanteng upuan.

"Bestie alam mo na ba yung bali-balita na may girlfriend na daw si Aj?" sabi ni Nicole habang nainom ng binili nyang juice.

"Ano namang pakialam ko don?" sabi ko habang nainom din ng binili kong juice.

"Oh talaga? Baka sa susunod kong sasabihin baka bigla kang maki-alam." sabi ni Nicole at saka uminom ulit ng juice. "Ikaw daw yung girlfriend ni Aj."

Sa pag-inom ko. Naibuga ko bigla yung juice na iniinom ko sa mukha ni Nicole.

"Ay kadiri bestie ah! Dapat pala hindi ko na sinabi sayo. Aa to! Kaylangan talagang sa mukha ko ibuga? Mukha ba kong lababo?"

"Haha! Sorry sorry.. May lababo dun oh. Maghilamos ka muna. Kasi naman yang chinika mo sakin nakakagulat e."

Sinamahan ko nalang si nicole sa may lababo. Tinanong ko na din sya kung bakit naging issue yun.

"Sino naman kasi nagkalat na girlfriend daw ako ni Aj?" tanong ko kay Nicole.

"Si Aj." sabi ni Nicole habang naghihilamos padin ng mukha.

"Wow! Kapal naman ng mukha nung lalaking yun." sabi ko habang pinapanood naghilamos si Nicole. "Lagot sakin yung lalaking yun."

"Ano tara? Resbakin na natin?"

"Haha! Loka! Asa namang mananalo tayo dyan."

"Hehe. Joke lang."

Author's Note.

Binitin ko talaga para mas nakaka-excite. Haha. May panibago nanaman akong ilalagay na character sa next chapter kaya..... Abangan..

My Enemy, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon