Isang linggo na ang nakalipas nang mag practice kami ni Aj. Kahit papaano may side din pala sya ng pagka mabait nya akala ko 100% syang mayabang. May concern din pala sya saakin kahit papaano. Pero aaminin ko gwapo nga sya kaya hindi mo na ipagkakaila na habulin nga sya ng mga babae.
"Uy ano ba yang iniisip mo bestie?" sabi ni Nicole habang naglalakad kami papuntang school. Malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya pwede ng walking distance nalang.
"Ha? Ah...Wala..."
"Wee?"
"Wala nga.."
"Okay. Sabi mo ee."
Nakadating na kami ni Nicole sa tapat ng gate ng school na Ashton University. Wala si Candy kasi pumunta sila sa Baguio ng kamag-anak nila para daw sa business nila nakapagpaalam nadin sya sa mga teacher.
Papasok na sana kami ng biglang may nagsalita sa harapan namin ni nicole.
"Sabay tayong maglulunch mamaya ah?" sabi ni aj kaya agad akong napatingala at saka ko sya nakitang muling lumakad.
Teka? Sinabi nya ba talaga yun? Sabay daw kami maglulunch? Di nga? Wow huh!
"Narinig mo ba yun bestie? Ayiiee! Sabay daw kayo maglulunch oh!" sabi ni nicole.
"Tumahimik ka nga bestie! Pasok nalang tayo okay?"
"Haha. Ayiie!"
Hindi ko nalang pinansin yung huling sinabi ni nicole at patuloy parin sa paglalakad namin.
--
"Alliah!" salubong sakin ni Thea na isa ko din sa mga kaklase na babae.
"Oh thea? Musta?" sabi ko sa kanya.
"Okay lang naman Alliah!" sabay ngiti.
Si thea ang isa ko din sa mga kaibigan dito sa Ashton University. Mabait sya kaya naging magkaibigan kami. Friendly pa. Cute na maganda pa. San kapa?
"Alliah sasama ka ba sa camping natin?"
Ay! Nakalimutan ko may camping nga pala kami kinabukasan bago magperform ng drama drama na yan. Tss. Sa isang linggo na kami magpeperform. Bilis talaga ng araw.
"Ahh. Hindi ko pa alam ee." biglang sumimangot si thea saka nagsalita.
(Flashback)
"Magkaka-activity ang school natin pagkatapos ng role play niyo. Magcacamping tayo ng tatlong araw sa bundok kasama ang lima nyong magiging partner okay? Babanggitin ko na ang magiging partner nyo." sabi ni Sir. Castillo
Bakit naman camping pa? Ang hirap kaya nun! Tapos tatlong araw pa?? Nubayan!
"Fantilaga,Refrea,Vasquez,Val and Aiko."
"Next."
"Sanchez,Mendoza,Lopez,Alcantra and Reyes."
Yes! Sa wakas kapartner ko sila Candy,Nicole at Thea! Pero teka?! Reyes? Sino bang Reyes dito? Wait! Wag mong sabihin na.... Waaaaahhhh!!! Si Aj? Si Aj Reyes??!! Makakapartner ko?? Omaygad!
Tumingin ako sa direksyon ni Aj. Nakita ko syang nakangisi na nakakaloko. Saka biglang napatingin saakin at sabay kindat. Ano bang problema neto? Nubayan!
(End of flashback...)
"Sumama ka na please..." nakalimutan ko na na may kausap nga pala ako. Napatingin nalang ako kay thea at nakita ko syang naka puppy eyes.
"Haha. Ang cute mo talaga! Sige susubukan kong makasama."
"Yeeyy!!" ang cute ni thea! Kung lalaki lang ako matagal ko ng niligawan to. Haha.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Lover
RandomNaranasan mo na bang ma-inlove sa Enemy mo?? Kung oo. Makakarelate kayo dito. Vote,Read,Share!