Chapter 5

13 0 0
                                    

Alliah's POV.

"May idea na ba kayo sa project natin candy at nicole??"

"Wala pa nga ee." -Candy.

"Wala pa din." -Nicole.

"Nakakainis naman kasi yung kapartner ko. Tss. Hindi parin tumatawag sakin."

"Hintayin mo nalang bestie." -Nicole

"Baka nagpapamiss." -Candy

"Luh? Hahaha. Sya nagpapamiss? Baka upakan ko lang yun."

"High blood ka naman agad bestie." -Candy

"Nakakainis kasi sya eh... Sabi ko sa kanya sya nalang tumawag..."

*Riiing..riingg*

"Uy may natawag. Sagutin mo. Baka sya nayun." -Nicole

"Hello..." sabi ko

"Uy. Ano? San tayo magpapractice? Kung sa bahay nalang namin kaya. Sunduin nalang kita mamaya."

"Ha? Bat naman sa bahay nyo pa bat..."

"Shh.. Wag ka ng magsalita. Basta sa bahay nalang namin. Sunduin kita mamaya. 12:40 na ngayon. Mga 4:00 sunduin na kita."

"Okay.." binaba nya nalang yung phone.

"Anong sabi??" -Candy

"Sa bahay nalang daw nya kami magpapractice."

"Bat ka naman pumayag?" -Nicole

"Wala kong magawa ee. Bayaan mo na. Para sa project din naman namin yun."

"Sabagay." -Nicole

---

"Alli sorry nga pala kung napagalitan ka ni sir dati." sabi ni aj.

Huwaatt? May sakit ba sya? Pano? Ano? Bakit? Nagsosorry na sya sakin ngayon?? Himala! Tsaka. Alli? Alli tawag nya sakin? Haha!

"May sakit ka ba? Himala at nagsosorry ka?" sabi ko na natatawa.

"Ayaw mo? Di wag."

Wews. Kala ko naman nagbago sya, ganun padin naman pala.

"Hindi. Nakakapanibago kasi ee. Haha."

"May nakakatawa ba?"

"Wala!"

"Haha. Ang cute mo talaga pag nagagalit." bulong nyang sinabi.

"Ha? May sinabi ka ba?"

"Haha. Wala.."

Nung nasa bahay na ni Aj kami. Habang naglalakad, napapansin kong nakatitig si Aj sakin.

"Huy! May dumi ba sa mukha ko? Bat nakatitig ka?"

"Ha? Ako? Nakatitig sayo? Asa ka pa!"

"Asus. Kunyari ka pa!"

---

Aj's POV

Nung bumaba na kami ni Alli ng kotse ko. Napatitig nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Parang may iba.. May iba kong nararamdaman sa babaeng to. Ang ganda nya pala. Haha!

Napatigil nalang ako sa pag-iisip nung biglang may nagsalita.

"Huy! May dumi ba sa mukha ko? Bat nakatitig ka?"

Ay si Alli pala...

"Ha? Ako? Nakatitig sayo? Asa ka pa!"

"Asus. Kunyari ka pa."

Ang ganda talaga netong babaeng to. Balita ko mabait daw to at masarap din daw magluto. Swerte siguro ng magiging boyfriend nito. Wait?! Ano ba tong pinag-iisip ko?? Pigilan mo tong pinag-iisip mo Aj! Madaming pang mas maganda at mas sexy pa kaysa dito sa babaeng kasama ko ngayon. Hayts..

"Huy ano na? Ayaw mo bang pumasok tayo??"

"Wag atat. Eto na nga ee."

"Dali! Ang bagal ee!"

Nung nakapasok na kami biglang kumuha si Alli ng papel at ballpen sa dala nyang bag. May sinusulat sya. Ano kaya yun?

" Hoy! Panget! Ano ba yan ha?"

"Anong sabi moo??!!"

Hahaha! Ang sarap talagang asarin netong babaeng to! Ang cute nyang magalit!

"Wala! Sabi ko ano ng papracticin natin?"

"Hmm. Kung yung ikaw kaya tsaka ako ay magkapatid? Tapos yung mga magulang natin namatay? Tas iiyak tayo. Haha. Okay na ba yun?"

"Wews. Ang corny naman. Hahaha! Dapat yung makatotohanan."

"Bakit? Makatotohanan naman yun ah?"

"Basta. Haha!" nakikita kong naaasar na sya kaya itinigil ko na. Haha. Ang cute nya talaga. "Kunyari girlfriend kita boyfriend mo ko. Tapos yung daddy ko may sakit. Tapos di tumagal lumalala na yung sakit nya. Tapos sa huli. Namatay na yung daddy ko. Tapos dun na magdadrama."

"May silbi ka din pala! Haha! Nice! Teka, bat naman boyfriend kita at girlfriend mo ko? Pede namang iba."

"Bayaan mo na! Anong gusto mo? Yung sayo na corny? Baka imbis na drama maging comedy pa sa kanila. Haha!"

"Tss! Ang yabang mo talaga! Kainis!"

Nagpractice lang kami ng nagpractice ni Alli hanggang sa naperfect na namin yung drama. Nice! Taas siguro ng grade namin dito.

"Wala ba kayong pagkain dito? Nagugutom na ko."

"Meron. Tingnan mo sa ref namin." tiningnan nga ni Alli yung ref kung may mga foods. Ang payat nya ee. "Huy! Hinay hinay lang sa pagkain okay?" Ang takaw pala netong babaeng to. Pero di man lang nataba.

"Hala! Mahigit 3 oras din pala tayo magpractice. Grabe naman bilis ng oras. Gabi na pala. Uuwi na ko." sabay tayo at palabas na ng pinto.

"Hoy san ka pupunta?"

"Uuwi na ko."

"Nababaliw ka na ba? Kita mong gabi na tapos maglalakad ka mag-isa dyan sa labas?!"

"Haha! Ano bang nakain mo at nag-aalala ka sakin? Hahaha! Crush mo ko no?"

Aba. Sya pa talaga nagtatanong nyan? Galing ah.

"Di kita type nuu!"

"Aysus. Haha. Kunyari ka pa."

"Tss. Tumahimik ka na nga lang dyan. Tara hatid na kita sa inyo." hindi nalang sya nagsalita dumeretso nalang sya sa kotse ko.

---

"Thanks sa pag hatid."

"No problem!"

"Aba. Bat parang naging gentleman ka ata? Diba ikaw yung nakilala kong mayabang at madaming fans na mga babae? Iba ata pakikitungo mo sakin ngayon ah." ngumiti nalang sya at pumasok nalang ng bahay nila. Mas maganda pa pala sya pag ngumingiti. What?! Bakit ba iniisip ko nanaman to?? Uhh! Pigilan mo sarili mo sa Aj! Wag kang mai-inlove o magkakagusto sa babaeng yun. Wake up Aj!

Author's Note.

Yaay! Si Aj? Magkakagusto kay Alliah? Hmm. Di pa natin sure. Haha. Abangan nyo nalang sa next chapter.

My Enemy, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon