Isang sariwang hangin ang humampas sa aking balat dahilan para mabuntong hininga ako
"Ayus ayusin mo naman buhay mo Owen nagpapakahirap kami magtrabaho tapos 86 lang average mo! " galit na sambit ni mama saakin
"Bakit ba hindi pa sapat sakanila ang nakuha kong average mataas naman na yun kung tutuusin hindi ba?" tanong ko sa sarili ko
Napabuntong hininga na naman ako ng dumidilim na ang paligid
"Epal naman ayaw ko pa umuwi eh"
Tatayo na sana ako ng makakita ako ng isang lalake sumasayaw sa karagatan na para bang wala itong problema
Di ko namalayan naglalakad na pala papunta ang aking paa sa karagatan hanggang sa isang malamig na tubig ang sumalubong sa aking pag dating
Tumingin sa akin ang lalakeng sumasayaw at ngumiti "kaya mo yan alam kong malalagpasan mo yan kung ako nga pinagbabawalan na pumunta rito sa ibabaw pero dahil matigas ulo ko ayan andito ako ngayon sumasayaw para mawala problema ko" sabi ng lalake
"Saan ka ba nakatira?" Takang tanong ko
"Sa ilalim ng karagatan" sagot niya "ikaw ba saan ka nakatira?" Tanong niya naman sa akin
"Diyan lang ayun oh kita mo yung malaking bahay dun ako nakatira" sabi ko sabay turo ng mansion naming bahay
"Oh siya aalis na ako baka mapagalitan ako kay papa" sabi niya pero pinigilan ko "teka lang ano ka ba tsaka anong pangalan mo?" pagkasabi ko nun ay ngumiti siya at pinakita ang buntot niya
"Ako nga pala si Tide at isa akong sireno" pagkasabi niyang yun ay nagpailalim na siya sa karagatan habang ako naman ay tulala sa mga nakita at narinig ko
"Sireno?? Ang alam ko di na nag eexcist yun eh" saad ko sa aking utak
Nakarinig ako ng malakas na sigaw kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa bahay namin at doon ko naabutan ang kapatid ko
"Kuya Owen kanina ka pa hinahanap ni mama eh" sabi ng kapatid ko
"Ano daw sabi Everest?" Pagtatanong ko sakanya
"Hinahanap ka daw kasi ni papa gusto ka daw niya sanang makausap tungkol sa grado mo" sagot naman ni Everest "yun lang pala akala ko naman kung ano" sabay tawa ko ng mapait
"86 daw average mo kuya" saad ni Everest papasok ng bahay
Di ako umimik at sumunod na lang sa loob ng bahay
"Alam mo kuya okay naman na yun eh tsaka kita ko rin hirap mo" sabi niya dahilan para mapangiti ako "sabi na eh yan lang magpapangiti sayo" sabay tawa niya pa
Sa aming dalawang magkapatid siya lang ang matalino namana niya sa side nila mama pero pagdating saakin namana ko yung kay papa kaya galit na galit si mama sa akin tuwing mababa ang grado ko
"Kain na!" Galit na sambit ni mama
"Ano ba Belinda tama na okay lang naman yun eh kesa naman sa palakol" pagtatanggol ni papa sa akin "oo nga naman mama di naman ganun kasama yun tsaka alam ko matataasan niya pa 92 ko" dagdag pa ng kapatid ko
Naupo na kami nung biglang napabuntong hininga si mama "sige kokonsintihin kita ngayon Owen pero kailangan maka line of 9 ka" sagot ni mama dahilan para mapangiti sila Papa at Everest
"AYUUUUUN NAMAN PALA EH" sabay na sigaw nila Papa at Everest na kinatawa ko na rin" wag kang pakampante kailangan pagbalik namin nila papa mo Owen maayos mo yan" sabi ni mama
"Opo" sabay lapad ng ngiti
Nagsimula na kaming kumain hanggang sa matapos at si Everest ang nagvolunteer na maghugas ng plato kaya dali dali akong pumasok sa kwarto ko at tumanaw sa bintana kung saan kitang kita ang kagandahan ng karagatan habang malakas ang liwanag ng buwan pero napatigil ako dahil may natanaw akong lalake sa karagatan na kumakaway sa..... TEKA SI TIDE YUN!! AT KUMAKAWAY SIYA D-DITO! mga ilang minuto lang iyon at nawala na siya napabuntong hininga nanaman ako dahil sa mga naiisip ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag- iisip ko.
YOU ARE READING
Sea You Soon (Completed-Unedited)
FantasyIsang lalake na mahilig pumunta sa karagatan para makapag isip at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin hanggang sa dumilim ang paligid Isang lalakeng serena na mahilig tumanaw sa kagandahan ng siyudad na kahit labag sa kalooban ng kaniyang ama n...