Pagkatalon namin sa tubig ay agad na nagbago ang buntot namin na maging paa ng tao dahilan para makatapak kami ng barko ng husto.
"Bakit walang tao sa bangka?" Tanong ko.
"Maybe yun lang yung mga alagad niya and such a shame HAHAHAHA" natatawang sambit ni Owen.
"Wag ka nga magbiro diyan dahil baka nagtatago lang sila" saad ko na ikinaseryoso niya.
Naglibot libot kami sa barko at nakitang wala talagang tao doon. Hanggang sa nakapunta kami sa itaas ng barko kung saan dito makikita ang parang manibela na ginagamit nila para iliko ang barko sa dereksyion na gusto nila.
"Oo nahuli niyo na ako, susuko na ako sa inyo" sambit ng kapitan ng barko.
"Ayun naman pala e, bat mo pa kami pinahirapan rito? Dapat nung una pa lang ay nagpahuli ka na" sambit naman ni Owen.
Humarap any kapitan at bakas sa muka ang kalungkutan niya. "Ako nga pala si Kapitan Marfolo, at ito si Selene ang aking barko" pagpapakilala niya saka niya inilahad ang kamay niya.
Hindi namin tinanggap ang kamay niya dahil baka may ibang balak ito na gagawin kapag inilahad namin ang kamay namin. "Ohh, I see na wala kayong tiwala sa akin" sambit niya saka lumapit sa manibela.
"Kalaban ka ba talaga o kasama?" Tanong ko ng biglang nagbago ang itsura ng muka niya.
"Dapat kanina mo pa itinanong munting prinsipe" sa sinabi niyang yun ay nagsilabasan ang mga shokoy na nagbalat kayo na maging parte ng barko (camouflage)
Umatras kami ni Owen na tila ba katapusan na namin ito. "Paano na ito Tide? Napapaligiran na tayo ng mga panget" sambit niya.
Dare daretso kaming umatras hanggang sa nasa dulo na kami ng barko.
"Paano ba yan munting prinsipe akin ka na" natatawang sabi ng kapitan.
"Ano bang kailangan mo sa akin!" Sigaw ko.
"Ay matapang ka pala, ang kailangan ko lang naman sayo ay ang iyong kapangyarihan" sagot niya saka may inilabas na wand.
"Ahhh Tide...." Sambit ni Owen dahilan para maalarma ako na aatakihin na kami.
"Wag ka mag alala may plano ako" bulong ko sa kanya.
"Ha?" Sambit niya na agad umatake ang mga shokoy.
Isa isa namin silang nilabanan habang nakatayo na ngayon sa estatwang muka ng barko.
"Tide ano ng gagawin natin" tanong niya habang nilalabanan ang mga shokoy na imaatake sa kanya.
"Hintayin mo lang" saad ko saka pinataan ng kapangyarihan ko ang mga nagkumpol kumpol na shokoy sa harap ko.
Marami silang umaatake sa amin at mas lalo pang dumadami dahil pinatugtog ng kapitan ang flute na kung saan kaya niyang kontrolin ang mga shokoy sa pamamagitan ng pagtugtog nito.
"Fvck, hindi ko na kaya ito Tide" sambit ni Owen habang dumadami na talaga ang umaatake sa amin.
"Basta kayanin mo at labanan mo lang" saad ko saka ko pinaulanan ng water beam ang mga umaatake sa amin.
"Ohhh, pagod na ba kayo? Hayaan niyong dagdagan ko pa" sambit ng kapitan saka niya iniwagay way ang kaniyang wand at tinamaan niya ang isang shokoy. Mas naging malakas ang shokoy kaya mas lalo kaming nahirapan na atakihin ito dahil mas lumakas sila.
"Tide, tulong" sambit ni Owen na agad kaming tumalon sa tubig.
Naging anyong sereno na ulot kami dahil nasa tubig na kami. Akala namin ay titigil na sila sa pag atake pero sumunod sila sa amin.
YOU ARE READING
Sea You Soon (Completed-Unedited)
FantasyIsang lalake na mahilig pumunta sa karagatan para makapag isip at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin hanggang sa dumilim ang paligid Isang lalakeng serena na mahilig tumanaw sa kagandahan ng siyudad na kahit labag sa kalooban ng kaniyang ama n...