Chapter 7

189 7 0
                                    

Nagsimula na kaming maglakbay sa isang isla na kung saan ay dun nakadaong ang barko.

Sa aming paglalakbay ay marami kaming nadaanan na sagabal sa aming daraanan. Isa na doon ang mga demonyong serena na kung saan mapaghahalataan mo silang tunay na sirena pero nagbabalat kayo lang sila. Isa na rin doon ay nang madaanan namin ang pamugaran ng mga shokoy na hindi naman namin aksidenteng masira ang isang bahay nila dahil may malakas na kapangyarihan na galing doon ang tumulak sa amin dahilan para masira ang isang bahay nila, nalaman na lang namin na isa pala iyong bitag ng mga pirata na parang isa itong signal sa kanilang may paparating sa isla nila.

Pero nakayanan namin ang mga ito dahil sama sama kaming lumaban, natatawa lang ako dahil puro sigaw lang ang ginawa ni Owen pero nung binigyan siya ng espada tumapang.

Naging madali ang lahat dahil may mga armas kami kundi mat kapangyarihan ako, pati ang kapatid kong si Pearl ay nabigyan din ng kapangyarihan.

Isa lang ang napansin ko sa mga nakalaban namin na kapag umilaw ang aking mata at nagbago ang tema ng tubig ay umaamo sila, kaya kapag may madadaanan kaming mga sagabal ay ginagamit ko na lang iyon para walang masaktan sa kanila.

"Damn! Mas gumanda ka kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo Tide" biglang saad ni Tide ng balak kaming atakihin ng mga shokoy.

"Love naman e! Wala tayong oras para sa matamis na salita mo, namamatay na tayo dito oh tapos ikaw gamaganyan ka lang?" Sambit ko na ikinanguso niya.

"Eh kung ikaw nga hindi mo mabitawan kamay ko" dagdag niya pa dahilan para mapatingin ako sa kamay naming magkahawak.

Oo nga pala, kanina ko pa hindi binibitawan ang kaniyang kamay.

Hindi ko ito pinansin at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay niya. Dahil sa ginawa ko ay napangiti siya ng malawak.

Nang makita namin ant isla ay tumigil kami dahil napapaligiran ng nga pirata ang isla na may dalang mga baril.

"Kailangan natin gumawa ng plano, may edeya ba kayo?" Tanong ko sa mga kawal.

"Hintayin po natin silang makatulog at dun tayo lulusob" agad na sagot ng isang kawal na sinang ayunan ng iba pang mga kawal na kasama namin.

"Ehem" tumikhim si Owen dahilan para kumunot ang noo ko. "Ayaw niyo ba ako tanungin sa edeya ko?" Dagdag niya.

"Sige, ilahad mo" saad ko.

"Uhm dapat may iba na i-didistract ang mga nagbabantay tapos tayong dalawa Tide ay papasok sa loob ng barko para palayain ang mga binihag nila, yung iba namang natira magbantay kayo" pagsasaad niya sa plano.

"Pero delekado ang magiging plano m—" pinutol ko ang gustong sabihin ng isa naming kawal.

"Yun ang susundin natin, kung may mamatay man ay mamatay kayo dahil sa kabayanihan" saad ko na sumang ayon sila. 

"So.... Paano yung distract na sinasabi mo Love?" Tanong ko na ikinangisi niya.

"Maghintay ka rito, may kukunin lang ako" sambit niya na agad naman itong sumisid sa ilalim.

Ilang minuto ang dumaan ay bumalik siya na may dalang maraming seaweed. "Teka lang, kukuha pa ako ng mga dahon dito" saad nuya sabay turo sa isang puno na malapit sa pinagtataguan namin.

Hinawakan ko ang seaweed na kinuha niya at dali daling kumuha ng dahon. Pagkakuha niya ay bumalik siya sa tubig.

"Ganito ang gagawin ninyo ha? Kailangan ko ng limang tao na magpapanggap na maging babae" sa sinabi niyang yun ay nagkatinginan ang mga kawal na kasama namin.

"Ayt! Sige na! Saglit lang naman ito dahil amy kapangyarihan naman ang prinsipe na kasama ninyo" dagdag niya na mukang hindi siguradong sumang ayon ang mga kawal ko.

Sea You Soon (Completed-Unedited) Where stories live. Discover now