Kinaumagahan ay halos patakbo na ako sa panic ko na baka malate ako. Ang taas na ng sikat ng araw at dali dali akong naligo na halos tatlong buhos lang ng tabo ang ginawa ko at umalis na sa banyo. Dali dali ko ring kinuha ang damit kong di pa naplaplantsahan at di na tiningnan kung nakabutones ito ng husto at sinuot na ang short ko bago pants ko. Patakbo akong pumunta sa kusina at dumampot ng isang pirasong tinapay at tumakbo na sa labas ng bahay na di pinapansin ang sinasabi ng aking magulang.
Di ako nahirapang kumuha ng tricycle dahil may nakaparadang tricycle sa kanto.
Tumigil na ang tricycle sa harap ng school namin nang biglang magsalita si kuyang driver.
"Yung zipper mo boboy, lumipad na si birdie" saad niya saka umalis.
Napatingin ako agad sa zipper ko at nakaopen nga ito.
"Jusko, nakakahiya ka naman Roweno" saad ko sa sarili ko.
Inayos ko ang pagkakasuot ko ng uniporme ko bago ako pumasok sa loob ng campus.
"Opps tigil" saad ni Kuya Lino ang aming Security Guard.
"Bakit kuya? Late na po ako oh papasukin niyo naman na po ako" pagmamakaawa ko.
"Yung damit mo muna paki ayos tsaka anong oras pa lang oh, 6:20 pa lang aga mo ata?" Saad ni kuya Lino dahilan para mapatingin ako sa selpon ko.
Napakamot ako sa ulo ko ng wala sa oras.
"Ay sige na pumasok ka na" saad ni kuya Lino kaya dali dali akong naglakad papuntang classroom.
Pagkadating ko sa classroom namin ay humihikab pa ako kaya naisipan kong umidlip muna saglit dahil maaga pa naman.
Pagkapikit ko ay isang sereno ang nakita ko na patalon talon sa dagat.
"Elmo mahal ko halika at tingnan mo ang anak natin" saad ng isang babaeng maputi na may hawak na sanggol.
"Oh jusko Lhea ang ganda naman ng anak natin. May mapupula siyang labi na parang iyo, may bughaw itong mata na tulad rin sa iyo at ang gintong buntot nito na kakaiba" sambit ng isang lakakeng may korona aa ulo.
"Isa siyang kakaibang sereno mahal ko kaya dapat pangalagaan natin ng husto si Tide" saad ng babaeng sirena na si Lhea.
"Saan mo nakuha ang pangalan niya mahal ko?" Tanong ni Elmo.
"Hindi mo ba naaalala mahal ko? Ipinanganak ko siya sa mismong Tide Ceremony at saktong pagkataas ng liwanag ay isang iyak ng bata ang unang narinig ko" pagkwekwento naman ni Lhea.
Hinaplos ng sirenong si Elmo ang buhok ng kanyang anak na si Tide at saka marahang hinalikan ito sa kanyang noo, lumiwanag ang noo ni Tide at nagpakita ang isang simbolo na bituin sa kanyang noo.
"Mula ngayon meron ka ng kapangyarihang kontrolin ang karagatan anak ko" sambit ni Elmo.
Unti-unting gumagalaw ang panaginip ko at may naririnig akong sigaw ng isang lalake.
"Huy tol! Gising na tol!" Saad ni Jibb saka muli akong niyugyog.
"Ano ba inaantok pa ako Jibb, please lang kulang tulog ko kagabi" sagot ko.
"Alam ko tol kaya dinala kita rito sa clinic" pagkasabi niyang yun ay lumaki agad ang aking mata.
"HA??? BAT AKO NANDITO???" sigaw ko na agad niya ring tinakpan ang bunganga ko.
"Wag ka ngang sumigaw diyan tsaka si Sir Tungcul ang nagsabi na dalhin kita rito kasi halata raw na pagod ka at namumutla kaya dinala na kita rito, hindi para ikaw ay matulog dito mag isa dapat ako rin!" Kwento niya na tinawanan ko na lang.
YOU ARE READING
Sea You Soon (Completed-Unedited)
FantasyIsang lalake na mahilig pumunta sa karagatan para makapag isip at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin hanggang sa dumilim ang paligid Isang lalakeng serena na mahilig tumanaw sa kagandahan ng siyudad na kahit labag sa kalooban ng kaniyang ama n...