"Kamusta ka na pala?" Tanong ng Inay.
"Ayos naman ako Inay" nakangiting saad ko.
"Alam kong mahirap pa rin sayo ang pagkawala niya pero pakawalan mo na siya anak ko, sampung taon na anak. Pakawalan mo na siya sa puso mo" sambit ni Inay dahilan para matahimik ako.
Oo namatay si Owen dahil naubusan siya ng dugo, sinubukan ko pa gamitin ang kapangyarihan ko pero wala itong nagawa. Tanging alaala at imahinasyon na lang ang kasama ko para makayanan ang pangungulila ko sa kanya.
"Siguro oras na ulit para puntahan mo siya sa kanyang libingan anak" sambit naman ni Itay na ikinangiti ko.
Simula nung nawala si Owen ay tanging pagpunta na lamang sa kanyang libingan ang aking kayang gawin. Ano pa ba ang kaya kong gawin? Wala naman na siya, wala na yung Owen na dinadalhan ako ng pagkain sa dalampasigan, wala na yung Owen na aalagaan ako, wala na yung Owen na handa akong turuan maglakad, wala na yung Owen na mahilig kumuha ng litrato naming dalawa, wala na yung....... Owen na pinakamamahal ko.
Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang sampung taong wala siya sa piling ko. Nakayanan ko lang ata yun dahil yun ang hiling ng mga magulang niya. Ang kalimutan at palayain na siya sa isip at puso ko.
Andito ako ngayon sa malaking bato kung saan doon siya nagtapat ng kaniyang tunay na nararamdaman. Kahit hindi ko pa nasasabi ang matamis kong OO sa kanya ay masaya pa rin ako dahil buhay pa rin ang matatamis na memorya namin.
"Bakit hindi ka tumupad sa usapan, Owen?" Yan ang parating sinasabi ko na kung kailan ang ganda ng pangako niya sa akin ay doon pa napako.
"Ang ibang pangako ay dapat mabasag" saad ng pamilyar na boses sa tabi ko.
"Pero bakit mo ako iniwan?" Tanong kong muli.
"Hindi kita iniwan Owen, andito pa rin ako ngayon sa tabi mo. Hindi ako makapunta sa pupuntahan ko dahil meron pa rin ako sa puso at isip mo, palayain mo na ako Love" sambit niya.
"Paano? Paano kita kakalimutan? Sa dinami rami ng matatamis na alaala natin sa tingin mo makakalimutan pa kita?" Saad ko.
"Sampung taon na ang nakalipas, Tide. Sampung taon na rin ako dito sa tabi mo, oras na para palayain ako. Mas lalo ka lang mahihirapan kung hindi mo pa ako kakalimutan, alam kong marami tayong pinagsamahan pero iukit mo na lang yun sa puno na malapit sa aking libingan." Sambit niya at doon naglaho ang kaniyang anino.
Seryoso akong nakatingin ngayon sa papalubog na araw nang maalala ko ang isa sa hindi ko makakalimutang nangyati sa amin.
Ang unang halikan namin.
Napahawak ako sa aking labi at habang pumapatak ang aking luha ay kasabay nun ng paglubog ng araw.
"Siguro oras na nga na kalimutan kita" saad ko saka lumangoy pa punta sa lupa.
Sumakay ako ng tricycle at habang papunta kami sa sinabi kong lokasyon na idala niya ako doon ay naalala ko na naman ang eksena rito sa tricycle.
Ang unang beses na tumapak ako sa mundo ng mga tao.
Habang tumitingin sa mga ilaw na nalalagpasan namin ay natanaw ko na ang sementeryo.
"Manong dito na lang po ninyo ako ibaba" saad ko kay kuya.
Agad niya naman pinarada sa gilid, inabot ko ang aking bayad at nagsimula ny maglakad. Mas gusto kong dumaan dito sa likod ng sementeryo dahil malapit rin naman doon ang libingan niya.
Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Sam na tagapaglinis ng sementeryo.
"Napahuli na po ata ang dalawa ninyo Kuya Tide" sambit niya saka ngumiti.
"Kaya nga, medjo natagalan rin kasi ako" pagrarason ko.
Nakilala ko si Sam nung araw na todo iyak ako sa libingan ni Owen. Nagulat pa nga ako ng biglang magsalita siya sa likod ko, doon ay kinuwento ko sa kanya ang lahat at doon niya ako pinatahan.
Labing dalawang taong gulang pa lang si Sam pero dahil kailangan niya ng pera sa pag aaral niya ay nagtrabaho siya dito.
"Bakit andito ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Ay kuya Tide nag upgrade na ang trabaho ko hehe, hindi lang ako taga linis ngayon taga bantay na rin po ako!" Masayang sambit niya.
"Bantay? Sino namang babantayan mo rito?" Tanong sa kanya.
"Ay hala nakalimutan mo na ba kuya? Binabatayan ko si Mama, Papa, Kuya,at Ate rito hshshs" sambit niya saka mapait na tumawa.
"Sorry" saad ko.
"Naku walang ano man kuya" sambit niya.
"Halika na, idala na kita kay Mr Right" pag aya niya sa akin na ikinatawa ko.
Habang naglalakad kami ay kinuwento niya sa akin kung paano palayain sa puso at isip ang taong mahal mo. Ngayon ay medjo nakaluwag na ang aking pag iisip dahil sa sinabi niya. Sinahaman niya rin ako na dalawin si Owen dahil baka raw makidnap ako dahil sobrang ganda ko daw ang kaso lang daw lalake ako.
Pagkatapos kong dalawin si Owen ay inaya ko si Sam na sumama sa akin at dalhin na ang kanyang gamit ka sa kanya.
"Asan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong niya.
"Basta" maikling saad ko saka bumaba sa mansyon nila Owen.
"Anong ginagawa natin dito kuya?" Tanong niya ng makababa na kami sa tricycle.
"Ito na ang bagong bahay mo Sam at yung babae doon na nakatayo ay ang bago mong Mama, ang nakatayo naman na lalake at isnag babae sa tabi niya ay ang bago mong Papa at Kapatid" saad ko na tumingin siya sa akin.
Habang nag iimpake siya ay tinawagan ko si Tita na kupkupin si Sam dahil wala siyang permanenteng tahanan, naawa ako sa kanya dahil nag titiis siya sa sirang kubo na tumira.
"Kuya wag mong sabihin...." Naiiyak na sambit niya.
"Oo, yan na ang bago mong pamilya na kukupkop sayo. Yan na rin ang bayad ng pagiging mabait mo sa akin" saad ko na niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak.
"M-maraming salamat, kuya" sambit niya na mangiyak ngiyak pa rin.
"Walang ano man, basta magpapakabait ka ah? Wag mo silang papaiyakin sa katigasan ng ulo mo ah?" Saad ko na ikinatawa niya.
"Joker ka rin pala kuya" sambit niya ng lumapit si Everest sa kanya.
"Uy! Ikaw si Sam diba? Yey! May baby sister na ako hehe, halika na at kakain na tayo. Ikaw ba kuya Tide? Sasama ka na kumain" sambit ni Everest.
"Hindi na Everest, hinahanap na rin ako nila Itay" saad ko.
"Sige kuya, ingat ka!" Sambit niya saka binuhat ang gamit ni Sam habang si Pearl naman na kapatid ko ay hinila na siya sa loob.
Ako naman ay dali daling tumalon sa tubig at lumangoy na sa kaharian namin.
"Sea You Soon, Owen" sambit ko bago tuluyang pumasok sa kaharian namin.
YOU ARE READING
Sea You Soon (Completed-Unedited)
FantasyIsang lalake na mahilig pumunta sa karagatan para makapag isip at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin hanggang sa dumilim ang paligid Isang lalakeng serena na mahilig tumanaw sa kagandahan ng siyudad na kahit labag sa kalooban ng kaniyang ama n...