PAGKABABA namin sa tricycle ay agad naming natanaw ang mansyon namin.
"Andito na tayo Tide" sabi ko na nakita kong nakangiti siya sa papalubog na araw sa dalampasigan.
"Ang sarap pala sa pakiramdam na makatapak sa mundo ng mga tao" sambit niya saka nakangiting tumingin sa akin.
Ilang segundo kaming nagkatitigan ng ganun bago ito pinutol ng boses ng isang babae.
"Kuya halika na rito! Naghihintay sila mommy!" Sigaw niya na galing sa balkonahe.
"Uhm punta na tayo sa bahay?" Tanong ko saka ko inilahad ang kamay ko.
Tinitigan niya muna ako at muling tumingin sa araw na unti unti ng nawawala saka ibinigay ang kamay niya sa nakalahad kong kamay.
Hinawakan ko ito ng husto na parang ayaw ko na itong bitiwan at hawakan na lang ito habang buhay.
Habang papalapit na kami sa mansyon ay inaalalayan ko siya sa bawat hakbang niya dahil minsan ay natatapilok ito.
"Dahan dahan lang sa paghakbang Tide, wala namang humahabol sayo" natatawang sabi ko sa kanya ng kusa siyang bumitaw sa akin.
"Alam ko Owen basta tingnan mo, makakapaglakad na ako mamaya ng daretso tulad mo" saad niya na ikinangiti ko.
Dahan dahan nga itong naglakad at sa bawat hakbang niya ay nag iimprove ito.
"Owen tingnan mo oh! Nakakalakad na ako ng husto!" Sigaw niya saka tumakbo sa akin at niyakap ako.
"Sabi ko mag ingat ka eh tsaka tingnan mo oh pawis na pawis ka na" sambit ko saka kinuha ang pamunas ko sa bag ko.
Tinaas ko ang buhok niya saka pinunasan ang muka niya na punong puno ng pawis.
Habang pinupunasan ko siya ay hindi ko matanggal ang mata ko sa mapupula niyang labi. Parang may tumutulak sa akin na halikan ito pero meron rin nagsasabing wag.
Pagkatapos ko siyang pinunasan ay naglakad na kami papunta sa mansyon. Di na ako nagtaka dahil mukang napractice niya na nga talaga ang paglalakad ng tuwid at di na ito natatapilok.
Napatingin ako sa balkonahe ng mansyon namin at nakitang andun ang kapatid kong si Everest na mukang nageenjoy sa panonood sa amin.
"Baka malusaw kami sa panonood mo dyan ha!" Sigaw ko na nanakbo papasok sa loob ng mansyon.
Tinawanan ko na lang siya dahil kahit kailan nahihiya ito kapag nahuhuli siya at tumatakbo kung saan maitatago niya ang kanyang muka sa hiya.
Naputol ang pagmumuni ko ng biglang may sumigaw. "Owen andito na ako sa harap ng mansyon ninyo oh! Sabi sayo eh! Makakalakad ako ng straight kung tututuan mo ako!" Dareretsong sigaw niya habang tumatakbo ako papunta sa kanya.
Naku patay ako kapag nalaman ni mama na nagdala ako ng stranger sa bahay namin naku naku paano na ito? Teka nga lang! Hindi stranger si Tide!
"Ambagal mo naman tumingin sa dalampasigan, may naaalala ka ano?" Tanong ni Tide.
"H-ha? W-wala ahh ehh nag iisip lang na baka magalit si mama na hindi oo sinabing may dinala akong bisita ko aheheheheh" kamot ulong paliwanag ko.
"Nakita naman tayo ng babae na nasa itaas ng bahay niyo kanina diba? Edi hindi magagalit mama mo" nakangiting sambit niya.
Sana nga sana....
Pagkarating namin sa pintuan ng bahay namin ay abot kaba ang nararamdaman ko. Iba kasi magalit si mama, kubg yung iba tigre magalit si mama dragon kung magalit.
lumalaki kasi yung ilong HAHAHAHAHAH
Bumukas agad ang pinto at ang kapatid kong babae ang nagbukas.
YOU ARE READING
Sea You Soon (Completed-Unedited)
FantasyIsang lalake na mahilig pumunta sa karagatan para makapag isip at makalanghap ng sariwang simoy ng hangin hanggang sa dumilim ang paligid Isang lalakeng serena na mahilig tumanaw sa kagandahan ng siyudad na kahit labag sa kalooban ng kaniyang ama n...