Kabanata 3

5.5K 222 54
                                    

Gael Adivino Point of View

Magaan kong sinuot ang aking tsinelas sa aking paa, magaan kong inayos ang aking mga ginamit pang-tulog, at magaan akong naglakad palabas ng maid quarter. Ginawa ko lahat iyon upang hindi ko magising at maabala ang tulog ng aking mga kasama sa kuwarto.

Tatlong double deck ang nasa kuwarto namin, lima lamang kami roon at hindi namin kasama si Madam Rosario. May sarili itong kuwarto malapit lang din sa amin, siya ang nagche-check sa aming mga kasambahay kung tulog na ba o hindi pa.

Four pa lang ng umaga ngunit gising na 'ko, naghanap ako ng harina dahil gagawa ako ng bilo-bilo. Marunong ako magluto, sa totoo pa nga nito'y ako ang naghahain sa aming tahanan noong nasa amin pa 'ko.

Ginawa ko ang dapat gawin, natapos ako sa aking ginagawa makalipas lamang ang ilang oras. Niligpit ko ang aking mga ginamit kanina at hinugasan lahat iyon, muli kong nilingon ang orasan na nasa dingding at nakita kong alas sais na ng umaga.

Mainit pa ang niluto ko, sakto iyon para sa almusal ng aking mga amo. Kung papalarin ay makakakain din kami kung may matitira. Hinugasan ko ang aking kamay at handa ng bumalik sa aming kwarto upang makapaghanda na 'ko ng sarili ko. Ngunit agad akong nagtago sa isang sulok noong marinig ko ang ilang mga yapak akong narinig papasok sa kusina.

Si Lady Priscilla. . .

Binuksan nito ang sliding door sa kusina, lumipad naman ang kaniyang buhok dahil sa hangin na sumalubong sa kaniya sa kaniyang paglabas. Lumabas ako sa aking pwesto at dahan-dahan na lumapit sa pintuan, lumabas ako roon at nakita ko si Lady Priscilla na magaang naglalakad papunta sa pangpang.

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa pintuan at dahan-dahang gumalaw ang aking katawan, naglalakad ang mga paa ko para sundan si Lady Priscilla. Sundan ito at gusto makita kung saan siya tutungo. . .

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to, hindi ko 'to ginagawa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakasunod ako sa kaniya, kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong gawin ang nasa isip ko.

Sinundan ko siya hanggang sa makalayo kami sa mansyon, hanggang ngayon ay sinusundan ko pa rin siya at hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya 'ko pinapansin. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumayakap sa aming dalawa ni Lady Priscilla, ang alon naman ang nagsisilbing musika sa aming dalawa. Ang ganda at sarap kasi niyon pakinggan at panoorin, para ba nito kaming sinasabihang sumayaw kasabay ng hampas ng hangin.

Napansin ko naman si Lady Priscilla na pumunta sa likuran noong malaking bato, bumagal ang paglalakad ko. Humawak ako sa bato at unti-unting sumilip doon, nangunot naman ang aking noo dahil wala akong nakitang Lady Priscilla.

Wala roon ang aking amo. . .

Wala roon ang sinusundan kong tao, wala roon ang taong dahilan kung bakit ako naririto.

Lumabas ako sa batong pinagtataguan ko at pumunta malapit sa tubig, nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga si Lady Priscilla. Saan siya nagpunta? Bakit wala siya rito? Paano nangyare iyon? Patuloy akong naghahanap sa kaniya, imposibleng wala siya rito. . .

"Are you following me?" Halos matigalgal ako dahil sa taong nagsalita mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong humarap at mas lalong nanglaki ang aking mga mata, napa-awang ang aking labi dahil sa gulat. Nasa likuran ko lang naman ngayon ang taong sinusundan ko lamang kanina, nakatingin na siya sa akin ngayon ng seryoso at para nanamang hinahalungkat ang aking pagkatao.

"Lady. . . Lady Priscilla," tawag ko sa kaniyang pangalan.

"Are you following me?" Parang sirang plaka niyang ulit sa kaniyang tanong, taas noo niya 'kong tinitingnan. Para niya 'kong hinuhusgahan kahit hindi naman.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now