Kabanata 25

4.4K 161 94
                                    


"Hmm. . ." boses na galing sa akin nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw, masakit iyon sa mata ngunit at least aware akong buhay pa rin ako.

Umagang-umaga ay napapabuntong-hininga ako, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pagod ako dahil na rin sa hindi ko inaasahan na nangyare.

Wala sa oras kaming nagkita lahat, wala sa oras kong nakita ulit si Priscilla. Pero kailan ba dapat? May date ba dapat para makita ko siya? May oras ba na naka-schedule para muli naming pagkikita?

Siguro ito na talaga ang mangyayare, hindi dahil sa oras kundi dahil ito na talaga ang nakatadhana sa aming dalawa, hoy?! Kimmy!

Naramdaman ko naman ang maliliit na braso na yumakap sa 'kin, kaya naman napangiti ako at niyakap si Dos pabalik. Inabot ako ng ilang minuto na nakayakap sa anak ko, hanggang sa napagdesisyonan kong tumayo na para asikasuhin ang almusal ng anak ko.

Inayos ko ang pinaghigaan ko at nilagyan ng unan ang gilid ng kama, proteksyon para hindi malaglag si Dos sa kama. Lalo pa at makulit matulog ang batang 'to, mas maayos na ganito.

Pumunta ako sa kusina para magbati ng itlog, pagkatapos no'n ay lumabas naman ako sa labas kung saan ang lutuan namin. Kadugtong lang 'yon ng bahay pero open area siya, kaya kitang-kita kami sa labas kung may tao man na dumaan.

Kinuha ko naman ang kanin na nasa kaldero saka 'yon nilagay sa kawali kung saan ko niluluto ang itlog na binati ko, hinalo ko 'yon ng hinalo hanggang sa matapos.

Pumasok ako sa kusina saka ako kumuha ng dalawang pinggan, bumalik ako sa lutuan at nagsandok doon. Tinakpan ko rin iyon pagkatapos at muling pumasok sa loob ng bahay, nilapag ko 'yon sa lamesa.

Bumalik naman ako sa kwarto at hinalikan ang anak ko sa kaniyang noo, hinalikan ko pa ito sa pisngi ng paulit-ulit para magising ito. Hindi naman ako nagkamali sa ginawa ko, wala pang ilang minuto ay nagmulat na ng mata ang anak kong babae.

"Mama ko. . ." mahinang tawag sa akin ni Dos at niyakap ang leeg ko.

Napangiti naman ako.

"Mag-almusal na tayo, anak. Tumayo ka na hmm?" Wika ko naman.

Agad naman na tumango-tango ang anak kong si Dos saka ako binitawan, naka-ngiti akong hinalikan sa pisngi ang anak ko. Pero habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay napatigil ako dahil sa katok galing sa labas, nilingon ko si Dos.

"Tumayo ka na, pumunta ka na sa kusina. Nando'n ang pagkain mo, nakahanda na." Utos ko sa kaniya, pumikit naman ito at plano ko sanang kulitin pa ito pero muling may kumatok.

Kaya naman tumayo ako at lumabas sa kwarto naming mag-ina, sa pangatlong pagkakataon ay kumatok nanaman ang taong nasa labas sa aming pintuan.

"Sandali lang," saad ko sa mababang boses.

Sinimulan ko naman ng i-unlock ang pintuan namin, apat na lock ang meron kami para sa safety namin. Saka ko 'yon binuksan, pero halos manlumo ako sa taong kanina lang ay nasa likuran ng pintuan na ito.

"Hi. . ."

"Ano ang ginagawa mo rito?"


Nasa terrace na kaming tatlo at dito na rin kumakain ng umagahan si Dos, paanong hindi? Nakita niya rin ang taong nasa harapan ko, sabi niya isabay na raw namin sa umagahan namin at dito na lang kami.

Sa una ay ayoko, sino ba kasi siya para makisali sa amin? Mag-inang almusal dapat 'to. Hindi naman siya kasama sa pamilya.

Nakatitig lang naman ako ng blangko kay Priscilla, inosente naman itong nakatingin sa akin. Nakakapagtaka, hindi siya lumalandi ngayon. Dahil siguro kay Anton? Pero bakit wala siya rito? Hindi na ba siya mahal? Hoy!

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now