Kabanata 27

3.8K 111 62
                                    

S P G | W A R N I N G : Ang parteng ito ay bahala ka na kung babasahin mo o hindi dahil allergic ka sa ah-ah. Buhay mo naman 'yan, basta nag-warning ako. ⚠️ ⚠️ ⚠️







“Gael?” Rinig kong tawag sa akin ni Priscilla habang naglalakad kami pauwi, tapos na ang birthday party ni Kapitan. Hindi naman ako tumigil sa paglalakad, ramdam ko ang titig sa akin ni Ace ngunit hindi ko naman iyon pinansin.

Karga ko si Dos, nakatulog na ito dahil na rin sa kaniyang pagod kakalaro kasama ang ibang bata. Natatanaw ko na rin ang aming bahay.

“Gael, let's talk. . .” muling saad ni Priscilla, noong malapit na kami sa bahay ay tumigil naman ako sa paglalakad.

Hinarap ko si Ace, si Ace na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pagtataka.

“Sa inyo muna matulog si Dos,” ani ko.

“Ha? Bakit?” Takang komento ni Ace sa akin, seryoso ko lamang itong tiningnan at binigay ng dahan-dahan sa kaniya ang anak ko.

Wala naman itong nagawa noong nasa kaniya na si Dos, takang-taka pa rin ito. Magsasalita pa sana ito ngunit agad ko rin siyang sinenyasan na umuwi na siya sa kanilang bahay kasama ang batang karga niya.

Ngumiti ako sa kaniya, dahil doon ay dahan-dahan na itong naglakad papalayo sa aming dalawa. Pinanood ko lang silang makapasok sa bahay nila Ace, nang maisara na niya ang pintuan ay nilingon ko si Priscilla.

Nahuli ko itong nakatingin sa akin, sobrang amo ng kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganito siya tumingin, hindi ganito ang normal niyang titig.

“Ano ang gusto mong pag-usapan?” Tanong ko sa kaniya.

Huminga naman ito nang malalim at saka yumuko, ngumisi ito ng matunog ngunit halatang pilit.

“I. . . I just want to say-- to say something. . .” mahina ang kaniyang boses noong sabihin niya ang mga katagang iyon.

“Ano 'yon?” Tanong ko nanaman rito, tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo sa aking bahay. Nararamdaman ko naman na sumusunod siya sa akin, hindi ko kailangan mag-alala.

Binuksan ko naman ang pintuan ng bahay, muli akong humarap sa kaniya.

“I-- I m--” hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil puro ito putol-putol.

“Hindi kita maintindihan, Priscilla.” Seryoso kong tugon.

Tumitig siya sa akin ng matagal, ngunit ang sunod niyang ginawa ay ang nagpagulat sa akin. Sa isang segundo, hindi ko inaasahan na hahalikan ako nito.

Ang halik na iyon ay tumagal ng ilang minuto, sa gulat ay hindi ko nagawang itulak ito at magreklamo. Humiwalay siya sa akin at ngumiti ng malungkot, isang luha naman ang tumulo sa kaniyang pisngi.

“I miss you, Gael,” mahina niyang saad.

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil na rin sa labis na gulat, iyon ay sobrang bilis.

“Para sa-- saan 'yon. . .?” Tanong ko sa kaniya, gulat na gulat pa rin ang aking buong sistema. Sa tagal ng panahon na lumipas, naramdaman ko nanaman ang kaniyang malambot na labi.

Ang puso ko ay hindi nanaman normal ang takbo, hindi ko lubos na inaasahan at inakala iyon.

“Gael Isabel. . .” muli nanaman niyang tawag sa akin.

Sa ginawa niyang iyon ay para akong baliw na bumalik nanaman ang gigil, nangunot ang aking noo.

Ngayong gabi, naramdaman ko ang kaniyang labi, ngayong gabi. . . tinawag niya nanaman ako sa Isabel, sa pangalan na palagi niyang tinatawag sa akin dahil sobrang ganda raw nito.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now