Kabanata 6

5.3K 215 99
                                    


"Are you really sure you want to go with us, Priscilla?" Ulit na tanong ni Madam Rosario sa taong nasa tabi lang niya.

Kanina pa niya tinatanong ng paulit-ulit si Lady Priscilla, nagtataka at nais makasigurado sa nais ng kaniyang amo. Ngunit katulad lamang ng sagot ni Lady Priscilla kanina ay iyon din ang sinagot sa kaniya nito.

"Yes," yes ulit.

Tiningnan siya ni Madam Rosario ng matagal, nakakunot ang noo at seryosong nakamasid kay Lady Priscilla. Bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang pagtataka, sino ba ang hindi magugulat? Ang aking buong pagkakaalam ay hindi naman umaalis sa mansyon si Lady Priscilla, para bigla na lamang siyang sumama sa amin kanina.

The truth is siya pa ang naunang pumasok sa kotse, at nagmamadali na tinawag kami.

I saw Lady Priscilla looked at her, the frustration is still visible on her eyes. Madam Rosario and I are aware that she's bad mood.

Hindi ko alam kung tungkol pa rin ba iyon sa kanina o may mas malalim pa iyong dahilan, ilang beses ng sinabi sa akin no'ng isip ko na patungkol iyon sa kanina ngunit ayoko rin naman maniwala. What if mayroon pa pala siyang kinaiinisan? Edi nag-assume ako.

"What are you looking at?" Matapang na tanong ni Lady Priscilla kay Madam Rosario.

"Hindi ka lumalabas ng bahay, Priscilla. Ano ang naisipan mo at sumama ka?" Muling tanong ni Madam Rosario.

"Gusto ko lang. . ." hindi maituloy ni Lady Priscilla ang kaniyang gusto niyang sabihin.

"Gusto mong? Ano?" Wika ni Madam Rosario.

"Samahan si Gael." Walang atubiling sambit niya.

Nagtaas noong kilay si Madam Rosario, "Dahil sa kaniya? Dahil lang doon? Hindi naman mawawala 'yan."

"Eh sa gusto ko! Bakit ba?!" Imbes sagutin si Madam Rosario sa kaniyang tanong ay ganoon ang sinaad ni Lady Priscilla.

Nanlilisik ang kaniyang mga mata, galit na galit talaga ang mga ito. Handang sumabak sa giyera ang datingan, handang maki-resbak.

"What? What did I do again?" Nagtatakang nakipagtitigan si Madam Rosario sa kaniyang kausap. Pinagtatanggol ang kaniyang sarili.

"You!" Sigaw ni Lady Priscilla, ito nanaman ang pagtaas noong boses niya. Kanina pa siya sumisigaw, masisira na ang eardrum ko.

"Anong kasalanan ko?!" May kataasang tono rin na tanong ni Madam Rosario.

Tangina. . .

Napapapikit na lang ako sa kanilang sigawan, wala akong magawa. Mukhang hahayaan ko na lang ang sarili ko, na mawalan ng pandinig dahil sa kanilang dalawa.

Sa sigawan nila mula kanina, mula sa tanungan nilang pasigaw at iba pa? Ay nasa gitna nila, ako ang sumasalo sa malalakas nilang tinig, para silang bumibirit.

Para silang nasa isang concert, na kung saan pataasan noong boses. Manalo o matalo. Habang ako naman ang audience nila, handang masira ang eardrums para lang sa kanilang dalawa.

"You interrupted us!" Muling nagsalita si Lady Priscilla.

"Who?!" Laban naman ni Madam Rosario.

Ang kawawa kong mga tainga. . .

"Us! Me and Gael!" Banggit niya sa pangalan ko.

"Tinawag ko lang naman siya!" Para silang mga bata na sumisigaw, parang hindi nagkakaintindihan kaya kailangan magsigawan.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now