Kabanata 12

4.6K 169 21
                                    

"D'yan na lang sa tabi," sabi ko kay Lady Priscilla.

Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse ni Lady Priscilla, pinarada niya ang kaniyang kotse sa isang tabi kung saan malayo-layo pa sa aming bahay. Maraming hakbang bago ang bahay namin, ang mismong tinutuluyan namin na tahanan.

Hindi naman ako makatingin sa kaniya, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang nangyare sa amin kahapon.

Nakakahibang ang oras na iyon, nabaliw ako at hindi agad ako nakaalis o nakalayo sa kaniya. Oo na, aaminin ko na talaga. Nagustuhan ko, sobra ko iyong nagustuhan.

May parte sa aking isip na pinapagalitan ang aking sarili, dahil pareho kami ng kasarian. Ngunit ang kabilang parte naman ng isip ko ay sinasabi, na ano ang masama? Ano ang masama kung gawin namin ang bagay na iyon? Kung wala naman ang nakakakita, bakit hindi?

"Love isn't all about gender,"

Naalala ko nanaman ang mga salitang binanggit at sinabi sa akin ni Heather, love is not all about gender. But what we did yesterday was not all about love, we did it for her passion. We did that because she'll going to paint me and herself.

No love, just for her painting. Nothing more, nothing. . . less.

"Are you excited?" She asked.

She opened a topic, I know she felt me. Being shy and bothered? Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya, nahihiya ako at sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay nabo-bothered ako na baka napilitan lang siyang gawin 'yon.

Na sana ay hindi. . .

Yes, I admit that I'm hoping that she like it too. She love what we did yesterday, kapag naiisip ko na hindi ay para akong sinasakal. Umaasa ako sa isang bagay, na hindi ko alam kung bakit nagagawa kong asahan.

For what? Ano ba ang rason ko para maramdaman ko ito? Hindi dapat ako umaasa sa isang. . . kabaliwan o isa nga ba iyong kabaliwan.

We're both woman.

Oh please, Gael! I said stop saying that, stop the unreal line of yours! But somehow, my mind was right. We're both woman, I don't know why kung bakit pinapagalitan ko ang sarili ko't ayaw ko ng sabihin iyon ngayon.

Nababaliw na ba 'ko? Hindi na ba 'ko normal?

"Hey, are you alright?" Muli niyang tawag-pansin sa akin, napadila ako sa aking labi at tumango sa kaniyang tabi, "answer me properly." Madiin ang kaniyang boses, nang sabihin niya sa akin iyon.

"Ayos lang ako, Lady Priscilla." Tapang-tapangan kong sagot sa kaniya, kahit na ang totoo ay gusto ko na lamang maging parte ng upuan na kinauupuan ko dahil sa isang kahihiya na ginawa ko sa kaniya.

Hindi, na siya ang may gawa. Puwede rin naman na kaming dalawa, pero hindi. Dapat siya lang, siya ang humalik sa akin.

Tahimik sa pagitan namin dalawa, kinukutkot ko lamang ang kuko ko na nakapatong sa aking mga hita. Tanging ang aming pinagsasaluhan na hininga na lamang ang aking naririnig, nakakabingi ang pagiging tahimik sa loob ng kotse na ito.

"Are you mad?" Bigla-bigla ay tinanong niya 'ko no'n.

"Hindi," mahina ang boses kong tugon sa kaniya, bilang aking sagot sa kaniyang tanong.

"Then what?" Normal na lamang talaga sa kaniyang tono, ang para ba itong naghahamon ng isang away dahil sa pagiging mataray niyang pagsasalita.

No doubt kung bakit ganoon ang kilos ng kaniyang mga kaibigan, dalawang beses ko pa lamang silang nakikita at nakakasama pero ramdam ko na agad na may kinakatakutan sila sa circle of friends nila. At sa tingin ko ay si Lady Priscilla iyon.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now