CHAPTER 3

15 3 1
                                    


                         ~• Maddy •~

Today, ay araw.

Naka-check in ako sa isang five star hotel dito sa Manila, malapit sa white house ng Presidente na tanaw ko mula bintana ng hotel suite na tinutuluyan ko.

Kung malaki ang buong hotel na to, sampung beses na mas malaki ang white house. It looks so classy and screams royalty.

I can't help but think to myself, what kind of life do they have inside there? Paano kaya manirahan ang isang Prinsipe Axel Jayden De Villa, na nag-iisang anak na lalaki ng Presidente?

It seemed so good to imagine those marble floors, wide hallways shimmering in various gems, the grand staircase na sa sobrang laki na kala mo isang Titan ang bababa.

Iyan ang mga nasa isip ko habang naliligo para pumasok na naman sa aking exhausting yet fun job. Kung hindi ko lang talaga mahal ang ginagawa ko baka matagal na rin akong naumay sa trabaho ko.

Habang nag-aayos ako ng sarili, laking ngiti ko nang makita ang pangalan ng tumatawag sa cellphone ko.

It's Tovy, my boyfriend.

I've been dating Tovy for several months at siyempre, secret lang ang relasyon namin. Walang kahit sinong nakakaalam, kahit ang pamilya ko, maliban sa bestfriend kong si Monica.

It was strictly prohibited in our agency to have relationships due to the chances of "distraction" and hindrance to our career. That's why I chose to keep our relationship private.

Sinagot ko ang tawag at bumungad ang good morning at I love you combo niya.

"Babe, huwag ka sana magalit pero can I borrow money from you? Emergency lang talaga."

"Pero babe, I just lended you money a week ago, para saan ba?" tanong ko sa isang mahinhin na tono.

"Pangtubos ko sana sa motor ko babe. Pero sige, okay lang, naiintindihan ko naman kung hindi valid sa'yo yung dahilan ko.'Di ko naman kailangan ng motor" malungkot niyang sabi kaya naman kahit alam kong medyo gipit ang savings ko ngayon, binigyan ko siya ng 20k.

"No, no, I understand. Here, I just sent you 20 thousand pesos. Receive mo na lang later ha? I love you." I said in a sweet voice.

"The best ka talaga babe! Thank you!" sabi niya at pinatay ang tawag.

Masaya ako na narinig siyang masaya.

I got my self ready and went to work. Mag-geguest ako sa isang tv show ngayon dito sa Metro Manila.

I am now wearing a formal dress that's why I didn't have to worry about my belly and waist showing.

Nagsimula ang segment kung saan magbabasa sila ng mga comment ng netizens about sa akin at magrereply ako sa kanila.

"Grabe! Beauty and talent in one person! Sinalo mo na lahat Maddy!" basa ng host sa isang comment na galing kay @marisa910 at naka-flash sa malaking screen sa likod namin kaya naman kitang kita ng lahat ng nanonood live.

"Grabe naman 'yan Marisa hahaha pero thank you so much, I really appreciate it. God bless!" sagot ko sa comment niya habang nakaharap sa camera.

"How to be you po? Paano ba maging isang Maddyson Ramos?" comment naman ni @patricia001.

"Nako Patricia, hindi mo naman kailangang maging ako. Everyone of us have our own uniqueness and own beauties that make us shine. Kaya be yourself, there's no other you in this world." I genuinely said and smiled as if I was really talking to her. I wish they see and hear my answers to their comments because I really mean them.

Switch To MeWhere stories live. Discover now