CHAPTER 12

5 1 0
                                    

MADDY'S POV

I took a shower in the most luxurious bathroom I have ever seen.

My apartment was luxurious but this is... Super duper mega ultra luxurious!

Hindi sa OA ako, pero grabe! Pagpasok ko pa lang sa silver na pintuan ay bumungad agad sa akin ang ginintuang bath tub na kasinglaki ng king size bed ni Axle!

It was placed beside a large glass window in which people outside couldn't see me but I could see them.

On the right side of the bathroom was another door, which was the golden bowl.

Nakakahiya umupo.

While on the left side was a large walk in cabinet where all the most expensive products are.

The bottles are literally shining.

I took off my pj's and went to the large bath tub. I prepared a bubble bath which sent an unbelievably fragrant scent to my nostrils.

Hindi ko na lang tinignan ang hindi dapat tignan sa katawan ni Axle. But of course, I need to wash it.

Argh! Pagkadiin-diin ng pagpikit ko habang hinuhugasan yung ano!

Basta.

Ayoko magkasala.

Mabilisang sabon, banlaw, tapos!

Ang linis ng katawan ni Axle, walang ka-tattoo tattoo, walang peklat, pero may birthmark siya sa tagiliran.

Noong una akala ko dumi pero kahit anong kuskos ko hindi matanggal, birthmark niya pala. Parang triangle.

Natapos akong maligo at nagtungo na sa malaking walk in closet niya. We agreed that we should disguise ourselves para hindi kami agaw-pansin sa paparazzi.

I wore a black hoodie and a pair of pants. Nagsuot din ako ng black mask at nerdy glasses.

May grado konti. Pero parang mas naging komportable ang mata ko nang isuot ko ito. Ibig sabihin may grado ang mata ni Axle.

Wala ang parents niya kaya madali akong nakalabas. Ang ipinaalam ko na lang sa butler nila ay magpapahangin lang.

Bahala siya kung maniwala siya o hindi.

I didn't drive any of his cars. Sumakay ako ng taxi. Kapag kasi nag-drive ako ay baka may makakilala sa kotse niya. Dinala ko ang wallet niya kaya may dala akong cash. Alangan namang lalabas ako nang walang dala 'diba?

Pero hindi ko naman bubuksan hangga't 'di ko naipapaalam sa kaniya mamaya.

Bumaba ako sa mismong garden park. Binaybay ko ang stone pathway mula sa wooden gate na entrance. Sa gilid ng pathway ay may wooden fences na naghihiwalay ng daanan sa mga magagandang bulaklak sa paligid.

I walked towards the bridge running over the wide lake connected to a man-made falls behind the bridge. Mula dito ay tanaw ang halos buong garden na puno ng magagandang halaman na pumapaibabaw sa pinong damo.

Ang ganda... Sana.

Para kasing hindi na naaalagaan. Kaya siguro wala nang tao rito ay dahil parang sinarado na ang garden na ito at outgrown na ang mga halaman, pero hindi pa rin maitatanggi na napaka-calming ng vibes dito.

Itinukod ko ang dalawang braso ko sa railings ng bridge at dinamdam ang hangin sariwang hangin dito.

May mga kalat nga lang sa lake. Hays.

"Hey"

Bigla kong narinig ang mala-anghel kong boses.

"Huwag mo nga akong mahey-hey diyan! Ano ako, kabayo?"

Switch To MeWhere stories live. Discover now