CHAPTER 9

4 1 0
                                    

AXEL'S POV

"Sa dami ng damit ko sa closet ko, 'yan pa talaga ang napili mo? Ang baduy mo naman!"

What?!

I can't believe this woman!

Sa kabila ng nangyayari ngayon 'yan pa ang naisip niya?

"What the... What do you expect me to do? Dapat ba kahit stressed na stressed na'ko na na-stock ako sa panaginip na 'to at 'di ako magising-gising unahin ko pang mamili ng pinakamagandang outfit para sa katawang 'to na hindi naman akin? Sorry naman ha?"

Pero... Baduy ba talaga?

"A-ano? Panaginip? What are you talking about?"

"Isn't this a dream? Of course you would tell me this is real life kasi nga panaginip 'to! Bakit ba kasi ang tagal ko magisi--" hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang may palad na dumampi sa pisngi ko.

The heck? She just slapped me!

"Still dreaming?" the person infront of me said with crossed arms and one eyebrow lifted up.

Damn! I never imagined my self to look that good when raising an eyebrow!

Kasi hindi ko kaya.

Hawak ang pisngi kong halos mamanhid, salubong ang kilay na humarap ako sa kaniya.

"What was that for?!"

"I did you a favor. Ginising lang kita sa katotohanan na talagang nangyayari 'tong kabaliwan na 'to sa atin ngayon. You're not dreaming, stupid."

Sandali, sinong tinawag niyang stupid? Aba aba!

Iba din talaga ugali ng isang 'to eh.

"Ano ba kasi itong nangyayari sa'tin?" frustrated kong tanong.

"Bakit sa akin mo tinatanong ha? Ano ba kasing ginawa mo?" sagot niya sa akin.

"Aba malay ko! Sandali..." napaisip ako.

"Baka naman may something doon sa bag mo kagabi na binigay mo sa'kin kaya tayo nagkaganto. Kagagawan mo 'to 'no?" tanong ko sa kaniya.

"Hoy kuya! Ako na nga itong hinoldap mo ako pa ang pagbibintangan mo!" sagot niya at nauwi kami sa matinding sigawan.

"Sandali! Sandali! Hindi mareresolba 'to kung magsisigawan lang tayo dito!" sigaw ko sa kaniya at natahimik naman siya.

It's really weird to argue with someone who has my face. It's like talking to your reflection.

Huminga siya nang malalim at pinakawalan iyon.

"I think we really changed bodies." sabi niya.

"That's ridiculous! Napaka-imposible nan!" I answered.

"Oh ano pa palang ibang pwedeng mangyari sa atin kung hindi iyon? Ha?" mataray niya na namang tanong sa akin.

Bakit ba ang maldita nito?

"Mabuti pa pumunta tayo sa pulis." suggestion ko.

"Ano? Bakit pulis? Ano namang magagawa nila?" tanong niya sa akin.

"Malay mo lang naman! It's better than standing here arguing nonsense!" sagot ko.

Pumunta kami sa police station at pagkarating palang doon ay nagsitabi ang mga tao at agad kaming inasikaso ng mga pulis.

May mga lalapit sanang mga tao sa amin pero agad hinarang ng mga pulis. At narealize ko, andami na palang mga camerang nakatutok sa amin.

Hindi naman na bago 'to.

Switch To MeWhere stories live. Discover now