CHAPTER 6

14 2 0
                                    


                          ~• Axle •~

It's freaking Maddy Ramos! The famous pop-star and model!

Sa pamamagitan ng nag-iisang lamp post dito ay nakita ko din sa wakas ang mukha niya.

She's even more beautiful in personal! Even when she's soaking wet.

But what is she doing here?

"I-I'm sorry Miss Maddy. Seryoso ako ibabalik ko na 'tong hinoldap ko sa'yo. Sa iba na lang ako magre-request ng loan."

"What?" kunot noo niyang tanong at parang naiirita na sa'kin.

"Tsk. Are you also one of those vloggers with their silly pranks? Just please, leave me alone!" she said and walked pass me.

Just as her shoulder accidentally brushed mine, there was a sudden thunder which startled us.

But it didn't stop her to walk off and leaving me there all confused.

"Sandali, bakit ang sungit niya? Ibabalik ko na nga eh!" kunot noo kong sabi habang pinapanood siyang maglakad paalis habang hawak ko pa din itong cellphone at bag niya.

"Wala namang sinabi 'yong lalaki kanina na magagalit ang isang tao kapag hinoldap mo." bulong ko sa sarili.

Oh sadyang masungit lang talaga siya? Tsk, sayang maganda pamandin sana siya.

Paano ako ngayon uuwi nito? I admit that I was a bit stupid running off like that when I don't even know a single street here in town.

But I was too contained with my emotions. The pressure was overflowing and my feet just ran on their own.

I tried to open her phone, nagba-baka sakaling may google map.

I know this is wrong and it's an invasion of privacy, but I really need to go home.

I opened her phone and luckily, it didn't have a password.

She's a celebrity and doesn't have a password on her phone?

Masungit na nga, burara pa.

Nagsalita 'yong lalaking lalayas layas tapos hindi na makauwi.

I searched on her apps and found the Google map.

I'm in Tondo right now.

Ang layo ng narating ko!

Agad kong hinanap ang Whitehouse sa Google map at salamat sa Diyos, nahanap ko na ang daan pauwi.

Sa bahay na lang ako kakain nang hindi ko mabawasan kung anong halaga man ang nandito sa loob ng bag ng masungit na babaeng 'yon.

Pagkarating ng bahay, sinalubong ako ng guards na naka-assign ngayong gabi.

"Sir Axle, kanina pa po kayo hinahanap ng Presidente." sabi ng isa.

"Hayaan mo siya." tipid kong sagot.

Pagpasok ng pinto ay may sumalubong na servant para abutan ako ng towel at robe.

"Bakat na bakat 'yong muscles ni Sir Axle dahil sa basa niyang polo." rinig kong bulong nong servant sa isa pang servant na kasama niya.

I didn't pay attention to them because I'm still in a fucking bad mood.

I went straight to my room to take a quick shower then laid on my bed to take a rest.

It's already 11pm, antagal ko din palang naglakbay sa labas.

                      ~• Maddy •~

Argh!

Bwisit na araw talaga 'to! Leche!

Kung ano anong kamalasan na ngang nangyari sa akin, may mae-encounter pa akong bwisit na vlogger na sa dami ng taong ipa-prank eh ako pa ang maswerteng napili!

Talagang pinagloloko ako ng mundo eh 'no?

I went home to my apartment disregarding the fact that I ran away from the freaking studio.

I know that Ms. Ava will get beyond mad because of what I did but I just can't take it anymore.

If she'll fire me, then go! I don't care anymore!

I took a quick shower to calm my self. Pabagsak akong humiga sa kama ko at dahil sa matinding pagod ay kusa na rin akong nakatulog.

I woke up because of some knocks on my door. Sino naman kaya 'yon? Baka si Ms. Ava to inform me that I'm fired and she's going to evict me from this apartment dahil under ito ng agency.

Tamad kong binuksan ang mata ko at laking gulat ko nang makitang nag-iba ang itsura ng kwarto ko.

Kinusot-kusot ko ang mata ko dahil baka guni-guni ko lang pero ganoon pa din. Sinampal ko ang sarili ko dahil baka nananaginip ako pero walang nagbago.

I'm still in this very huge room, with vintage wallpapers, golden pillars, large windows, and there's a freaking chandelier!

Kailan pa ako nagkaroon ng chandelier sa kwarto ko?

Hindi tumigil ang pagkatok kaya pinilit kong tumayo para puntahan iyon. Para na rin maitanong ko sa kung sino mang nasa pinto, kung bakit ako nandito.

Pagbukas ko ng pinto ay mas lalo akong nagulat nang may tumambad sa aking isang babaeng nasa 20's na naka-suot ng black and white na maid outfit.

"Breakfast na po sir, baba na raw po kayo." she said in a shy voice at medyo nagba-blush pa si gaga.

Sandali, sandali.

Bakit siya nagba-blush habang kausap ako? Nababakla ba siya sa'kin?

Sino ba 'yon?

Bakit ako bababa for breakfast eh nagpapa-room service ako lagi dito ng food?

At isa pa, "Sir" ?????

Sinara ko ang pinto at agad hinanap ang cellphone ko habang mabilis ang pahinga.

Shit, binigay ko nga pala sa bwisit na vlogger kagabi!

Pero laking gulat ko nang makita itong nakalapag sa lamesa kasama ng sling bag ko.

Ang lamesa ay sobrang layo din sa lamesang mayroon ako sa apartment.

Mariin akong pumikit at iniling-iling ang ulo ko. What the hell is happening?

Aksidente akong napaharap sa salamin at halos mahimatay ako sa gulat nang makakita ako ng isang gwapong nilalang na naka robe sa reflection!

Hinawakan ko ang mukha ko habang mangiyak-ngiyak na nakaharap sa salamin dahil sa matinding pagkalito at pagkatakot.

Kinapa-kapa ko pa ang buong katawan ko habang nakaharap sa reflection, nagba-baka sakaling katawan ng babae ang makapa ko at baka hallucination lang ang reflection na nakikita ko.

Pero napamura ako sa gulat nang aksidente kong makapa ang bandang ibaba ng puson ko.

Shit! Bakit may matigas!??

Switch To MeWhere stories live. Discover now