CHAPTER 11

3 1 0
                                    

MADDY'S POV

Lecheng buhay 'to oh!

Ang sarap!

Grabe ang sarap maging prinsesa! Este prinsipe hehe.

Imagine, simula nang magising ako, all I had to do was to change into my formal attire kahit nasa bahay lang naman ako, but that's alright with me dahil pagbaba ko naman ay samu't saring masasarap na pagkain ang nakalatag sa harapan ko!

Don't get me started with all the fancy utensils na parang gawa pa sa totoong ginto!

Pasimple kong sinilip ang reflection ko sa kutsara na hawak ko, malinaw pa sa kinabukasan ko!

Hindi ko pa rin maiwasan mapangiwi kapag nakikita ko ang reflection ni Axle. Hindi sa pangit siya ha! In fact, he's like the hottest specie of a man I've ever seen.

And I've seen many hot guys all around the world before ha.

Pero weird pa rin talaga sa pakiramdam na ibang mukha ang nakikita ko kapag humaharap sa salamin. It still freaks me out a little. Hindi pa nga masiyado nagsi-sink in sa akin ang nangyayari sa amin.

I really wonder what kind of phenomena is happening to the both of us. Even science couldn't explain this shit.

Naiwaksi ang iniisip ko nang kinausap ako ng tatay ni Axle - the freaking President itself.

Hindi ko lang napansin kahapon na siya pala ang Presidente dahil nangibabaw ang sobrang stress ko sa mga pangyayari.

I'm trying hard not to show how freaked out I am. Presidente ng Pilipinas 'to men! Presidente!

"Axle Jayden De Villa..." seryosong sabi niya kaya kinabahan ako.

Ganito ba talaga sa Whitehouse? Kailangan full name kapag tatawagin?

"Why are there pictures of you and Maddyson Ramos together? Nagpaalam ka kahapon to go out with Monica pero bakit isang popstar ang kasama mo? And what do you expect? Siyempre, kalat ang dating rumors niyo sa social media!"

Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh my god. I haven't checked my social media accounts since I switched bodies with Axle. Hindi ko alam na kumalat ang mga pictures namin kahapon. Expected na talaga 'yon, pero nawala sa isip ko!

Anong isasagot ko ngayon sa Presidente?

"Mr. Pre-- I mean Dad, we just bumped into each other by accident." kinakabahang sagot ko.

"Ah kaya pala, naisip niyo pang pumunta sa police station para mang-prank? Just what the hell are you doing with your life Axle? First, you disappoint me by turning down Monica, then this??"

Monica? Oh, the guy's girlfriend. Turn her down? I don't understand anything!

"That wasn't a prank. It's--" natigilan ako nang maisip na baka hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo. Hindi sila maniniwala dahil kahit kami ni Axle ay hindi alam ang nangyayari.

Pero sinong makakatulong sa amin kung walang nakakaalam?

"Okay it was, fans pressured us to do it. I'm sorry." parang gulat na gulat ang Presidente sa sagot ko. Kinakabahan ako.

"Did you just talked to me without raising your voice? And you said sorry? Anong nakain mo Axle?"

Naguguluhan ako.

"Hindi ko po alam tawag dito sa kinakain natin D-dad." kaswal kong sagot at naiilang pa akong tawagin siyang dad.

I was shocked when he just burst out laughing. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Switch To MeWhere stories live. Discover now