CHAPTER 17

4 0 0
                                    

We're now on our drive home. Si Axle ang nagda-drive, nasa passenger seat ako habang nasa likod naman si Monica.

Kumakain ako ng sandamakmak na french fries dahil gustong gusto ko na mawala ang pesteng lasa ng potion na 'yon sa taste buds ko.

Parang mas gusto ko na lang ma-food poison ulit eh!

Hindi, joke lang pala.

Unfortunately for Axle, hindi siya pwedeng kumain nito because of my diet.

But mind me, I'm not forcing him ah! Siya pa ang willing na sundin ang diet list ko dahil sabi niya isa daw sa ethics ng isang celebrity ay "discipline".

Sus Axle, tignan ko lang kung hanggang saan tatagal 'yang discipline na pinagsasabi mo diyan. Ganiyan rin ako ka-enthusiastic dati.

"So babalik daw tayo kay Nanay Barbara sa Saturday for updates kung ano nang nalalaman niya sa kondisyon niyo at kung ano na ang pwedeng gawin sa inyo"

"I can't come" sabi ni Axle.

"At bakit?" mataray na tanong ko.

"Kasi po madam Maddy, may performance po ako sa noon-show ng channel niyo. Baka nakakalimutan mong may career kang kailangan kong gampanan"

Why does he need to be sarcastic all the time?

"Sus, tuwang tuwa ka naman" sabi ko at inirapan siya.

"Oo ah, 'yong talent fee ako ang gagastos HAHAHA!"

"Ay kung may matira! Hindi mo alam patakaran ng agency Axle, huwag ka munang magsaya"

"At isa pa, anong sa'yo mapupunta ang talent fee?" bumalik ang tingin ko sa kaniya nang marealize ang sinabi niya.

"Oh bakit, who's gonna sing? Me. Who's gonna dance? Me. Who's getting the money? Of course, me!"

"Do you even know how to do those things? This is your first debut as me, are you confident that you won't ruin my career?"

"Don't underestimate the things I can do Maddyson"

Ay siguraduhin mo lang talaga Axle.

"How about you? Wala ka bang ganap bilang ako?"

"Wait check ko"

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang calendar ko.

Saturday... 9 am... Meeting.

"May conference meeting kami ng mga board members. Uupo lang naman ako doon at makikinig 'di ba?"

Natampal ni Axle ang noo niya.

"My gosh. Anong agenda ng meeting?"

Chineck ko ang notice of meeting.

"Updates about the last meeting daw. Hala, anong alam ko don? Wala naman ako doon last meeting!"

Kumunot ang noo ni Axle at may parang may inaalala.

"Last meeting... "

Hindi maganda ang nakikita kong expression sa mukha niya. What's wrong?

"Oo, umupo ka na lang at makinig."

"So ano, mag-isa ko pupunta kay Nanay Barbara sa Saturday?" biglang singit ni Monica. Oo nga 'no?

Tumingin ako sa kaniya at bumungisngis at binigyan siya ng "please?" look.

"Fine. May blind date pa man din sana ako non" she said rolling her eyes.

"Thank you Monica!" sabay na sabi namin ni Axle nang may bungisngis na ngiti.

Inirapan lang ulit kami ni Monica pero ngumiti rin naman pagkatapos.

Switch To MeWhere stories live. Discover now