Simula

25 2 0
                                    

Simula

He's here


"Nasaan ang manager mo!?" Narinig ko na sigaw sa labas, matulin ako nag punas ng kamay at pinuntahan ang babaeng galit na galit, mukhang natapon ang order na drinks.

"Good morning, ma'am! May I know what's the problem her---"

"Natapon ang drinks ko, your careless waiter is not doing his job properly. Mali din ang food na binigay" Sigaw nya sa akin

Mabilis ang hininga nya mukhang pagod na pagod sa tuloy tuloy na salita, Sinulyapan ko si Mark. Ang bagong waiter dito sa café na pinagtratrabahuhan ko, pareho kaming hindi regular sa café na ito, pero kumpara sa akin, mas matagal na ako dito. Kagaya lang din ako sakanya, noong nag aaral ako pumasok ako sa café na ito para extra income ko sa pang araw araw. 2 weeks pa lang si Mark ngunit ngayon lang sya pumalpak na mag serve sa costumer.

Kita ko ang takot sa mata nya nang sulyapan ko sya. Hindi nya alam kung kikilos sya o ano dahil siguro sa galit ng babae. I sigh.

"Ma'am pwede ko po ba malaman nung in-order nyong pagkain?" Mahinahon kong tanong sa babae

"I ordered 2 chocolate donut, pero ang dumating ay blueberry cheesecake" tinuro turo pa nya ang mga pagkain habang nagsasalita

Hindi pa ako nakakapag salita nasundan agad ang mga sinasabi nya "Saka pwede ba? Paki linis itong kalat na natapon! Mygod where's your manager!"

Humugot ako ng malalim na hininga bago tanguan si Mark. Mabilis syang nag punta sa kitchen para sabihan ang janitor.

Narinig ko na bumukas ang isang pintuan, alam ko na agad kung saan iyon. Sumulyap ako sa bandang kaliwa ko para makita ang papalapit naming manager

"Is there a problem in here madam?"

Nagsimula nanaman magbunganga ang babae, i sigh. Waiting for my manager's order. Mabait naman sya, at alam naman din nya sa sarili nya na ngayon lang nagkamali si Mark sa trabaho. Maswerte nga kami dahil pwede dito ang mga ka edad ni mark na nag aaral pa lang. Sumulyap ang manager ko sa akin, tmuwid ako sa pagkakatayo at ngumiti ng tipid.

"Aly. Please, serve this cheesecake sa table 5, and paki bigyan na rin si madam ng free drinks after mo i-serve yan." Utos nya sa akin

"I'll leave everything to you, you're good at handling things" He whispered.

Kinuha ko ang cheesecake sa table at naglakad papunta sa table 5. Ang kaninang kalmado kong Sistema ay nanginig.

He's here.

 Ano ang ginagawa nya dito? Hindi sya nakatingin sa akin, Deretso ang tingin nya sa laptop na nasa harap nya. Sumulyap ako sa babaeng katabi nya, this girl is here for straight 1 week, does it mean.... Isang lingo na rin sya andito? Does he know I'm here? Sa tagal ko na dito sa US ngayon pa ba ako mabubuking?

Pinilit ko nalang ngumiti kahit kabado ako, pinagdadasal ko na sana ay huwag sya sumulyap pero pagkababa ko ng pagkain sa table nila ay sumulyap sya sa akin. Napatalon ako, halos matapon ko pa ang pagkain na sini-serve ko. fuck! Baka makagaya pa ako kay Mark kung nag kataon. Nag iwas agada ko ng tingin, Nakita ko ang kamay nya.... Nakapalupot sa bewang ng babae. So this is his girlfriend, I guess? Or maybe fiancé. No doubt, the girl seems...rich, Ang ganda nya.

Kulot ang dulo ng buhok, hindi ko nga lang alam kung natural iyon kagaya ng akin, pero mukhang natural naman. Chestnut eye color, matangos ang ilong at mukhang malambot ang labi. Mahaba ang kanyang binti, pasado bilang model. Or baka naman model nga siya? Pero dapat ay kilala sya kung ganoon? Sa isang lingo nyang pabalik balik dito sa café ay kita ko ang mga pormahan nya. Unang tingin ko palang sakanya ay alam ko na; na may kaya siya. light skin color, tamang tama sa kanyang ginger hair. She's almost perfect, Bagay sila....

"Are you okay?" Tanong bigla ng babae

Sinulyapan ko sya at mukhang nag aalala ang tingin nya. "Y-yes"

I simply said bago ko sila talikuran at naglakad pabalik sa loob ng kitchen

"Na serve na ni Kino nung sa table 9"

Tumango ako at uminom nalang ng tubig para mabawasan ang kaba na nararamdaman, Sa tagal na panahon na andito ako bakit ngayon pa kami nagkita. Inaamin ko na.... kasalanan ko pero.... Shut it Allyson! Naka move on na nung tao, may kasama na nga syang babae. Why the hell am I thinking, na andito sya para sa akin? Hindi pwede iyon. Lalo na ngayong may kasama siyang babae.

"Huy aly!" Nawala ako sa iniisip ko at nilingon ang isang kaibigan ko dito sa US, sya ang nag b-bake ng mga dessert dito sa café, regular worker siya dito samantalang ako ay part time lang. iniimbitahan naman ako na mag regular work na pero kasi nahihiya din ako umalis sa isang trabaho ko, Malaki din naman ang sahod don at mabait sa akin ang may ari kaya hindi ko maiwan iwan.

"What sofie?"

"Tulala ka nanaman dyan? Anong iniisip mo?" Tanong nya

"Wala naman" Sabi ko sabay hubad sa waist apron na suot ko

"Oh? Out ka na? ang aga pa!" Aniya

"May dadaanan pa ako"

"Paano si red?" Tinutukoy nya ay kung ano ang sasabihin ko kay red, our manager. Anak sya ng may ari ng café na pinasukan ko.

"I'll just text him, paki sabi nalang din na may gagawin ako kaya nag out ako ng maaga. Pasensya na"

"Osige, mag ingat ka aly!" si sofia bago sya bumalik sa kanyang trabaho, ngumiti na lang ako at umalis.

I suddenly realized that he's here, I can't run away now.

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now