Kabanata 7

7 1 0
                                    

Kabanata 7

Girlfriend


"You have a meeting at 1:30 pm with Mr. Cruz. And for tonight, you will be having a dinner meeting with Mr. and Mrs. Miraflor. 7 pm, El Gaucho."

Iyon ang nakita ko sa schedule nya kaya iyon ang binalita ko sakanya. Tumigil sa pag titimpa sa laptop si frank saka ako nilingon.

"Thank you. Our lunch will be here in a few minutes now, I'm expecting you to be ready by one. I don't like being late to my appointment." Aniya

"Yes sir" tumango ako bago mag paalam at lumabas na sa opisina nya.

Gaya nga ng sabi nya. May dumating na isang matandang lalaki, dala dala ang lunch naming dalawa. Nilagay nya iyon sa maliit na lamesa bago iyon iwan.

I'm guessing I should be the one who delivers his lunch. Dang it!

Hindi na ako namili sa dalawang pagkain dahil mukhang parehas lang naman iyon. Kinuha ko ang isang pinggan na may takip, kutsara at tinidor at yung kutsilyo. May juice at tubig. Lahat iyon ay nakalagay sa isang tray bago ako tumulak sa loob ng opisina nya.

Three knocked on his door office before I came inside. He's already looking at me when I look at him. Seryoso ang mukha at walang imik.

"Your lunch sir, saan ko po ilalagay?" tanong ko dahil baka mamaya gusto nya kumain habang tinatapos ang ginagawa nya. Or baka naman gusto nya doon sa lamesa kaya ako nag tanong. Ayoko lang pumalpak dahil baka may masabi nanaman sya.

"There." Turo nya sa lamesa, kaya doon ko nalang nilapag ang mga pagkain.

Habang ginagawa ko iyon, ramdam ko ang mariing titig nya sa likuran ko. Hindi ko ito pinansin at nag paalam na para lumabas.

Pagkain ko naman ang inasikaso ko, nilagay ko ang mga ito sa lamesa ko. Nag asal ako bago kumain.

May rice, ulam at side ang laman ng pinggan. Maayos ang plating, malinis at mainit pa ang mga pagkain.

Hindi ako sanay na pinag sisilbihan ako. Sanay kasi ako na ako ang nag sisilbi sa ibang tao. Ako ang nag luluto, nag lilinis, at kung ano ano pa. akala ko sasabay ako sa ibang empleyado kumain doon sa canteen sa baba, but then I guess ganito talaga kapag secretary ka ng isang boss?

Medyo mahirap din makihalo sa ibang empleyado dahil may pader na naka distansya sa amin, hindi kagaya sa ibang movie na napapanuod ko ay salamin lang ang nakaharang kaya nagkikita-kita pa rin sila ng ibang empleyado. Sa iba nga ay literal na walang harang na pader o salamin kaya madaling nagiging close ang mga empleyado sa palapag.

Pumasok kami sa conference room kung nasaan si Mr. Cruz, may katandaan na ang lalaki at puti puti na ang buhok. Tumayo agad sya nang pumasok kami ni frank.

"Good afternoon, uncle!" pormal na bati ni frank sa matanda

"Good afternoon, hijo" Nag kamayan silang dalawa, nilipat ng matanda ang mata nya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin kaya yumuko ako at muli syang nilingon bago ako mag salita

"Good afternoon, sir"

Tinanguan nya lang ako at ngumiti bago sila umupong dalawa.

Naupo ako sa tabi ni frank, kahit ayaw ko dahil naiinis ako kapag nalalapit ako sakanya. I jus't don't like his presence. And now I have to endure it for 2 weeks.

Nilapag ko ang ipad at binuksan ang notebook, to take notes. Nabasa ko iyon kanina, na kapag daw may meeting iyong boss ay dapat nag t-take notes ang secretary at nakikinig ng Mabuti. But all the information has to be confidential.

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now