Kabanata 20

6 1 0
                                    

Kabanata 20


Outcast

"Mga apo ko!" Malaki ang ngiti ni lola Gracia nang salubungin nya kaming mag kapatid.

Nag mano kami ni karina sa kanya, nakita ko na lumabas si papa sa tindahan.

"Pumasok muna kayo rito sa loob" saad ni papa, lumapit kami sakanya at nag bigay galang din kagaya ng ginawa naming kay lola.

"Sakto, maaga ko niluto ang sinigang, kumain na kayo"

"Mamay ana po ako, la" ani karina, mabilis syang pumasok sa loob ng bahay. Naiwan kami nila lola at papa.

Nasulyapan ko ang malungkot na mukha ni lola, "Lola, pagod lang po sa byahe si rina, maaga rin po kasi kami umalis para makasakay agad sa terminal" ngumiti sya sa akin "Ganoon ba? Osige. Halika sa loob ihahanda ko na ang mga pinggan. Noel! Bantayan mo saglit ang tindahan ha!" hinila ako ni lola papasok ng bahay.

Luma na ang bahay dito, pero hindi naman nakaka takot ang itsura dahil kada taon ay pinipinturahan nila papa. Dito na rin lumaki ang mga magulang ni lola, ipinasa nalang sa mga anak anak. Hindi ko maintindihan ang history ng pamilya nila kagaya hindi ko nalang masyado iniisip. Basta para sa akin, bahay ito ng pamilya ni papa. Bahay ni lola.

Katabi lang ng bahay ang tindahan, kaya naman nung nag highschool ako ay pinabutasan nalang nila papa ang bahay at tindahan. Pinag dugtong nalang nila para hindi na mahirapan si lola. Pero mayroon pa rin naming bukod na gate ang bahay, mayroon din pinto roon sa binutas para na I l-lock kapag gabi.

"Nasabi ng papa mo, mag n-nurse ka?" ani lola

"Ahh... Med Tech po lola"

"Ang galing, bagay sayo. Matalino ka at sigurado akong lalong gaganda ang kinabukasan mo ryan" malambing nyang saad.

Si lola Gracia na lang ang naabutan ko na grandparents ko. huling naalala ko na nakasama ko ang asawa nil ola ay dalawang taon ako. ang mga magulang naman ni mama, matagal na ring patay.

Hindi na maitatago ang kulubot sa mukha at buong katawan ni lola, pero kahit ganto ay natutuwa ako dahil masigla pa sya. nakakaya pa nya mag tinda at mag luto ng makakain nila. Pero hindi naman sya hinahayaan ni papa na kumilos lagi rito sa bahay. Puti puti na rin ang buhok nya, maikli nalang ito, parang gupit lalaki. Pero bagay sa kanya.

Unang tingin mo sa kanya ay makikita mo talaga ang ganda, kaya lang kapag nag tagal mapapansin mo talaga ang kulubot sa mukha nya. Pero totoo naman kasing maganda sya noong kabataan nya. Marami syang picture album nung dalaga sya. pinakita nya iyon sa amin noon, nandoon na rin ang picture nil ani lolo nung kolehiyo sila. They look cute, maganda rin ang mukha ni lolo. Kaya hindi na

ako nag taka kung bakit may itsura si papa, kahit sa edad nya ngayon marami pa ring babae ang nag papapansin sa kanya.

Panatag naman si mama kaya hindi siya nag sasalita o gumagawa ng eskandalo kapag may naririnig syang chismis about kay papa. I mean who would? Kasal sila at may Allyson at karina sa buhay nilang dalawa. Pero minsan kasi hindi na tumitingin sa ganoon ang mga kabit. I guess, my father gave too much assurance to my mother.

"Woah, lola iba ka talaga mag luto!" unang higop ko pa lang sa sabaw ay nagising na ang diwa ko, parang nawala lahat ng pagod ko sa byahe

"Aba oo, sinigang ang lagi ko niluluto kapag nag aaway kami ng lolo mo. Tas ayun.. after nya kainin ang luto ko...bati na kami, hinahalikan na nya ak----"

"Lolaaa TMI po!!" malakas syang tumawa na para bang kinikilig at inaalala ang memorya nya kasama si lolo. "Sus! Malaki ka na! baka may humalik na sayo ha? Sabihin mo sakin kung magaling. Kapag hindi bastedin mo" saad nya, namula ako nang maalala ko kung paano hinalikan ni frank si charlotte

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now