Kabanata 12

2 1 0
                                    

Kabanata 12


Sorry

"Dinner?" He invite me again for dinner, I can't refuse. Puro tubig at snack ang laman ng tiyan ko dahil sa sunod sunod na meeting. Gutom na gutom ako.

8:30 kami sakto lumabas ng opisina, sabay kaming pumunta sa parking lot kung saan naka parada ang sasakyan nya. Sa palapag namin, nakita ko ang tingin ng mga employee sa amin, nakita ko pang nag bubulungan sila jace at hannah habang tumatawa.

Hindi ko alam kung bakit, buong araw naman nila alam na magkasama kami ni frank dahil sa meeting. Unless alam nila na mag d-dinner kami ng sabay?

Ofc they wouldn't know that. That's a conversation between me and frank. And I'm sure na walang nakarinig noon dahil sa opisina nya kami nag uusap kanina. I'm just overthinking!

Nagulat pa ako dahil pinagbuksan nya ako ng pinto sa sasakyan. Gentleman pala sya? Akala ko puro kasamaan lang ng ugali meron sya eh.

Pumasok ako sa passenger seat, umikot sya para makapasok sa driver seat.

"your seatbelt" aniya

"Yes sir" tumigil sya at liningon ako

"Call me again"

"Sir...?"

Kumunot ang noo nya at kita ang iritasyon sa mukha nya. Anong problema nito?

"I told you to call me frank. Wala na tayo sa loob ng opisina" aniya

"Pero nasa parking lot pa tayo ng kompanya nyo?"

his jaw tightened. Mabilis nya isinaksak ang susi para umandar ang sasakyan. he quickly drove out of the parking lot.

Maya maya lang ay huminto sya sa tapat ng 7/11. Lumingon ako sa labas at madaming nag lalakad pauwi o papunta sa terminal ng bus. Mayroon din mga barkadahan na Nakatambay sa bench ng 7/11.

"Wala na tayo sa company, you can call me by my name" aniya, nilingon ko sya at nakita kong nakatingin na sya sa akin.

Di ko alam kung may ubo ba sya sa utak o ano. Nag buntong hininga nalang ako

"Okay, frank. Dito mo ba balak kumain?" nilingon ko ang 7/11 sa bintana ng sasakyan nya

"Ofcourse not" aniya na parang diring diri. Ang arte, anak mayaman kasi

"I-I mean, gusto mo ba dyan?" Tanong ulit nya sa akin.

"Kahit saan"

"You can decide, tell me..." Aniya

Tumitig lang ako sakanya, his hair is a bit messy now, dahil siguro kanina pa sya uma-attend ng meeting. Nakakapagod din naman iyon, hindi ko alam paano nakakaya ng utak nila ang mga detalye. Wala akong alam na restaurant masyado rito sa Taguig. Inasal kaya? Parang gusto ko ulit non. Hays cravings.. Kaya lang itong kasama ko.. maarte baka mamaya umorder ito ng steak don, nakakahiya pa

"Inasal..." Wala sa sarili kong sinabi

"ina--- what?" I sigh. Naknamputcha talaga

"Mangi nasal, iyon ang gusto ko frank. Ano?"

His face looks hesitant about my decision. Ano ka ngayon? Tell me, tell me ka pa nalalaman. He starts his car and glances at me

"Which way?" Aniya

Sinabi ko sakanya ang way papunta roon. Medyo mahaba ang byahe dahil talagang malayo iyon sa kompanya. Masipag lang talaga ako kapag dating sa pagkain. Kahit lakarin ko hanggang sa amin ang mahalaga mabubusog ako sa huli.

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now