Kabanata 1

9 2 0
                                    

Kabanata 1

Birthday


Inside the hall, parents are praising their children. Giving presents and other things, this is a special day for us because we're moving forward. Senior High School lasts two difficult years. Damn near hell of a week, that was it. We have reached the end of our senior high school experience as of today. The most anticipated journey seems to be to college.

Inabutan ako ni papa ng isang flower bouquet, sinundan naman ng isang maliit na regalo na inabot ni mama

"Congrats anak" Si papa bago ako halikan sa noo, Binigyan ko sya ng matamis na ngiti

"Yan lang ang kaya ng budget naming sa regalo, congrats ly" Si mama, Umiling ako sa kanyang sinabi

"I don't really need this, kahit wala na po ayos lang. ang mahalaga nakarating kayo. Salamat po. Ma, pa." Niyakap ko silang pareho, saya nga dahil wala dito si rina, ang bunsong kapatid ko. may pasok din kasi siya kaya hindi sya naka punta.

Mas bata si karina sa akin ng isang taon lang naman, hindi kami magka sundo... palagi nya akong sinisigawan, kahit nababastusan na ako minsan. Dahil ate pa rin nya ako, at dapat kahit papaano ay ni-rerespeto nya ako, pero hindi ko makuha iyon sakanya. Ako ang laging masama kapag pinatulan ko lahat ng hinagpis nya, dahil sa totoo lang sa aming dalawa mas siya ang pinagtutuusan ng pansin ni mama. Hindi masyado si papa dahil sa ibang bahay siya nakatira. Ang tanging kasama ko lang sa bahay ay si karina at si mama, Kahit ganon pa man sya, mahal ko sya dahil kapatid ko sya. Iisa kami ng dugo at parehas kaming niluwal ni mama. Mahaba ang pasensya ko kaya walang problema sa akin kung ako lagi ang pinag iinitan nya.

"ALLYSON!!!" Nilingon ko ang dalawang kaibigan ko, paloma and Charlotte. We hug eachother, kahit araw araw naman kami magkasama parang sobrang nangulila kami sa isat isa. Paano ba maman kasi mag kakalayo kami kanina, by alphabetical ang pila, syempre iba iba kami ng apelydo.

"Tita, tito! Mano po" Magkasunod silang nagmano kay mama at papa, madalang lang nila makita si papa pero si mama ay madalas, dahil minsan sa bahay kami tumatambay at madalas si mama ang naaabutan naming

"Sissy! Picture-an ko kayo nila tita bilis" tinulak ako ni Charlotte sa gitna nila mama at papa

Naramdaman ko ang parehong kamay nila sa likod ko, lumapit sila sa akin ng kaunting. Ngumiti ako para sa picture. My relationship with my mom is...a bit mess. Kagaya ng sinabi ko kanina, mas pinagtutuusan nya ng pansin si karina kumpara sa akin. Okay lang naman...ate naman ako pero kasi kailangan ko din sya minsan. Isang taon lang ang pagitan naming ni karina....kung ano ang pangangailangan ni karina ganoon di sa akin. I shook my head, its fine. She's still my mother, busy sya sa trabaho para may gastusin kami sa araw araw. Maganda kasi ang trabaho ni mama, sa isang malaking building dito sa manila. Isa iyong malaking kompanya kaya naman Malaki din ang sinasahod nya. Yun nga lang ay madalas late na sya umuuwi kaya kaming dalawa ni karina ang naiiwan sa bahay.

Minsan kapag bakasyon, umuuwi kami sa probinsya ni papa. Sa Bulacan, hindi nya maiiwan ang bahay doon dahil sakanya pinamana ni lolo ang Negosyo ng pamilya. Kagaya ngayong bakasyon, uuwi akong Bulacan para mag bakasyon dahil matagal pa naman ang enrollment para sa college. Patay ng ang father ni papa, ang lola ko nalang ang natitira doon. Isa sa dahilan kung bakit hindi maiwan ni papa ang Bulacan. Ayos naman kay mama dahil kapag weekend ay umuuwi naman si papa, pero madalas ang hindi nakakauwi dahil kailangan sa Negosyo. Nakahanap naman na ng isang nurse sila mama para kay lola, pero hindi pa rin panataga si papa.

"Happy birthday..." Bulong ni mama ang nagpagising sa aking mga iniisip, tapos na ang picture, tinignan ko sya at ngumiti

"Thank u, mama" Niyakap ko sya ng isang mahigpit. Please let me feel her, kahit ngayon lang ma...

She pulled out in a hug, she smile a bit and I do the same.

"Saan kayo mamaya aly?" Tanong ni papa

"Kung pwede po sana sa bgc pa, ihahatid naman daw po kami nung driver nila paloma."

Its my 18th birthday, I don't do grand events. Nag plano lang kami na uminom sa isang bar sa bgc, hindi rin naman ako umiinom kaya okay lang. I'll be there to have fun.

"Osigi... huwag ka uminom masyado" nag aalalang sinabi ni papa sa akin

"I don't drink, hihinto po ako kapag hindi ko na kaya"

"Ihahatid po kami papunta at ihahatid po namin si allyson pauwi tito, huwag po kayo mag alala" singit ni paloma

"Huy! Tres marias! Picture daw sa labas ng hall sabi ni Mr. Gomez" Sumigaw ang isa naming kaklase. Nag paalam ako kila mama at papa bago lumabas ng hall

Naabutan ko ang mga kaklase ko na nag aayos para sa picture. Pumwesto ako sa gitna ni paloma at charlotte. Siksikan ang nangyari dahil sumigaw ang nag p-picture ng "closer". Ngumiti ako sa unang picture at ngumuso naman ako habang naka pogi post sa pangalawa. Nagtawanan kami pag katapos, we congratulate eachother. Nag bigay din ako ng simpleng regalo sa teacher ko bilang pasasalamat sa dalawang taon ko sakanya bilang senior highschool.

"Aly! See you later!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko, inimbitahan ko sila para mamayang gabi.

"Happy birthday aly!" Bati uli nilang lahat

I thank them bago kami tuluyuang umalis nila papa, nag paalam ako sa dalawa kong kaibigan bago tumulak paalis.

Nagsabi ako kay papa na huminto kami kahit saglit sa pinaka malapit na simbahan. Hindi kasi ako nakapag simba kaninang umaga dahil nagmamadali kami makapag ayos para sa aking moving up. Huminto ang sasakyan sa tapat ng chapel, tinanguan ako ni papa.

"Bibili lang kami ng mais doon sa tabi, antayin ka namin" ani papa

"Sigi po, pa"

Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso na sa loob, tinignan ko ang altar sa harap ko bago lumuhod at nag dasal.

Malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil kahit hindi kami ganoon kayaman ay nakuha pa rin ako pag aralin sa isang magandang paaralan ng mga magulang ko. nabibili nila lahat ng pangangailangan at gusto ko. ipapangako ko na susuklian ko ang lahat ng iyon sa tamang panahon. Sana po.... Nasa tamang landas ako ng buhay, huwag nyo po ako bibiguin.

Dumilat ako at tumayo, nag sign of the cross ako bago bumaling para lumabas. Nahagip ng paningin ko ang naka hoodie na lalaki na naunang lumabas sa akin. I shrug my shoulder at tuluyan ng lumabas sa simbahan.

Maingay at iba't ibang boses ang naririnig, nag bebenta ng kung ano ano. Pagkain, laruan, souvenir, sampaguita, at kung ano ano pa. Sa gilid ng simbahan palengke ang makikita mo. Madalas mamili si mama dito.

"Ate ganda, bili ka na po"

Nilingon ko ang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa walong taong gulang na, Inaalok nya ako ng kutsinta. Busog ako pero naisipan ko nalang bumili para kaunting tulong sa bata.

"Ilan ang laman nung styro?"

"Sampong piraso po, 50 pesos"

"pabili ako ng isa, salamat" Ngumiti agad ang bata sa akin, masaya ako kasi kahit papano ay nakatulong ako sakanya.

"Thank you ate, ingat ka po"

"Salamat din, ingat ka"

Tuluyan na akong umalis at bumalik kung saan nag park ang sasakyan ni papa.

"Ano yan?"

"Kutsinta po ma, ito oh"

"Tamang tama, osige ilagay mo sa lamesa pag uwi sa bahay" ani mama, tumango nalang ako at namahinga sa byahe.

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now