Kabanata 13

2 1 0
                                    

Kabanata 13


Dinner

Sa sumunod na araw ay hindi nga sila nag bibiro. Talagang sabay pa sila dumating ng pilipinas kaninang umaga. i saw my two friends entering the restaurant, nahanap agad nila ako. Mabilis sila nag tungo sa table na pinareserve ni frank.

"GIRL!!" Isang sigaw kay paloma ang narinig ko, tumingin ang mga nasa malapit na table dahil medyo malakas iyon.

Naupo ang dalawang babae sa harapan ko.

"Oh, asan si frank?" ani charlotte

"Restroom..."

"Chika muna bago dumating, bilis!"

Si paloma na walang paawat sa kung anong gustong marinig. Wala naman akong iba ikwekwento sa kanila. Ang dalawang babae kasi na nasa harap ko akala ay kung anong meron sa aming dalawa ng boss ko! They keep assuming things, this girls...

"Tanga, mamaya na lang after. Sigurado naman ako na maiiwan tayong tatlo rito" ani charlotte

Oh dear no, working hour ko ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinaladkad ng lalaking ito rito! Siya lang dapat at si charlotte eh, nadamay pa ako.

Nakita ko si frank na naglalakad pabalik sa table namin, bigla akong umayos ng upo. Nag da-daldalan pa rin ang dalawang babae sa harap ko.

Natahimik ang dalawa nang umupo si frank sa tabi ko

"Good afternoon, ladies" aniya

"Hey frank, good aftie!" ani charlotte

"Kumain na muna tayo, aba nagugutom na ako"

Si paloma bago mag taas ng kamay para tumawag ng waiter. Letche talaga ang babae na ito. Nakakahiya! I saw frank shift his position, he looks uncomfy!

I stare at him for a second, napansin nya siguro ang titig ko kaya nilingon nya ako.

"Do you need anything?" aniya

"W-wala... uh"

"Ohhh... I smell something fishyyy" ani charlotte

"Oo nga, nag d-date kayo?"

"Hindi! Uh.. Di kami nag d-date" pinandilatan ko ang dalawa, natawa naman sila sa reaksyon ko.

in the middle of our meal, Frank coughed and got the attention of the two girls.

"About what happened in the bar, charlotte" ani frank

"Naku, ayos lang. Kasalanan ko rin naman kasi. Im too drunk to think things"

"But It was my fault too... Ako ang mas may matinong pag iisip sa ting dalawa non. I should have stop you from... from uh kissing me..."

"Apology accepted! Sorry too huhu, nung nalaman ni zoey hatik pa ako katayin!" ani charlotte

"Sorry too, paloma and Allyson. For doing that to your friend.." nilingon ako ni frank

"Ayos lang, kilala ko na si charlotte... ganto talaga toh" ani paloma

Natahimik kami sa lamesa namin, Frank is still staring at me as if he's waiting for my response. Charlotte cleared her throat before saying something.

"Patawarin mo na..." aniya

"F-fine.. a-apology accepted..."

Sumilay ang ngiti sa labi nya bago tuluyang tumango.

The whole lunch meal is awkward, si charlotte at frank ay nag uusap lang about sa business na pamilya nila. Si paloma naman ay nakikisagot lang minsan kapag relate sa business nila. Ako naman ay tahimik lang sa tabi ni frank na kumakain. Napapansin ko ang mga titig nya sa akin pa minsan minsan pero di ko nalang pinapansin. Tinanong pa nya ako kanina dahil tahimik lang talaga ako

An Inconvenient Attachment (Santiago Series #1)Where stories live. Discover now